
Amarah Ortega. Twenty five. A wedding coordinator. Always a bridesmaid. But never a bride.
My parents are the reason why I believe in "Forever". Why I believe in marriage. And why I believe in commitment. In other words sila ang standard.
Kaya bata pa lang ako ay plinano ko na ang dream wedding ko. Lahat ng detalye. At ang tanging kulang na lang ay "Groom" syempre.
Pero umabot na lang ako ng bente singko ay hindi ko pa rin nakikita si "The One". Nakapag asawa na ang mga kaibigan ko. Nagkaanak na nga ang iba. Pero ako ito "Certified Single" pa rin.
Until one day, I met Zach André Villareal. Ang napakasungit na kapatid ni Ate Elaine. Elaine is my Kuya Kent's fiancé. Ako ang kinuha ni Kuya Kent and Ate Elaine na maging wedding coordinator nila. Unlike me, Zach don't believe in commitment. Hindi siya naniniwala sa kasal at happy ending. Para sa kaniya ay pag sasayang lang iyon ng pera at panahon.
Pero paano kung biglang maglaro ang tadhana?

