Marah Creative Events. Araw ng linggo pero busy pa rin kami sa pag plaplantsa ng mga wedding events for this month. Kahit pa madami na akong empleyadong pwedeng utusan ay pinipilit ko pa rin maging hands on in every wedding ng mga client namin. Ayoko kasing may maging aberya sa even a smallest thing pa iyan. I want everything to be perfect.
Dati ang opisina namin ay napakaliit lang. Simpleng commercial space lang. Pero after two years ay nakapagpatayo na ako ng six storey building. Kung may naging advantage man ang pag boyfriend ng mga bestfriends ko. Iyon ay iyong nalibre ako sa Arkitekto at Inhinyero para mapatayo ang opisina ng Marah Creative Events. At dahil naman sa kasal ni Benedict at Criza ay mas lalo akong nakilala. Dahil malalaking tao ang imbitado sa kasal nila. Nagkaroon ako ng libreng advertisement. At infairness naman kay Benedict siya talaga ang nag rerecommend sa akin.
Busy ako sa pagtawag ng mga suppliers nang biglang tumunog ang private phone ko. Si Mommy ang tumatawag.
"Hello Mommy." bati ko sa kaniya.
Malalim na bumuntong hininga ito. "Asan ka?" tanong nito.
"Office." maiksing sagot ko.
"Nasa airport na ang Kuya Kent mo. Di ba sinabi ko saiyo mamanhikan tayo tonight. Bakit andiyan ka sa opisina mo?"
Huminga ako ng malalim at pabagsak na naupo sa couch sa opisina ko. "Mom, mamaya pa naman gabi iyon. Saka hindi naman ako ang mamamanhikan. Si Kuya ang pagmadaliin niyo."
"Pero kailangan andoon ka." ani Mommy. "Saka I have to prepare food na dadalhin natin para sa family nila Elaine. You know I'm not good in cooking Anak. Your a better cook than me. So please. Go home. And help me." pakiusap nito sa akin.
Tumingin ako sa orasan ko pambisig. Mag aalas dos na pala. Sa sobrang busy ko kanina pagdating ko pa lang dito ay hindi ko na namalayan ang oras.
"Okay Mommy. Uuwi na po. Ibibilin ko lang itong ginagawa ko. Then diretso na po ako diyan." saad ko sa malambing na tinig.
"Thank you baby." masayang usal ni Mommy.
"Your welcome Mommy. Bababa ko na po itong tawag para makauwi ako agad. Bye!"
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos ni Mommy magpaalam. Inayos ko ang mga papeles na nakakalat sa desk ko. At sinalansang ang mga natapos ko nang tawagan na suppliers sa mga kailangan pa ng updates.
Tinawag ko ang sekretarya ko. Binilin ko sa kaniya ang mga dapat pang gawin. Kailangan ko kasing masiguradong okay na ang mga naka schedule na kasal for the whole month dahil next week siguradong kailangan kong isingit sa schedule ko ang kasal ni Kuya Kent. At hindi iyon papayag na hindi ko siya iprioritize.
"Make sure that everything is settled na Khaye. Ayoko nang magkakaaberya ha." bilin ko sa sekretarya ko.
"Opo Ate Marah." nakangiting sagot niya.
Yes. My employees only call me Ate Marah. And just Marah kapag mas matanda sila sa akin. Ayoko kasing magpatawag na ma'am dahil feeling ko tumatanda ako lalo. At higit pa doon ay gusto ko magaan lang ang workplace namin. Masaya lang kaming nagtratrabaho. Walang superiority. Pero syempre may paggalang pa rin. Sabi nga nila kapag masaya ka sa trabaho mo. Mag reflect iyon sa kasal na inoorganize mo. Happy thoughts!
"Ate Marah mabuti pa po umuwi na kayo. Kami na po ang bahala dito." ani Khaye.
"Sige. Mauna na ko ha. Kayo nang bahala dito." bilin ko. Kinuha ko ang bag ko sa desk ko at mabilis na lumabas na ng opisina ko.
Nang makarating ako ng parking ay sumakay ako agad sa kotse ko. Pagkatapos mag seatbelt ay pinaandar ko na agad ang sasakyan ko. Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay hindi naman si Mommy tumitigil kakatawag. Pero ang hula ko ay hindi iyon si Mommy. Malamang si Kuya Kent na naman iyan at gustong buwisitin na naman ako.
Manigas ka kakatawag diyan Kuya!
Nang may makita akong coffee shop ay bigla na lang akong nag crave ng kape at cheesecake. At ang nakakatawa ay biglang kumalam ang sikmura ko na parang sinasabi sa akin na gutom na siya. Bago pa ako makapag isip na umuwi na lang ay mabilis na akong nagpark sa tapat ng coffee shop.
Kinuha ko ang bag ko at umibis na ng sasakyan. Tiningnan ko muna ang counter area bago ako pumasok sa loob. Nang masigurong wala masyadong tao sa counter ay pumasok na ako.
Ngunit bago ko pa buksan ang glass door ay biglang nag bukas niyon. And I was shoked nang makaramdam ako ng mainit na likidong dumadaloy sa dibdib ko.
"Sh*t! Ang iniiiit!!!" sigaw ko. Pinaypayan ko ang dibdib ko gamit ang kamay ko na para bang maiibsan noon ang init nang kape na nabuhos sa akin.
"Baka magbaga pa iyan kaysa lumamig." anang kung sinong nasa harap ko.
Napaatras ako nang makitang malapit kami sa isa't isa. Umusog din ito dahil nakaharang na kami sa pinto ng coffee shop.
"Sorry Mister. Iyon dapat ang unang sinasabi kapag nakaperwisyo ka. Didn't you know?" mataray na litanya ko sa kaniya.
"Excuse me Miss. Hindi ko kasalanan iyan. For your information ikaw ang hindi tumitingin sa pintong binubuksan mo. Bago mo pa man mahawakan iyong handle bubuksan ko na iyong pinto." seryosong saad nito.
"So ako nang nabuhusan ng kape ako pa ngayon ang tanga? Ganoon?" hindi makapaniwalang turan ko dito.
"Ikaw ang nagsabi niyan." wika nito. Akmang tatalikuran na ako nito ng bigla kong hawakan ang braso nito.
"Mag sorry ka." inis na turan ko dito pagkalingon niya.
"Why would I? Like what you've said katangahan mo iyan." tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at mabilis na naglakad palayo.
"Bastos!!" sigaw ko dito.
Ahhhh!!! Huwag lang talaga tayo magkikita ulit!
Tiningnan ko ang damit ko.
Badtrip! Badtrip talaga! ngitngit ko sa loob loob ko.
Padabog na naglakad ako pabalik ng sasakyan ko. Hindi na ako umorder dahil nawala na iyong gutom ko sa inis ko sa lalaking iyon.
Pagkasakay ko ng kotse ko ay mabilis kong pinaandar iyon. Wala pang bente minutos ay nasa bahay na ako. Ipinark ko lang ng maayos ang kotse sa garahe at padabog na akong pumasok sa loob ng bahay. Nagmumuhi pa rin talaga ako sa lalaking iyon. Maisip ko pa lang siya ay nabwibwisit na ako.
"Anong nangyari sa damit mo?" tanong ni Mommy sa akin pagpasok ko ng kitchen.
Napasimangot ako. "Natapunan ng kape ng talipandas." nagngingitngit na saad ko.
"Andito na pala si bunso e." Lumapit si Kuya sa akin. Nang akmang yayakapin niya ako ay natigilan ito ng makita ang damit ko. "Fashion yan?" natatawang saad nito.
"Isa ka pa!" singhal ko dito. "Di ba ikaw ang ikakasal bakit kaya hindi ikaw ang magluto no. Di iyong abala ka pa!"
Pinisil nito ang pisngi ko. "Ang init nang ulo!" aniya. Binitawan niya ang pisngi kong kurot kurot niya at paglatapos ay inakbayan niya ako. "Paano ka magkaka boyfriend niyan kung ang sungit sungit mo. "
Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. "Wala akong pakialam."
Nilapat nito ang palad niya sa noo ko. "Nilalagnat ka yata! Ikaw tatanggi sa boyfriend?"
Tinampal ko ang kamay niya. "Pwede ba Kuya! Hindi ako kating kati magkajowa. At kung katulad lang nang bastos na lalaking iyon magiging jowa ko. Huwag na! Salamat na lang."
Tinalikuran ko ito at lumapit kay Mommy. Nagsuot ako ng apron at tinulungan si Mommy sa pagluluto.
"Anak ikaw na ang magluto ng Chicken Alfredo saka Mixed Seafood." ani Mommy.
"Sige Mommy ako nang bahala. Mag ayos na po kayo saka magpahinga." malambing na wika ko.
"Salamat Anak. Seven pa naman ang dinner. After niyan mag asikaso ka na rin." bilin ni Mommy.
Tumango lang ako at nagsimula nang magluto. Prinepare ko muna ang lahat ng rekado para mas mabilis na lang sa akin ang pagluluto. Inuna kong lutuin ang Chicken Alfredo Pasta.
Sa pamilya namin ay wala talagang marunong magluto. Even my Mom hindi talaga siya marunong magluto. Natuto lang siya lately at dahil tinuruan ko siya. Hindi naman kasi kailangan ni Mommy matuto dahil may mga katulong naman kami. Pero ako? Noong grumaduate ako ng college ay nag aral ako sa culinary school. Sa sobrang gusto kong pangatawanan na maging perfect wife ay nag aral talaga akong magluto. Sabi nga nila a way through a man's heart is through his stomach. Kaya ayon, naniwala ako. Pero ang ending wala pa rin. Single pa din.
Pagkatapos ng ilang halos isa't kalahating oras ay natapos na ako magluto. At naiayos ko na din ang mga pagkain sa lagayan nito. Ako na din ang naglagay sa sasakyan ni Kuya Kent dahil baka kung siya pa ang hahayaan ko maglagay non ay baka madisgrasya pa.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos na ng sarili. Nagsuot ako ng white Dictynna-spaghetti strap tie-shoulder mini sheath dress na pinartneran ko ng white casual ankle boots. Simple get up yet head turner. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Lipbalm lang ang tanging koloreteng nilagay ko sa mukha ko. Pero syempre plakado pa din ang kilay. Kilay is life ika nga. Simpleng black clutch bag lang ang dala ko na ang kakasya lang ay ang cellphone ko. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko.
"Ganda talaga e!" nakangiting saad ko sa sarili ko.
"Kaso walang boyfriend." Marahas na napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. Nakasandal si Kuya sa hamba ng pinto ng kwarto ko habang parang nakangisi.
Kinuha ko ang suklay ko at binato iyon sa kaniya. Ngunit mabilis na nakaiwas ito. At tatawa tawang kinuha ang suklay na binato ko at lumapit sa akin. Niyakap niya ako.
"You know I love you right?" Marahan akong tumango. "Huwag kang magmadali mag settle down, Marah. Enjoy your singlehood. You'll be missing the best part of your life. Travel more. And do whatever you want aside from settling down." malambing na turan ni Kuya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng mataman. "Your very beautiful, bunso. Be thankful dahil hindi ka nagka boyfriend. Ibig sabihin lang noon sobrang mahal ka ni lord dahil hindi niya pinaranas sayo mapunta sa maling tao. Kaya wait for Mr. Right. Darating din iyon. Natraffic lang." nakangiting saad niya.
Sana nga Kuya. Sana nga.