CHAPTER 115: Hindi alam ni Shaika kung paano niya ba haharapin si Zeldris pagkatapos niya itong iwan nang walang paalam nu’ng araw na huli silang mag-usap galing sa meeting. Hindi niya ugaling magpaalam sa binata sa tuwing aalis siya o kapag maghihiwalay na silang dalawa, pero iba pa rin ang naging kilos niya kahapon at alam niyang nahalata rin iyon ng mayor. Wala naman siyang dapat na ikabahala kapag nagharap ulit sila, wala naman siyang pakialam kung ano man ang isipin ng binata sa kanya dahil doon. Pero ang inaalala niya lang ay baka makaapekto ang nangyari sa kailangan niya kay Zeldris, hindi siya maaring pumalpak sa importanteng bahagi ng plano nilang ito dahil sa kanya nakasalalay ang lahat. Kagaya ng ugali niya sa tuwing papasok siya ng munisipyo ay diretso lang ang tingin niya s

