Chapter 3

1942 Words
WALA akong nagawa kung 'di buong araw pa pakisamahan ang hinayupak. Natatakot akong gawin nito ang banta niya. Knowing Elijah, gusto nitong nasusunod ang mga gusto niya. Kapag nagbanta ito ay paniguradong gagawin niya iyon. Inis kong kinuwa ang phone ko at sinimulang maghanap ng video kung paano mangkulam. Kailangan ng daanin sa paspasan ang lahat. "What are you doing?" tanong ni Elijah. Sinilip nito ang ginagawa ko. "You were looking for a love potion?" tumawa siya. "You don't need to potion me, Katherine. I'm already all yours." Inirapan ko lang siya. "Naghahanap ako ng ritwal para sa kulam," sagot ko. Imbes na magalit ay tumawa lang ito. "You hate me that much?" Hindi mapigilang malukot ang mukha ko. Humahanap na ako ng paraan para kitilin ang buhay nito pero tuwang tuwa pa siya. Lahat yata ng ginagawa kong related sa kaniya ay kinikilig siya. Ganon kabaliw ang lalaking ito. Minsan ay galit siya habang minsan naman ay baliw siya. Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito. Siguro totoo ang nasa isip ko, na may tama talaga siya sa utak. Pauwi na kami ngayon. Katulad kaninang umaga ay kailangan kong samahan ito. Sinabihan rin ito ni Daddy na sa bahay na lang maghapunan. Ang akala ko ay makakapagpahinga na rin akong makita ang bwisit nitong mukha pero nagkamali ako. Ibinaba ko ang phone at hinarap siya. "Why are bothering me anyway? Bakit, ayaw na ba sa 'yo ng ibang babae mo kaya ako ang iniinis mo ngayon?" inis kong saad. Para sa akin ay wala ng lalaki pang matino ngayon. Lahat kupal! Sigurado akong isa rin si Elijah sa mga kupal na lalaking nagkalat. Lalo pa't subrang daming babae ang naghahabol dito. Kaya nga marame akong kaaway sa school ay dahil sa kaniya. Dahil sa itsura ni Elijah na mukhang half spanish at half filipino ay maraming nagkakagusto rito. Ang matangos na ilong at maputing balat niya ay talaga namang agaw pansin. Basket ball player din siya kaya marame ang nakakakilala. 6'2 ang height niya at hanggang dibdib niya lang ako. Itim na itim ang kulay ng mga mata at may roong fox eyes at mahahabang mga pilik mata. Heart face shape ang hugis ng mukha niya. Sa isang tingin pa lang ay masasabi mo na agad na gwapo ito, ang kaso nga lang ay mainitin ang ulo niya at palagi pang galit. Nangunot ang noo niya sa sinabe ko. "I don't have other girls. I only have you." "W-Whatever!" Hindi ko alam kung bakit pero imbes na inis ang maramdaman ay parang may humaplos pa sa puso ko nang sabihin niya iyon. Inirapan ko siya at hinarap ang salamin sa gilid ko para itago ang pamumula ng pisngi ko. W-Wait, kinikilig ba ako ngayon? No! This can't be! Not with Elijah! Hindi dapat akong kiligin dahil sa mabulaklak na salita ng kupal na 'to. He's a germs I needed to stay away from! Period! "We're here," anunsyo niya. Niyakap ko ang bag at agad lumabas ng sasakyan, hindi na siya inintay pa. Rinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abalang balikan siya o antayin man lang. I need to stay away from that jerk! "Katherine? Why are in such a hurry?" Pero hindi ko inaakalang sasalubong sa akin ang kunot noong mukha ni Mommy nang marating ko ang gate! Nakatayo siya at mukhang may inaantay nakacross arm pa ito. Hindi ko inaakalang makikita siya rito. Ilang months rin kasi itong wala. Kaya pala inanyayahan ni Daddy si Elijah na dito na maghapunan ay dahil pauwi na si Mommy. "M-Mommy?" gulat kong bati sa kaniya. "N-Nakauwi na po pala kayo. Ang akala ko ay magtatagal pa kayo sa australia—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang biglang ng makitang nawala ang kunot na noo ni Mommy at napalitan ng ngiti nang makita niya ang taong nasa likod ko. "Elijah, ijo!" Nilagpasan ako nito at agad na tinungo si Elijah. "My god! I miss you, Ej! Mabuti naman at napadalaw ka." Pinagmasdan ko siyang lapitan si Elijah. Mas excited pa yata itong makita ang binata kesa sa akin na anak niya. Wala naman iyon sa akin dahil nasanay na ako sa ganitong klaseng treatment ni Mommy. Kulang na lang ampunin niya si Elijah. "Tita. I didn't expect to see you here. Hindi man lang ako nakapaghanda ng welcome gift," untag ni Elijah, halata namang pinipikot lang si Mommy. Pinigilan ko ang sariling mapairap. Kapag sila Mommy at Daddy ang kausap nito ay tila ba nagti-tila anghel siya. Napaplastic nito! Ipinulupot naman ni Mommy ang kamay sa braso ni Elijah at iginaya ito papasok. "No, Its alright. In fact, I should be the one to give you a gift." Hinarap niya ako. "Katherine! Tulungan mo nga sila Manang na kunin ang mga pasalubong na dala ko para kay Elijah. Nasa compartment ng kotse. Bilisan mo. Ayokong pinag-aantay ang bisita!" "S-Sige po!" Agad kong sinunod ang utos ni Mommy bago pa siya magalit sa akin. Kita ko ang pagtapon sa akin ni Elijah ng tingin nang madaan sila sa harapan ko pero hindi ko na siya pinansin at nagproceed sa iniutos sa akin ni Mommy. "Ako na po," pag-ako ko at tinulungan si Manong na buhatin ang mga paper bags. Unang tingin pa lang ay mukhang luxurie na ang mga laman dahil sa brand na nakalagay rito. Bigla tuloy akong naexcite. Ano kaya sa mga paper bags na ito ang para sa akin? Ipinasok ko sa loob ang mga pinamili ni Mommy. Tinangka pa akong tulungan ng isang maid pero tumanggi na ako. Baka mapagalitan lang ako ni Mommy kapag ibinigay ko sa iba ang gawain na inuutos niya sa akin. Ayokong mapagsabihan na naman nito dahil sa pagkatamad ko. Medyo mabigat ang paper bags kaya medyo nahirapan akong ipasok 'yon. Nagulat ako ng may umagaw mula sa akin non. "Elijah," gulat kong saad. Inagaw niya sa akin ang mga paper bags. "Kaya ko naman—" pinutol niya ang sinasabi ko. "I know you can but let me do it for you." Pilit kong inagaw sa kaniya ang mga paper bags pero makulit ito. "Ako na, Elijah!" Mapapagalitan ako ni Mommy sa ginagawa niya. Favorite pa naman non si Elijah. "I will do it," final niyang sabi. "You don't need to work, Katherine. If I can do it for you, I will." Walang kahirap hirap niyang binuhat ang mga paper bags at dinala sa living room. Mukhang nagulat pa si Mommy nang makitang si Elijah ang nagbubuhat ng mga paper bags. Pinanlisikan ako ng tingin ni Mommy. "Katherine! Si Elijah pa talaga na bisita ang inutusan mo!?" inis niyang aniya. Umiling ako. "H-Hindi po—" "You are really a brat, Katherine! Pati ba naman ang simpleng utos ko ay ipapagawa mo pa sa iba?" hindi makapaniwalang saad niya. Hindi man lang ako nito binigyan ng tyansa para makapagsalita. Napayuko ako sa sinabe ni Mommy. Nakakahiya! Hindi ko mapigilang sisihin si Elijah. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako mapapagalitan ngayon ni Mommy! "I'm the one who insist it, Tita. You don't need to scold, Kath," aniya ni Elijah rito. Mas nairita ako sa sinabe niya. I sure he planned this for mom to hate me more para siya ang lumabas na kawawa! Bumuntong hininga si Mommy. Hindi pa rin mawala ang iritasyon sa mata nito habang nakatitig sa akin. "Just go to your room to change, Katherine. Magdi-dinner na tayo." "Y-Yes, Mom," tanging sagot ko. Nakayuko akong nagtungo sa kuwarto ko. Nang marating ang kuwarto ay padabog kong isinara ang pinto at naupo sa kama ko. Parang gusto kong maiyak sa inis. Naaalala ko pa ang iristasyon sa mukha ni Mommy kanina nang tignan niya ako. Hindi pa rin ako masanay sa ganong tingin na ibinibigay niya sa akin. Kung makaakto ito ay para bang mas anak niya pa si Elijah kesa sa akin. "This is all because of that jerk, Elijah!" inis kong paninisi sa kupal na Elijah na 'yon. Nagkunyare pa itong tinutulungan ako pero ang totoo ay alam kong gusto niya lang na mapagalitan ako ni Mommy! His a damn manipulator! Porket alam niyang papaburan siya palagi ni Mommy ay ginagawa niya ang lahat para lang inisin ako! Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto nang kuwarto ko. Pumasok mula roon si Travis. Hindi man lang ito kumatok at basta na lang pumasok sa kuwarto ko. Nangunot ang noo niya nang makita ang itsura ko. "What's with the drama, brat?" Tumayo ako. "What do you want, Travis?!" "Hindi ko ba pwedeng dalawin ang kapatid ko? I'm cheaking if you're still alive." Imbes na lumabas ay umikot pa ito sa kuwarto ko. "Your room is still ugly like always." "I didn't ask for your opinion. Now, go!" Sa kanilang dalawa ni Kuya Trainor ay si Travis ang pinakakinaiinisan ko. Mas matanda sa sa akin ang kambal ng 9 years pero kung umakto ito ay parang bata. Alam kong nandito siya para inisin ako kagaya ng palagi niyang ginagawa simula mga bata pa kami. Ewan ko kung bakit hilig nitong asarin ako kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Ibang iba ito sa kambal niya. Hindi man ako pinapansin ni Kuya Trainor kapag nagkikita kami ay hindi naman ako nito binubully 'di gaya ni Travis. "Mom, ask me to give this to you." Inihagis niya sa akin ang isang paper bag. Napadaing ako ng malakas na tumama sa akin ang paper bag. Hindi ko ito nasalo kaya deretso itong nahulog sahig. This sadist! He can't even give it to me directly! Pinulot ko ang paper bag. Ngayon ko lang ito nakita. Hindi ito kasama sa mga paper bags na inutos sa akin ni Mommy kanina. "Wear that. You need to at least look like a human being when you came out. So, try your hardest." tumawa siya ng mapang-asa Lumaan sa harapan ko para lumabas pero nang nasa pintoan na ay nagsalita siya. "Goodluck, I just hope he won't get tired of you since that's the only used you can be into this family." Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na ako nito sa kuwarto ko. Alam kong nang-aasar lang si Travis pero hindi ko mapigilang masaktan sa sinabe niya. His words hit me hard than I could ever know. Nawalan ako ng ganang bumaba at samahan sila sa family dinner. Parang gusto ko na lang magkulong sa kuwarto ko at humilata sa kama ko pero alam kong hindi ko maaaring gawin 'yon dahil paniguradong magagalit si Mommy at Daddy sa akin. I know how important Elijah is, kaya naman pabor dito si Daddy kahit pa alam niya na pangit ang reputasyon ng binata. I acidentally heard from Mommy and her amigas talking about how powerfull Elijah's family is. Elijah's grandfather is the owner of Elite Haven. In order for us to access to word of elites I need to marry Elijah in the future. Elite Haven isang kilalang private subdibisyon sa Mapascua Island kung saan mga makakapangyarihan at mamayamang tao sa lipunan lang ang nakakayang makapasok kaya gustong gusto ni Daddy na makapasok sa lugar na 'yon. Gamit ang Elite membership card ay maari ka ng makapasok rito ngunit hindi ganoon kadali ang makakuwa nito dahil sinisigurado ng mga Elite members na nasa tuktok ng piramide ang makakatungtong sa Elite Haven. Inaamin kong may kaya ang pamilya namin pero hindi enough iyon para makapasok sa pristiheyosong lugar na 'to. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang meron sa lugar na iyon at bakit gustong gusto ng pamilya ko tumira rito. All I know is that place is very dangerous. Elite Haven a place where only golden spoons could enter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD