Chapter One

1591 Words
"Amarah asan ka na?" tanong ni Bia. "Don't tell me nakalimutan mo na friday ngayon?" mataray na saad nito. Sh*t! Patay na naman ako nito. "Sort Of?" kinakabahang saad ko. "Pero papunta na." "You better be! Last week hindi ka na nagpakita sa amin. Tapos ngayon balak mo na naman kaming indyanin! Aba te. Sa ating lahat ikaw pa ang walang asawa pero ikaw itong hirap na hirap ayain." "Ipamukha daw ba?" usal ko. "Ayan pa din ba ang issue mo until now Mara? Dahil lang single ka at kasal na kami? Dahil lang diyan?" hindi makapaniwalang turan nito. "Sainyo kasi hindi issue iyon dahil may mga asawa na kayo. Pero sa akin big deal iyon. Napag iiwanan na ko Bia. I'm twenty five pero single pa rin ako. Ang mas malala NBSB pa. Sino naman kayang hindi maiinis non aber? Kakaltukan ko talaga kung meron." "E kung ikaw kaya kaltukan namin times twenty. Alam mo Mara paulit ulit na naming sinasabi saiyo na wala namang mali saiyo. Halos nga nasa iyo na lahat. Baka sadyang wala pa iyong lalaking nakatakda para saiyo. Huwag kang mainip. Twenty five ka pa lang. Hindi ka pa lagpas sa kalendaryo." "So iintayin ko pang lumagpas ako sa kalendaryo? Baka ugatin na ko girl. Di pa ko makatikim ng hotdog." litanya ko sa kaniya. "Para sa isang NBSB malaswa iyang bibig mo. Gusto mo lang palang mavirginize di makipag one night stand ka." anito. "Ayoko nga. Magkasakit pa ko." nandidiring saad ko. "Ibaba ko na itong tawag mo. Nagdadrive ako. Baka maaksidente pa ko sa kadaldalan mo." "Nagsalita ang tahimik. FYI Mara ikaw ang laman lagi ng noisy sa blackboard hindi ako." "Fine! Sige na pang gulo ka e." mataray kunyaring wika ko. Pinatay ko na ang tawag at nag concentrate na lang ako sa pagmamaneho. Pupunta dapat ako ngayon sa suppliers namin ng souvenirs para icheck ang urgent request ng isang client namin. Ngunit dahil na corner na ako ni Bia kailangan ko pumunta sa barkada dinner date namin. I'am Amarah Ortega. I'am the person behind Mara Creative Events. Isa akong wedding planner by a profession. Pinasok ko ang ganitong negosyo dahil fascinated ako pagdating sa usapang kasal at forever. Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa pagplaplano ng kasal. I even planned my own wedding when I was fourteen. Helping other couples achieving their dream wedding makes me happy. Really happy. At masarap sa pakiramdam na makitang masaya sila sa araw ng kasal nila. Sa halos limang taong ginagawa ko ito ay nakilala na rin ang kumpanya ko sa larangang ito. Sa dami ng magagandang feedbacks ng mga naging kliyente namin ay mas marami pang couples ang pinagkatiwala ang kanilang dream wedding sa amin. Dati madami pa akong doubt sa sarili ko simula nang pinasok ko ang negosyong ito. Pero nang unti unti akong nakilala ay sobrang sarap sa pakiramdam. At mas lalo siyang naging fulfilment para sa akin dahil ako mismo ang naging wedding planner nang mga bestfriends ko. Bia, Anne and Criza are my bestfriends since highschool. Kahit pa magkakaiba kami ng course noong college hindi iyon naging hadlang para magkalayo layo kami. We promise to stay as bestfriends forever. Pero twing maiisip ko na kasal na silang tatlo at ako na lang ang natitirang single. Ngayon ko naiisip na napaka misteryoso talaga ng tadhana. Dahil sa aming apat ako ang mas may chance mag asawa at ikasal ng maaga. Pero ang nangyari ako pa ang naging maid of honor nilang lahat. At ako pa ang huling ikakasal. Kung darating pa nga si Mr. Right. Papasok na ako ng subdivision nila Bia nang biglang mag ring ulit ang cellphone ko. Hindi na ako nag abalang sagutin pa iyon ng makitang si Bia lang ulit ang tumatawag. Nang makarating ako sa binigay nitong address ay maayos kong pinark ang kotse ko sa gilid ng daan. Kinuha ko ang bag at ang cellphone ko pagkatapos ay mabilis na lumabas ng sasakyan. Dumiretso ako sa gate nila Bia. Hindi na din ako nag abalang mag doorbell dahil bukas naman iyon. Nang papunta na ako sa likod bahay ay nakita ko silang apat na masayang nagkwekwentuhan. Buti na lang at hindi nang mga ito kasama ang mga asawa nito. Dahil kung nagkataon ay self pitty na naman ang bagsak ko. "Marah!" tiling tawag sa akin ni Criza. Tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Miss na miss?" biro ko dito kapagkuwan. Bumitaw ito sa akin at inirapan ako. "Kung hindi ka pa ata tatakutin ni Bia hindi ka pa magpapakita." Pinisil ko ang pisngi nito. "Buntis ka nga. Lakas mo maka mood swing. Look.." Turo ko sa katawan niya. "Tababoy ka na girl!" kantyaw ko dito. Sinimangutan niya ako at biglang hinila ang buhok ko. "Ang sama mo." naiiyak na turan nito. "Sorry pow." natatawang saad ko. "Iyakin ka na nga dati. Mas naging iyakin ka pa ngayon." "Kaya di magka jowa e. Lakas mang alaska." ani Anne ng makalapit sa amin. Inirapan ko ito. "Real talk ah." mataray na turan ko. "Ikaw din naman. Tingnan mo pinaiyak mo iyong baboy. Este si Criza." natatawang biro din nito. "Ang sasama niyo!" sigaw ni Criza habang umiiyak. Sabay sabay kaming nagtawanan nila Anne. Three months nang buntis si Criza. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang kinasal. Sumunod ay si Anne ngunit wala pa daw silang balak mag anak ni Cris. And ang pang huli ay si Bia. Two months ago lang ito kinasal. "Group hug nga natin ang baboy." gatong pa ni Bia. Na lalong kinahagulgol ni Criza. Niyakap namin siya. Namiss ko itong ganito kami. Iyong kaming apat lang. Iyong nag aasaran lang kami. Iyong masaya lang kami. Dahil aminin ko man o hindi namimiss ko rin naman talaga sila. Naunahan lang ako ng self pitty kaya tinikis ko sila ng halos isang buwan. "Kain na tayo. Tapos na ako magluto." ani Bia. Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko maiwasang mamangha sa bahay na pinagawa ni Mark para kay Bia. Isang sikat na Arkitekto si Mark Leviste. Kilala ito hindi lang dito sa bansa kundi sa buong Asya. May sarili itong construction firm kung saan kasosyo nito ang kaibigan nitong si Engr. Cris Montenegro, ang asawa ni Anne. Pero ang pinakaswerte sa kanilang tatlo ay si Criza. Dahil isang Bendict Santillian lang naman ang napang asawa nito. Isang kilalang business tycoon sa batang edad nito. Pag aari nito ang naglalakihang hotel sa loob at labas ng bansa. "Asan si Mark?" tanong ko kay Bia nang makaupo kami sa dining area. "Business meeting as usual." nakasimangot na sagot nito. "Nagtanong pa ko. Ano bang bago?" saad ko. "E kung sad kana niyan. Ano pa tong si Criza? Mas mayaman asawa nito satin." wika ni Anne. Ngumiti si Criza. "Actually ako ang priority. Hindi ang negosyo." aniya. "Di sana all." mataray na saad ni Anne. Nagtawanan kami sa tinuran ni Anne. Busy kami sa pag chichismisan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nag excuse ako sa kanila at pumunta sa living room bago sinagot ang tawag. "I'm getting married bunso!!" sigaw ni Kuya Kent pagkasagot ko ng tawag niya. "Kuyaaaa!" singhal ko dito. "Balak mo bang bingihin ako ha! Alam mo bang importante ang tainga ko sa trabaho ko!" litanya ko dito. "Sorry. Naexcite lang akong ibalita sayo." aniya. Kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim. "Sino naman iyang malas na babae na papakasalan mo?" matatay na tanong ko dito. "Bunso siya na yata ang pinaka swerteng babae dahil isang Kent Jamil Ortega ang pakakasalan niya!" mayabang na saad nito. "Angat bangko ah. Kala mo talaga gwapo. Kuripot naman!" kantyaw ko dito. "Hindi mo pa nga nababayaran iyong inutang mong kapital pampuhunan sa negosyo mo. Makakuripot ka dyan!" sumbat niya sa akin. "Pera nila Daddy iyon no. Hindi iyon sayo!" katwiran ko. "Sino bang nagpapatakbo ng negosyo di ba ako? Ako ang nagpautang sayo kaya technically pera ko iyan." aniya. "Di iyon na! Keep the change!" singhal ko. "Kita mo 'to. Di pa nga binabayaran. Keep the change your face!" singhal niya din sa akin. "Sobrang yaman mo na maniningil ka pa. Ganid yarn?" biro ko kay Kuya. "Maniningil talaga ako." saad niya. "Uuwe kami next week diyan. Kasama ko si Elaine, iyong fiancé ko. Diyan kami sa pilipinas magpapakasal. At ikaw ang magiging wedding planner namin." "Fully booked na kami." nang iinis na turan ko. "Subukan mong tumanggi Amarah. Isusumpa ko talagang tumanda kang dalaga." naiinis na wika nito. "Subukan mo! Ilalabas ko scandal mo." banta ko kay Kuya. "Anong scandal?" takang tanong niya. "Ano pa ba iyong pinasayaw ka ni Mommy nang sayaw kikay habang nakapalda. Tingnan ko kung matuloy pa kasal niyo. " nangingiting turan ko sa kaniya. "Amarah Ortega!! Sabi ko idelete mo na iyon di ba?" galit na saad nito. "For blackmailing purposes lang Kuya." natatawang saad ko dito. "Ewan ko sayo! Basta uuwi kami next week at ikaw ang magiging wedding planner namin." bilin niya. "And one more thing Marah, you'll be Elaine's maid of honor." dugtong niya. "Always a maid of honor but never a bride ha." natatawang turan pa nito. "I hate you Kuya Kent!" singhal ko. "I love you bunso. See you next week. Bye!" paalam niya. "Kuya!!!!" sigaw ko dito. Ngunit mabilis na nitong ibinaba ang tawag. Arrrgghhh! I hate you. I hate you talaga! Bwiset! Akala ko last na iyong kay Bia. Dadagdag ka pa talaga Kuya! For real! naiinis na saad ko sa loob loob ko. Kapag ako talaga kinasal. Who you kayo lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD