CHAPTER 116: Bukod sa napatunayan ni Shaika na tama ang tingin niya kay Zeldris tungkol sa totoo nitong pagkatao, hindi na rin niya problema kung paano ito kakausapin na may kinalaman sa mga plano niya. Dahil si Zeldris mismo ang nagpakita sa kanya na may tiwala na ito sa kanya na animo’y isa na siyang mapapakinabangang gamit para sa binata. Sa tingin ng dalaga ay nakatulong din naman kahit paano ang ginawa niyang pagpatay sa sibilyang iyon dahil iyon ang nagbigay kay Zeldris ng dahilan para magtiwala sa kanya. Hindi man niya matanggap na naging kasangkapan siya nito para mang-api ng maliit, wala siyang magagawa kundi ang pilitin ang sarili na huwag na itong isipan pa dahil may mas importante pa siyang kailangang gawin bukod doon. “Wala naman akong pakialam sa tingin ng iba sa akin, dit

