CHAPTER 114: Malaki ang naging pagsisisi ni Samantha na ngayon niya lang naisip ang gamitin ang pagkasabik ni Jason sa kanya laban mismo sa ginoo. Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya, dahil ngayon ay tapos na siyang tumakas at matakot… buong puso niya ulit tinanggap ang alok ni Jason na painitin muli ang kanyang gabi sa pangalawang pagkakataon. Inulit nila ito nang makauwi sila sa bahay ni Samantha, ito ang unang beses nilang magsalo sa kama ng sariling bahay ng dalaga. At alam ni Samantha na iba ang dating niyon kay Jason, sa pakiwari niya ay naipakita niya na kay Jason na handa na siyang muli na ibigay ang lahat sa ginoo nang walang kahit anong pag-aalinlangan. “I can’t believe na nagseselos ka sa mayor na iyon,” ani Samantha, malambing at mahina ang tono ng kanyang boses habang sina

