"Mommy, paano niyo po ba malalaman kapag siya na iyong the one?"
Natatawa si Mommy habang sinusuklay niya ang buhok ko. "Ten years old ka pa lang Amarah pero iyan na agad ang iniisip mo?" anito.
"Gusto ko kapag lumaki ako Mommy katulad din ni Daddy ang pakakasalan ko. Sisiguraduhin ko po na mahal na mahal niya ako. At mahal na mahal ko din siya." nangangarap na saad ko kay Mommy.
"Amarah hindi pare pareho ang love story ng mga tao. May mga taong swerte sa pag ibig. Pero meron naman ding hindi. Hayaan mong diyos ang magtakda ng lalaking makakasama mo habang buhay anak. Ang dapat mo lang gawin ay mag pray. Para sa tamang tao ka mapunta." nakangiting saad ni Mommy.
"Sa ngayon anak hindi pa iyon maiintindihan. Masyado ka pa kasing bata. Pero kapag naging dalaga ka na. At naranasan mo mainlove. Maiintindihan mo na ang sinasabi ni Mommy. Basta anak. Ang lagi mo lang tatandaan. Malalaman mo na nasa tamang tao kana kapag masaya ka at panatag ang loob mo sa kaniya."
Humarap ako kay Mommy. At yumakap sa kaniya. "Sisiguraduhin ko po na kay Mr. Right ako mapupunta Mommy. Promise cross my heart!"
"Ikaw talagang bata ka." natutuwang saad ni Mommy at niyakap din ako ng mahigpit.
One day. Ikakasal din ako. Sisiguraduhin kong magkikita tayo Mr. Right.