Chapter Three

1730 Words
Villareal Mansion. Maaga pa kami ng sampung minuto ng makarating sa mansyon ng mga Villareal. Sobrang laki ng mansyon ng mga ito. Hindi ko naisip na ganito pala kayaman ang pamilya nila Ate Elaine. Pagpasok namin sa loob ay namangha ako. Kung anong kinaganda nito sa labas ay mas higit na mas maganda ito sa loob. Napatingin ako sa staircase nila. And I'm in awe when I saw it. This modern staircase impressively uses the house design, hugging the landing and wrapping its way around the side of the space keeps these open plan rooms aflame with light. It compliments the patterned floor and wall design and it’s marbled finish with cast iron balusters completes the grand feel. Their mansion have a minimalist interior design. Pero kahit pa ganoon ay napakaganda pa rin nito. At sa totoo lang ganitong klase ng bahay ang pangarap ko. Pinaupo kami ng mayordoma sa living room. Pagkalipas ng halos sampung minuto ay bumaba na sa grand staircase si Ate Elaine kasama ang parent's nito. Hinanda ko na ang best smile ko for todays video. Ngunit bigla iyong napalitan ng inis ng makita ko ang lalaking kasunod ng parent's ni Ate Elaine na bumaba ng hagdan. Anong ginagawa niyan dito? naiinis na tanong ko sa sarili. Pagkababa nila nang hagdan ay lumapit sila agad sa amin para bumati. Binigyan ko ng matamis na ngiti si Ate Elaine at ang mga magulang niya. At nang dumapo ang paningin ko sa lalaking kasunod ng parent's ni Ate Elaine ay natigilan ang lalaki. You recognized me ha. Tsk. nakangising saad ko sa sarili. "Daddy, Mommy. Si Tita Maricel po Mommy ni Kent." pakilala ni Ate Elaine kay Mommy. "And si Tito Anthony naman po Daddy ni Kent." pakilala naman niya kay Daddy. "And this beautiful lady right here is Amarah, Kent younger sister." Inakbayan pa niya ako. At sabay kindat sa akin. Nakipag beso si Mommy kay Tita Kath, Mommy ni Ate Elaine. At nakipagkamay naman si Daddy kay Tito Michael, Daddy ni Ate Elaine. "Tito Anthony, Tita Maricel, sila naman po ang parents ko, Kath and Michael." nakangiting ani Ate Elaine. Pagkatapos ay lumapit ito sa lalaking kinaiinisan ko. Umabriste si Ate Elaine sa braso nito at malawak na ngumiti sa amin. "And this is Zach, my younger brother." "Magandang gabi po." bati niya sa parent's ko. Nang tapunan niya ako ng tingin ay awtomatiko akong napasimangot. "Hi!" bati niya sa akin na blanko ang mukha. Adik ba ko? Hi ka dyan! inis na wika ko sa isip ko. "Halina kayo sa dining. Doon na natin pag usapan ang kasal ng mga bata." aya ni Tita Kath. Lumapit si Ate Elaine kay Kuya Kent. Naghawak kamay sila. Lalakad na sana sila papunta sa dining area ng bigla kong tawagin si Kuya Kent. "Kuya!" mahinang tawag ko kay Kuya Kent. Lumingon siya sa akin kaya nginuso ko ang dala naming pagkain na inilapag niya sa center table kanina. "Kaya mo na iyan." nakangising wika ni Kuya Kent. Aambahan ko sana siya ng suntok ng makita ako ni Mommy. "Behave Marah." ani Mommy. "Si Kuya kasi." sumbong ko. "Ako na nga nagluto. Ako pa pagbibitbitin. Hanep!" pagmamaktol ko. Bubuhatin na sana ni Mommy ang ibang pagkain ng kuhain ito ng mga kasambahay ni Tita Kath. "Kami na po Ma'am." anang Mayordoma. Nginitian niya ako ng malapad. Babawiin ko sana ang mga pagkain dahil nahihiya naman ako mag utos sa kanila. Ngunit mabilis na nginuso ng Mayordoma si Zach. Napalingon ako dito ngunit tumalikod na ito at nauna ng maglakad papunta sa dining. Gentleman naman pala Amarah. Napasimangot ako sa naisip. Pero badtrip pa rin siya. Never forget Amarah! Huwag kang marupok. Sumunod na din ako sa mga ito papuntang dining. Nang makarating kami ay mabilis akong umupo sa upuan malapit kay Mommy. Nasa kanan ako ni Mommy at nasa kaliwa naman nito si Daddy. Katabi ko naman si Kuya Kent at katabi naman niya si Ate Elaine. Katapat ni Mommy ang upuan ni Tita Kath. Katapat ni Daddy si Tito Michael. At ang aroganteng si Zach naman ay katapat ko. Inihanda na ng mga kasambahay nila Ate Elaine ang dala naming Chicken Alfredo at Mixed Seafood. Naghanda din pala si Tita Kath ng panghimagas. Ayon kay Ate Elaine ay mahilig gumawa si Tita Kath ng mga pastries. Mayroon din silang Cochinillo na mukhang sobrang lutong ng pagkakaluto. Natatakam na naman akong kumain ng marami. Infairness naman kasi sa katawan ko ay kahit sobrang takaw ko na ay hindi naman ako nataba. "So kailan ba ang kasal Elaine, Kent?" tanong ni Tita Kath. Nagsimula na kaming kumain. Kumuha ako ng small portion ng Chicken Alfredo. Pagkatapos ay lot of portion ng Cochinillo, natakam kasi talaga ako. "Next month po, Mommy." ani Ate Elaine. "We want a garden wedding." "Bakit ayaw niyo ng church wedding?" tanong ni Tito Michael. "Mas maganda na sa simbahan kayo ikasal." Tipid na ngumiti si Ate Elaine. "Dad, ayoko ng the usual. Saka pari pa rin naman magkakasal sa amin. Iba lang ang venue." "If you don't want the usual di dapat nag under the sea ka o kaya outer space." seryosong saad ni Zach. Inismiran ito ni Ate Elaine. "Funny. Do I have to laugh brother?" mataray na saad ni Ate Elaine. "You said you don't want the usual? I'm just trying to suggest big sister." sagot ni Zach. Diniinan pa nito ang pagkakasabi ng "Big". "Big? And what do you mean by that? Excuse me. I'm still sexy kahit chubby ako." nakasimangot na turan ni Ate Elaine. Hinawakan ni Kuya ang kamay ni Ate Elaine na nakapatong sa lamesa. "Your beautiful, baby. Your size doesn't define your beauty." malambing na saad ni Kuya Kent. "Di sana lahat." saad ko habang sarap na sarap sa pagkain ng balat ng Cochinillo. Kinamay ko pa talaga iyon para mas maenjoy ko ang pagkain non. "My god, Amarah!" napalakas na usal ni Mommy. Pasimple niya akong kinurot sa tagiliran ko. Impit na napaaray ako. "Wala ka sa bahay. Please." bulong ni Mommy sa akin. "It's okay, Maricel." natatawang saad ni Tita Kath. "Let her enjoy the food." "Baka kulang pa iyan. Should I order more?" saad ni Zach. Poker face lang siya ngunit sa tono ng pananalita niya ay mukhang iniinis niya ako. Bumabanat ka talaga. Let see. You want war. I'll give you war. nakangising saad ko sa isip ko. "Pasensya na po. Medyo na stress kasi ako doon sa nakabanggaan ko sa coffee shop kanina e. Ang bastos kasi." kwento ko sa kanila. Diniinan ko pa ang pagkakasabi ng salitang bastos habang nakaharap mismo kay Zach. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Zach pagkarinig ng huling salitang sinabi ko. Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Bakit Iha? Ano bang ginawa sayo?" tanong ni Tito Michael. "Binuhusan ba naman po ako ng kape niya. Pero hindi man lang nag sorry. Tinawag pa kong tanga. Imagine po kung gaano siya kabastos? Di na nga gwapo. Pangit pa ugali. Ano na lang maganda sa kaniya?" nakangising kwento habang na kay Zach ang paningin ko. Kitang kita ko kung paano nagpalit palit ang emosyon ng mukha nito. Ang kaninang taas kilay lang ngayon ay naging galit, poot at inis. Gusto kong matawa sa itsura niyang nakikita ngayon ng magagandang mata ko. Hindi maipinta ang mukha ni Zach. Kahit siguro ang mga tanyag na pintor ay hindi iyon maiguguhit ng tama. Serves you right, baby. "Ang sama naman talaga ng ugali non. Hindi yata naturuan ng maayos ng magulang niya. He doesn't know to respect a woman." ani Tito Michael. Napapangisi akong sumagot habang nakatingin kay Zach. "Oo nga po eh. So bad. Tsk. Tsk." Sinamaan ako lalo ng tingin ni Zach. Sa itsura nito ay mukhang tinitiris na niya ako ng pino sa utak niya. Gusto kong humalakhak ng malakas sa naiisip ko. Pinikit ni Zach ang mata niya at huminga ng malalim. Tumikhim siya para agawin ang atensyon ng mga kasama namin sa dining area. "I think we should talk about Ate Elaine and Kent wedding rather than your stories right? Your the wedding planner if I'm not mistaken? Sabi ni Ate Elaine, your the best daw. No offencement, but I doubt it." Abat! naiinis na usal ko sa sarili ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin sa kaniya ng mataman. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya. "If I'm not the best. We'll be my guest Mr. Villareal. Do the job!" nakangiting saad ko ngunit mas nagmukha iyong ngiwi dahil sa pinipigilan kong inis. "I'm a well-known businessman. Not a wedding planner Ms. Ortega." seryosong sagot niya. "Then bakit parang alam na alam mo ang trabaho ko? Sasabihin mo pa sa mismong mukha ko na hindi ako the best?" nakairap na tanong ko. Gusto kong magtimpi pero sinasagad talaga ni Zach ang bait ko sa katawan. "Naging kliyente na ba kita, Mr. Villareal? Or nakapunta ka na ba sa kahit isang wedding lang na inorganize ko at ng team ko?" "You sound offended, Ms. Ortega. Should I say sorry then?" patay malisyang saad niya. Ngumiti ako ng mapait. "Patawa ka?" mataray na wika ko. "Amarah!" saway ni Mommy sa akin. "Your manners." "Why me?" naiinis na tanong ko kay Mommy. "Siya ang nauna." saad ko sabay turo kay Zach. "Para kang bata! Grow up." ani Mommy. Tumayo ako sa inuupuan ko. Nagulat si Mommy sa ginawa ko pero hindi ko na ito pinansin. "Tita, Tito I'm sorry po pero hindi ko kasi kayang makipag plastikan sa anak niyo. Sa totoo lang mas gusto ko siyang sapakin ngayon." "Amarah!" saway ni Daddy sa akin. Hindi ko siya pinansin at humarap kay Ate Elaine. "Ate I think you need to look for another wedding planner to organize your wedding. Hindi kasi bilib sa akin ang kapatid mo e. Mukha naman madaming pera itong kapatid mo e! Kayang kaya niyang kumuha ng mas the best pa sa akin." sarkastikong saad ko. "Mauna na po ako sa inyo. I'm sorry po if I ruined this night." hinging paumanhin ko. Kinuha ko ang bag ko at mabilis nang lumabas ng dining area. Dire diretso akong lumabas ng bahay ng may biglang humawak sa braso ko. Marahas na pumihit ako paharap para tingnan kung sino ang humawak sa braso ko. At parang flash ang pangyayari ng bigla ko na lang sapakin si Zach. "F*ck!" sigaw niya habang hawak hawak ang panga niyang tinamaan ng suntok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD