Chapter 37

1775 Words
CHAPTER 37: Kahit silang dalawa lang ang kumain at ang tao sa bahay ay abot pa rin ang hiya ni Shaika sa pagtuloy niya, tila pakiramdam niya ay sobrang laking abala na ang ginawa niya bahay ni Owen. Hindi niya inasahan na ang gaya ni Owen na nakilala niya bilang isang gaya niyang mamamatay-tao ay marunong spala sa pagluluto. At kung pagmamasdan pa ang bahay nito ay halatang malinis at maayos ito, tila malayong-malayo sa inasahan niyang makikita niya sa bahay ng isang lalaki. Nang matapos silang kumain ay wala ni isa sa kanila ang umimik, walang may lakas ng loob ng magbukas ng kahit anong usapinl. Hindi ito ang unang beses nilang magsabay sa pagkain, pero iba ang nangyari ngayon kaysa sa restaurant dahil silang dalawa lang naman ang tao rito sa bahay. Hindi rin naman sila nagtagal doon, matapos magligpit at magbihis ni Owen ay umalis din sila kaagad ni Shaika na hanggang ngayon ay wala pa ring imik sa isa’t isa. Maging ang pagmamaneho ng binata sa kotse niya ay hindi na niya muling pinasin dala ng sobrang hiya. Nang makalayo sila sa bahay ay bumalik na ang isip ni Shaika sa realidad. Hindi man niya sabihin ay malaki ang pasasalamat niya kay Owen na naisip nitong imbitahan siya sa bahay na tinutuluyan niya. Naging daan iyon para kahit sandali ay makahinga siya sa bigat ng dinadala nilang problema ngayon. Iyon nga lang, pagkatapos ng sandaling iyon ay kailangan na ulit nilang harapin ang nasabing delubyong dumating sa kanila. Itunuro ni Shaika kay Owen ang daan papunta sa bahay ni Herlene. Ngayon pa lang na nasa daan sila ay naiisip na niya ang maaring maging reaskyon ng kaibigan niya kapag nakita na niya ng personal na magkasama nga sila. Wala siyang binanggit sa telepono sa kung bakit kailangan nilang bumisita sa kanya, pero hangga’t maari ay ayaw niyang makadagdag sa problema ng kaibigan niya na siya namang kinahaharap din nito ngayon. Sa bilis ng pagpapatakbo ng binata ay mabilis silang nakarating sa itinurong lugar ni Shaika. Pagbaba ng sasakyan ay mabilis na inikot ng dalaga ang paligid ni Goldie bilang paniniguro na hindi nga nagasgasan kahit kaunti ang mahal niyang sasakyan. “Sabi ko naman sa ‘yo, ginaya lang kita! At kung tutuusin nga ay mas maingat pa ako sa ‘yong magmaneho, kaya wala kang dapat ipag-alala,” bati ni Owen sa kanya nang makaharap siyang muli sa binata. Hindi na nila kinailangan pang mag-doorbell o kumatok sa bahay ng bibisitahin nila ngayong araw. Dahil kusa nang lumabas sa kanyang bahay si Herlene na may isang napaka lapad na ngjti sa kanyang labi dahil nakumpirma niya nang may kasama ngang lalaki ang matalik niyang kaibigan. “Hello! Pasok na kayo sa loob!” bati ni Herlene nang buksan niya ang gate. Naunang pumasok si Owen sa loob matapos niyang ngitian ang dalaga. Ito ang una nilang pagkikita ng personal kaya walang naging palitan ng salita sa kanila, at alam nilang pareho na hindi kikilos si Shaika para pormal silang ipakilala sa isa’t isa. Kaya hindi na nila inasahan na mangyayari iyon, isa pa ay kilala naman na nila ang isa’t isa sa pangalan. Bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay si Shaika ay bumalik muna sa isipan niya ang nangyari noong huling punta niya sa bahay ng kaibigan niya. Buong akala niya ay magiging huling punta na niya iyon dahil sa naging mabigat na away nilang dalawa. Hindi man niya masasabing tuluyan na ngang naayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay masaya pa rin siya na kahit paano ay nagawa niyang makabalik sa bahay na ito. “Hindi ka ba pinupuntahan ni Zeldris dito?” iyon ang unang tanong ni Shaika nang tuluyan siyang makapasok sa loob. Napansin ni Herlene na mabilis na gumala ang mata ng kaibigan niya sa paligid ng kanyang bahay, wala naman siyang reklamo kung gawin iyon ng dalaga dahil sanay na siyang minamanmanan siya nito kapag bibisita ito sa kanya. Pero ngayong may kasama ito, hindi siya papayag na mapunta sa kanya ang usapan. “Kung bisitahin man niya ako rito, may kasama naman siyang mga bodyguard. Ikaw ba, may kasama ba si Owen kapag binibisita ka niya?” agad na tanong ni Herlene nang makalapit siya sa likod ng kaibigan niyang nakatayo pa malapit sa pinto ng bahay. Tahimik na nakaupo si Owen, at dahil hindi naman niya gaanong kilala si Viper at ayaw din naman niyang madamay sa usapan ay mas pinili na lang niyang manahimik sa isang tabi at umiwas ng tingin sa dalawa dahil malaki ang posibilidad na idawit siya ni Shaika sa tanong na iyon para siya ang sumagot. “Nakita mo naman na dalawa lang kaming pumunta rito, ‘diba?” iritang sagot ni Shaika sa kaibigan saka mabilis na umiwas sa katabi. Sa totoo lang ay hindi niya magawang kumilos ng ayon sa normal niyang kilos dahil hindi inaalis ni Herlene ang tingin nito sa kanya. Alam niya sa sarili niyang wala silang ginawang hindi tama ni Owen kahit pa magkasama silang natulog sa sala ng isang gabi, pero sa oras na malaman iyon ng kaibigan niya—idagdag pa ang pagpunta rin niya sa bahay nito ngayong umaga—tiyak niyang aandar talaga ng malala ang madumi nitong isipan. Kaya hangga’t maari ay kailangan niya nang masabi kung ano ang sadya nilang dalawa rito. “Isa pa,” ani Shaika nang humarap siyang muli sa kaibigan. “Wala kaming oras para magpaliwanag sa ‘yo,” dugtong niya. Tumingin siya kay Owen na ngayon ay seryoso na rin ang tingin sa kanya na para bang binibigyan siya nito ng pahintulot na ituloy kung ano ang gusto niyang sabihin. “Viper, may problema kami ni Destroyer. Hindi ko alam saan ako magsisimula, pero—” “Alam ko ang mga nangyari, Sinister,” awat ni Herlene sa kanya. Mabilis na napalunok si Shaika nang maging seryoso ang tono ng boses ng kausap niya sa kanya. Ngayong kaharap niya ito, saka niya naalala na hindi niya pala nakita ito kagabi o hindi manlang nakausap. Sinubukan niya man itong tawagan pero dahil hindi ito sumagot ay inakala na niyang naliligo lang ito o nagbibihis. Kaya nagulat talaga siyang malaman na alam ng dalaga ang nangyari sa kanila kagabi. “Ang totoo, noong mga oras na tumatawag ka ay nasa Dark Hotel ako. May kailangan kasi akong gawin bago ako makipagkita sa inyo. Kaya… alam ko… ang mga nangyari,” pag-amin ni Herlene. Hindi alam ni Shaika kung bakit, pero kumakabog ang dibdib niya ngayong nakikita niyang hindi makatingin ng diretso sa kanya ang kaibigan niya. Alam niya na kapag ganito ito kapag nagsasalita ay may bagay siyang gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi, at kailangan niyang mapilit ang dalaga na masabi iyon dahil malakas ang kutob niya na maiintidihan niya ang mga nangyayari kapag nalaman niya kung ano iyon. “Anong ibig mong sabihin na alam mo?” naguguluhang tanong ni Shaika. Si Herlene naman ang napalunok ngayon. Wala talaga siyang balak na sabihin ang totoo kay Shaika, dahil maayos naman ang naging takbo ng plano niya na pumayag ang kaibigan niya na maging bodyguard ni Zeldris. Kaya tiyak niya na kapag nalaman nito ang plano niya ay masisisira ang bahagi ng plano niyang iyon—isang bagay na gustong-gusto niyang iwasan. Pero dahil sa nasaksaksihan niya kagabi, alam niyang kailangan siya ng kaibigan niya ngayon. “Lahat ng nangyari sa inyo, nakita ko ang nangyari sa Dark Hotel. Mula sa pag-uutos ni Legal kay Thunder na puntahan kayo sa restaurant at ang usapan nila ni Maestro na nagtraydor ka raw sa Dark Knight. Narinig ko ang lahat—” “Bakit hindi mo manlang pinigilan si Thunder kung nakita at narinig mo naman pala ang nangyar?! Akala ko ba ay matalik kang kaibigan ni Sinister, bakit wala kang ginawa?!” singhal ni Owen sa kanya, napatayo na rin ito dahil hindi niya kayang pigilan ang inis niya sa narinig na pag-amin ni Herlene. Walang nagawa si Shaika kundi ang tingnan na lang ang kaibigan niya para maghintay kung ano ang isasagot nitong paliwanag sa tanong ni Owen. Alam niya na dapat sa ganitong pagkakataon ay suportahan niya ito, pero hindi niya iyon magawa kung maski siya ay hindi niya maintindihan kung bakit nga ba wala itong ginawa para lumala ng ganoon ang nangyari. “Kung pipigilan ko siya, hindi ko malalaman kung ano pa ang ibang plano nina Maestro at Legal sa inyo! Makinig naman kayo, hindi ako ang kaaway n’yo rito. Isa pa, kung pipigilan ko siya, sa tingin n’yo ba ay makakatulong talaga iyon sa sitwasyong iyon?” katwiran ni Herlene. Nagkatinginan na lang sina Shaika at Owen, hindi nila maitatanggi na may punto ang sinabi ni Herlene. Sa ngayon, iyon na lang ang hawak nilang maaring makatulong sa kanila para makausad kahit paano sa nangyari. Sa isip nilang dalawa ay nasabi nilang mabuti ang ginawa ni Herlene. “Anong narinig mo sa usapan nila?” mahinahong tanong ni Shaika. Muling napalunok si Herlene nang magtama ang tingin nilang dalawa ng kaibigan niya. Takot siyang sagutin ang tanong na iyon, at sa totoo lang ay gusto niyang tuluyang takasan ang dalawa. Nang matanggap niya ang tawag ng kaibigan niya kaninang umaga na pupuntahan siya nito ay alam na niya kung ano ang sadya ng dalawang iyon, at alam din niyang magdamag na magkasama ang dalawa dahil pagkagaling niya sa Dark Hotel ay sinundan niya ang dalawang ito. Kaya lang, nang makita niya kung gaano kagalit si Shaika sa nangyari… nang makita niya kung gaano naging kamiserable si Owen sa ginawa ng kaibigan niya sa kanya… wala siyang naging lakas ng loob para damayan o magpakita manlang sa kanila nang gabing iyon, dahil alam niya na siya ang puno’t dulo ng problemang ito. Duwag si Herlene at alam niya iyon sa kanyang sarili. Ang unang bagay na pumasok sa isipan niya kaninang umaga paggising niya ay ang takasan ang katotohanan… na ayaw niyang malaman mismo sa kanya ni Shaika ang buong katotohanan. Pero sa kabilang banda, pagod na siyang magsawalang kibo… pagod na siyang magtago sa dilim at magpanggap na ayos lang ang lahat. Ikinuyom niya ang kanyang kamao bilang paghahanda sa bagay na aaminin niya. “Hinahanap ko ang taong nagturo sa akin na pumatay sa kuya ni Zeldris, at naniniwala akong nasa Dark Hotel lang ang taong iyon. Kaya lang, sa paghahanap ko sa kanya, naunahan ako ni Maestro… nalaman niya ang koneksyon ko kay Zeldris. At dahil naging bodyguard ka niya at hindi nagawang patayin ni Owen ang mayor na iyon… inakala nilang magkakasabwat tayo sa bagay na hindi naman talaga natin ginawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD