HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mawala sa alaala ko ang nangyare kanina lang. Bumabagabag sa puso at isipan ko ang ekspresyon sa mukha ni Elijah kanina nang iwanan ko siya roon. Dahil sa pagka-akupado ng utak ay hindi ko na napansin na naidiin ko na pala ang bulak sa putok na labi ni Isaiah.
"Ouch," untag niya. Nabalik lang ako sa ulirat dahil sa biglaang pagdaing nito.
"S-Sorry. Sorry! I didn't mean it!"
Nginitian niya lang ako bilang pagtanggap sa apology ko pero ang ngiting iyon ay nagmukhang ngiwi. Mukhang masakit na masakit talaga ang sugat nito.
Hinawakan niya ang kamay ko upang patigilin ako. "A-Ako na lang siguro," pag-ako niya.
Ibinigay ko naman dito ang bulak at hinayaan siyang gamutin ang sugat niya. Naririto kami ngayon sa loob ng clinic. Dinala ko siya rito upang magamot ang mga sugat niya.
Kami lang dalawa ang naririto dahil wala si Nurse. Anne. May meeting daw ito ngayon pero ibinigay nito sa akin ang gamot at sinabeng ako na muna ang gumamot sa sugat ni Isaiah dahil may gagawin siya. Alam ko namang nagdadahilan lang siya dahil ayaw nitong gamutin si Isaiah.
Dahil may kaunting kaalaman naman ako sa first aid ay tinanggap ko ang utos nito.
Noong bata pa ay ako mismo ang gumagamot sa mga sugat ko. Palagi kasi akong binu-bully ng mga nakakatanda kong kapatid na lalake kaya palagi akong nagkakaroon ng mga sugat at pasa
Kapag naman nagsumbong ako kay Mommy ay papagalitan pa ako nito at sasabihan ng kung ano ano kaya natuto akong gamutin ang sarili. Hindi rin kasi ako pinapansin ng ibang maid sa bahay dahil may busy ang mga ito sa pag-aalalaga sa mga kapatid kong lalake.
"Bakit ka nga pala pinagtripan nila Elijah?"
Kahit may galit ako kay Elijah ay alam kong may rason siya kung bakit niya nagagawa ang mga bagay bagay na iyon. Ang pangit nga lang rito ay kahit ang mga maliliit na bagay lang ay bini-big deal niya.
Minsan ay hindi ko rin magets ang lalaking 'yon. Well, wala rin naman akong balak na intindihan ang katulad niiya.
Natigilan si Isaiah sa paglilinis ng sugat niya at napayuko. "N-Nakita niya akong kumukuwa ng mga litrato. A-Akala niya ay palihim kitang kinukuwaan ng mga picture k-kaya naman nagalit siya."
Nagulat ako sa sinabe niya. Hindi ko inakalang ako ang rason kung bakit siya pinagtitripan ng mga ito.
Mas lalong umasbong ang galit ko. Gets kong nagseselos ito pero kailangan ba talagang umabot sa ganito? Oo, fiancé ko siya pero hindi ko siya boyfriend! Kung makaasta siya ay para bang pagma-may ari ako nito.
Pero may isang tanong ang sumagi sa utak ko. "Ano bang ginawa mo para akalain niyang kinukuwa mo ako ng pictures?"
"K-Kasi..." bumuntong hininga ito at ginulo ang kaniyang sariling buhok. "B-Basta! Mahirap i-explain. Pwede bang tulungan mo na lang ako rito at h-huwag na magtanong?"
Ngumuso ako at hindi na nagtanong pa kagaya nang gusto niya. Binawi ko sa kaniya ang bulak. "Amin na nga. You'll die of infection because of what you're doing."
Akmang itutuloy ko ang paggamot rito nang biglang bumukas ng malakas ang pinto ng clinic. "Katherine!" Boses pa lang nito at paglagapak ng takong ng sapatos siya sa sahig ay kilalang kilala ko na. "I've heard you're here. Are you dying? My god finally."
Inirapan ko siya. "Unlocky you, I'm still alive and well," sagot ko. "Why are you here anyway?" tanong ko kay Maye.
She's one of closest friend other than Chersinia.
Magkaiba nga lang kami ng department nito dahil parehas kaming nasa business administration ni Chersinia habang si Maye naman ay tourism. Law naman si Elijah.
I not sure what kind of course Isaiah had. Pero sa suot nitong uniform ay nasisiguro kong education ang course niya.
Hinarap ko si Isaiah at itunuloy ang paggamot sa kaniya. Ang kaso ay nakayuko naman ito kaya hindi ko magawang magamot ito ng maayos. Hinawakan ko ang pagkabilang pisngi niya at hinarap sa akin.
"Tumingin ka sa akin, huwag sa sahig," utos ko. Pinamulahan naman ito dahil don.
Rinig ko ang paghinto ng takong ni Maye sa harapan namin. OA itong napatakip sa bibig. Nagpabalik-balik ang paningin nito sa akin at kay Isaiah na ginagamot ko ngayon.
"Don't tell me your cheating on Elijah!" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Stop being so dramatic, Maye."
Mabilis ko lang na natapos ang paggagamot. Inayos ko ang mga gamit na ginamit ko at ibinalik iyon sa brawer kung saan ito kinuwa ni Nurse Anne kanina.
"S-Salamat," nakayukong pasasalamat niya.
"It's alright, Isaiah. Kasalanan ko rin naman. Tama lang na ako ang gumamot sa 'yo dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi ka pagtitripan ng grupo nila Elijah."
"H-Hindi mo kasalanan! H-Hindi naman porket fiancé mo si Elijah ay ikaw na ang dapat na mag-ayos sa lahat ng gulo niya. Napakabait mo, Katherine!"
Mukhang napalalim para rito ang salitang 'utang na loob' hindi niya hinahayaang hindi makabawi sa akin dahil sa pagtulong ko rito kanina at paggamot ko sa sugat niya.
"K-Kung gusto mo ay tutulungan kita sa mga activities mo? P-Para naman makabawi—"
"No need," pagpuputol ko sa sinasabi niya. "I'm already smart enough to handle myself."
Wala akong pake kung isipin nitong mayabang ako dahil totoo naman. Ayoko sa lahat ay ang mga taong binibig deal ang lahat kahit pa ang mga maliit na tulong na ipakita mo sa kanila. It makes them look even more pathetic in my eyes and I hate it.
Hinila ko si Maye papalabas ng clinic. Si gaga ay binibigyan pa ako ng kakaibang tingin. Alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon. Hinila ko na lang siya patungo sa cafeteria sakto dahil lunch time na. Nagugutom na rin ako.
"Why not accept his request," panimula niya.
Nasa cafeteria na kami ngayon. Medyo marame na ang mga tao kaya kinailangan naming maghanap ng mau-upoan.
Inip ko siyang hinarap. "Kung gusto mo, ikaw na lang ang magpatulong sa kaniya. You need it way better than me-Aray!'
Napadaing ako nang basta na lang nitong hinampas ang braso ko. Hinipo ko ang parte ng braso kong tinamaan niya. Ang bigat ng kamay nito kahit maliit lang siya.
"Ang sama mo! That's not what I mean!"
"Oo na, oo na. Matalino ka na at hindi mo kailangan ng gagawa ng mga activities mo," I surrender. "What are you trying to say then?"
Naupo kami pareha sa bakanteng table na natagpuan namin. Ibinaba ko ang tray ng pagkain sa table at tyaka nagsimulang kumain. Damn, I really loved empanada!
Parang mas lalo akong natakam. Hindi man ito kalasa ng empanada na madalas na iluto sa akin ng nanny ni Elijah pero okay na rin.
Nagpatuloy si Maye. "I mean, pwede mong gamitin ang nerd na 'yon para tigilan ka na ni Elijah," aniya at nagsimula rin kumain.
Natigilan ako dahil sa sinabe niya. Bakit hindi ko naisip 'yon? Mataas ang pride ni Elijah. Kapag kumalat sa buong school na ipinagpalit ko siya sa isang nerd na kagaya lang ni Isaiah ay paniguradong hindi kakayanin ng pride nito.
"So, what do you think?"
Bumuntong hininga ako. "I don't know anymore." Parang sumakit lang ang ulo ko.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain. Hindi matanggal sa utak ko ang sinabe ni Maye. I don't want to used anyone just to get what I want, and I'm pretty sure Elijah won't let me just get away from him. Ganon siya ka-obsess pagdating sa akin.
"May I seat here?"
Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang boses na 'yon. Pati si Maye ay natigilan rin dahil sa biglaang pagsulpot nito.
"E-Elijah," bati rito ni Maye. "O-Of course y-you can seat with us—"
Sinamaan ko nang tingin si Maye. Nalukot ang mukha nito at palihim na nagpiece sign. Napabuga ako ng hangin dahil sa inis.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Elijah sa tabi ko. Agad na umakbay ang braso nito sa upoan ko pero dahil sa ginawa niya ay nagmukhang ako ang inaakbayan niya.
"So, what do we have here?" ngiting saad sa amin ni Oliver, isa sa mga kaibigan ni Elijah.
Kasama ni Oliver si Chersinia. Unfortunately my bestfriend and Oliver are in a relationship.
Naupo ang magkasintahan sa upoan sa harapan ko. Pati si Rex at Brandon ay naupo rin sa table namin. Inilapag ko sa trey ang empanada. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa pagdating ng mga ito.
"Hi Katherine," bati ni Rex sa akin.
Hindi ko siya sinagot at pilit na nilunok ang pagkain na binili ko. Gusto ko nang matapos ang oras upang makaalis na ako rito.
Si Elijah ang sumagot sa kaniya. "What do you want, Rex?" iritado nitong untag sa kaibigan, halatang hindi natutuwa na ibang lalake ang kumakausap sa akin.
Nagtawanan ang mga lalake dahil sa pagiging agresibo ni Elijah. Hilim akong napairap. Kung makabakod siya sa akin ay para bang boyfriend ko siya kahit sa totoo lang ay wala namang kami.
"Busog na ako," anunsyo ko. "Babalik na ako sa room para magreview. Halika na, Maye."
Nagulat naman ang hindi pa tapos kumain na si Maye dahil sa sinabe ko. Kasinungalingan ang sinabe ko. Wala talaga akong balak na magreview. Gusto ko lang gumawa ng dahilan para makaalis. May vacant time pa kami pagtapos ng lunch at alam iyon ni Elijah.
Tumayo ako pero natigilan nang biglang magsalita si Elijah. "Seat," madiin nyang utos.
Inis ko siyang hinarap. "What do you want?"
Ibinaba niya ang can softdrinks na iniinom niya at nilukot iyon gamit ang kamay niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "I told you to seat back down, Katherine."
Nakipagtagisan ako rito ng masamang tingin. Hindi niya ba maintindihan na ayoko sa kaniya? Makasama lang siya ng isang minuto ay sapat na para sumama ang loob ko.
Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung bakit naririto sila ngayon. Iba ang cafeteria ng ABM related course kumpara sa STEM related course kaya hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ng mga ito rito. Ang layo ng building nila sa building namin.
"I'm not your pet, Elijah. You can't just command me anytime you want!"
"Shut up and seat!" sigaw niya.
Napabaling sa amin ang ibang mga tao sa cafeteria dahil sa pagsigaw nito. Hindi man lang ito nahiya dahil sa ginawa niya. Palibhasa ay walang makalaban sa kaniya rito sa school kaya naman kung ano ano na lang ang pinaggagagawa niya.
"Huwag mo akong sagarin, Katherine. Alam kong alam mo kung paano ako magalit," pananakot niya pa. "Or do you want me to personally call your father?"
Kinabahan ako sa sinabe niya. Siguradong magagalit si Daddy sa akin kapag nagsumbong si Elijah rito. Palibhasa ay alam na alam nito ang kahinaan kaya paulit-ulit niya itong ginagamit upang kontrolin ako.
"I hate you," pinanlisikan ko siya ng tingin.
Inosente siyang ngumiti. "You don't need to love me nor like me, Katherine. Just stay by my side forever. Make me the only man in your life. I'm contented with it."