CHAPTER 117: Akala ni Samantha ay hindi pa makukuntento si Jason sa isang gabi na inilaan niya para sa kanya. Laking pasasalamat niya na lang na kinabukasan paggising niya ay wala na ito sa tabi niya. Wala naman problema sa kanya kung lumabas ito sa bahay niya na makita ng kanyang kasambahay dahil alam niyang hindi naman makakarating sa iba ang tungkol sa nakita niya. Ngayong tapos na ang problema niya kay Jason at nakaisip na siya ng paraan para tigilan na siya nito sa pangugulo sa kanyang opisina, kailangan niya nang bumalik sa mas malaki pang problema kaysa sa mayor na iyon—walang iba kundi ang balak ni Zeldris tungkol sa Dark Knight. Alam niya na walang ibang maaring makapagsasabi kay Maestro tungkol sa balak nito kundi siya lang. Hindi niya pa alam kung ano ang gagamiting paraan ni

