Chapter 4

1819 Words
TAHIMIK ang hapag na maski ang tunog mga kubyertos ay hindi mo na maririnig pa. Nakaka-preassure tuloy na ngumuya dahil baka makalikha ito ng hindi sinasadyang ingay na babasag na nakakabinging katahimikan na namamayani sa palagid. Kung may choice lang ako ay aalis na ako rito. Imbes na Family dinner ay tila funeral ang nagaganap. Nasanay ako na mag-isang kumakain kaya nakaka-overwhelmed sa akin na kasama ko ang buong pamilya. "How's the food?" Mom asked. Finally someone broke the silence! Ang akala ko mamatay na ako dahil sa subrnag tahimik. "It's good," si Travis ang sumagot sa tanong na iyon ni Mommy. "The cook you hired is good, Mom. You really know how to hired a right person. Worth it ang ibinabayad natin." Napangiti si Mommy dahil sa sinabe ng anak. "I'm happy to hear that, son. I will give him a raise for that." Bumaling si Mommy kay Elijah na katabi ko. "What about you, El? I know its not as good as what the chefs in Baldemor's recidence but I hope you like it." Ngumiti si Elijah dito. "Of course I like it, Tita." Nakaupo si Dad si dulo sa mesa. Katabi si Mommy na nasa right side kasama sila Kuya Trainor at Kuya Travis habang nakaupo naman sa left side ni Daddy ang asungot na si Elijah. Katabi ko siya ngayon. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Wala akong gana pero wala akong choice kung 'di lunukin ang nakalagay sa plato ko. Totoo naman sinasabi nila, masarap ang pagkain na niluto ng japanese chef namin pero kahit anong sarap nito ay hindi ko maenjoy. Para akong binibitay ngayon kasama ang mga ito. "Oh, I almost forgot! Katherine's birthday will be coming soon." Napabaling ako kay Mommy ng sabihin niya 'yon. Naaalala pa pala nito ang birth day ko. "Nakapag-usap na kami ng parents ni Elijah. We will announce the engagement about the two of you in Katherine's 18th birthday." Nagulat ako sa sinabe ni Mommy. "E-Engagement party, Mom? P-Pero parang ang bilis naman po yata? Its not like we will be married soon right?" Nagdesisyon na naman sila na hindi tinatanong ang desisyon ko. Para bang inaantay lang ng mga ito na mag18 ako para maipamigay ako kila Elijah. "Ain't it good though? Para destiny na talaga kayong dalawa," pang-aasar pa ni Travis at tumawa ng nakakaloko. Alam niyang ayoko ng engagement na 'to kaya ginagamit niya iyon upang asarin ako. "What a perfect couple we have here," dagdag niya pa. "Travis..." pagpapatigil rito ni Kuya Trainor. "I think we shouldn't force, Katherine—" "We are not forcing, Katherine. This is also for her future, Trainor," pagpapatigil ni Daddy kay Kuya Trainor. "I already send the invitation to my business partners and hired a paparazzi." Napayuko ako. Mukhang wala na talaga akong choice dahil si Daddy na mismo ang nagbigay ng final nagdesisyon. Parang gusto ko ng maiyak sa inis. Naiinis ako na wala akong magawa. Buhay ko ito pero hindi man lang ako makapagdesisyon para sa sarili ko. Sila na lang kaya ang magpakasal kay Elijah? Total sila naman ang pilit ng pilit na magsama kaming dalawa! Naramdaman ko ang kamay ni Elijah na humawak sa legs ko sa ilalim ng mesa. Mariin niya iyong pinisil. Inis ko siyang tinignan. Nakatingin rin ito sa akin. Ngumiti siya at tyaka humarap kila Mommy. "I think Katherine is tired, Tito. May I excuse her to her room?" pag-ibaba niya ng topic. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy. "You may," sagot niya bilang pagpayag. Tinulungan ako ni Elijah na tumayo. Pinulupot niya ang braso sa bewang ko at iginaya ko sa daan. Pasimple kong tinanggal ang kamay niya pero makulit ito at ibinabalik lang ang kamay sa bewang ko. Sa huli ay wala akong nagawa kung 'di hayaan siya. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa amin ng pamilya pero hindi ko sila nagawang lingunin pa. Sinamahan ako ni Elijah. Nang makarating kami sa kuwarto ay parang napapaso akong lumayo sa kaniya. "You know their plan right?!" Imposibleng magdesisyon na lang ang mga ito nang hindi sinasabi kay Elijah. Kumpara sa akin ay may kontrol si Elijah sa mga nangyayare. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa lahat ng mga babaeng pwede niyang piliin ay ako pa talaga ang napili niya? Alam bang ginawa ko rito para pahirapan niya ako ng ganito?! Kahit ilang beses kong isipin ay wala ako maisip na sagot. "I know," sagot naman ni Elijah. "I'm the one who recommend it to them," pag-amin niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Kinuwa ko ang unan sa kama ko at sunod sunod iyong inihagis sa direksyon niya. "I hate you! I hate you!" Wala akong pake kahit may makarinig man ng mga sinasabe ko. Gusto kong ilabas ang galit na nararamdaman ko ngayon. Hindi man lang siya umiwas sa mga unan na ibinato ko. Hiyaan niyang ilabas ko sa kaniya ang mga galit ko. Nang mapagod ako ay nilapitan ko naman ito at pinaghahampas ang dibdib niya. Habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko. "I will never marry you! I will never marry a man like you! I hate you, Elijah!" Mukhang hindi na rin nito nakayanan. Mahigpit niyang hinawakan ang mga braso ko upang tigilan ako sa walang tigil kong paghampas sa kaniya. Pinatitigan niya ako ng mariin. Hindi naman ako nagpatalo at sinamaan din siya ng tingin. "Ano ba?! Bitiwan mo ako!" "Stop it, Katherine! Kahit hindi ka maikasal sa akin ay paniguradong ipapakasal ka pa rin nila sa iba. In fact, you should be thanking me for saving you. You will be marrying a hot loyal man intead of an cockold old man!" Marahas niya akong itinulak sa kama. Napadaing ako nang hawakan nito ng mahigpit ang buhok ko at ihinarap ako sa kaniya. Pilit kong tinanggal ang kamay niya ngunit higit na mas malakas ito. "There will be no way I would let you be in another man's arm other than mine." Binitiwan niya rin ako pagkatapos. Kinulong ko ang mukha gamit ang mga palad at doon umiyak. Gusto ko na lang magsisigaw upang mailabas lahat ng galit ko. Hindi man lang ako makapagdesisyon para sa akin. Rinig ko pagbukas sara ng pinto, hudyat na nakalabas na ito. Tama si Elijah, kahit pa matigil ang kasal namin ay paniguradong ipapakasal pa rin nila ako sa iba. Para sa pamilyang ito ay isang bagay lang ako na pwede nilang gamitin. HALOS magkanda-bali bali ang ulo ng mga lalake sa Education Department ng dumaan kami sa mga classroom nila. May mga sumisipol pa na iba na ikinairita ko. Ang akala mo ay ngayon lang silang nakakita ng mga babae. Mukha namang inienjoy nila Maye at Chersinia ang atensyong nakukuwa ng mga ito mula sa mga studyanteng lalake. "I don't really feel safe about your plan, Kath," sabi ni Chersinia sa gilid ko. "You sure about this? Bumalik na lang kaya tayo?" "This is now or never, Chersinia," sagot ko. Pasimple kong sinilip ang mga classroom na nadadanan namin. Hinanap ko si Isaiah. I'm pretty sure dito ko lang siya matatagpuan. Buong gabi ko ring pinag-isipan ang sinabe sa akin ni Maye. She's right. I can use that nerd to my advantage. Kung ito lang ang tanging paraan upang mapalayo ko si Elijah sa akin ay gagawin ko. I need to do this! Break time ngayon. Imbes na makita ang mukha ni Elijah ay naisipan kong magtungo rito. May tao akong kailangang makita. "I don't see him," si Maye na obvious namang hindi naghahanap kung 'di nagpapapansin lang sa mga lalake. "I don't think his here." "I saw his uniform. Sigurado akong nandito lang siya. Silipin niyo lang iyong mga classroom. Baka nandon siya." "Ahmn... Is it him?" Nabaling ako kay Chersinia nang ituro niya ang isang dereksyon. Tinignan ko ang tinuturo niya. May isang lalaking nakaupo sa upoan, buhok pa lang nito ay nasisiguro kong si Isaiah na. May mga lalaki sa likuran nito na mukhang sinasadya pang pagbabatuhin ito ng mga malalaking bolang papel. Parang bato naman si Isaiah na hindi nararamdaman ang mga bolang papel ba ibinabato sa kaniya. Nagtawanan pa ang mga lalake na tuwang tuwa sa kagaguhang pinaggagagawa nila sa kaniya. "Katherine!" gulat na tawag ng mga kaibigan ko nang lapitan ko ang mga lalake. Tuloy tuloy akong naglakad roon. Sandali pa akong huminto at kinuwa ang basurahan na may lamang mga basura at tyaka nagpatuloy ss paglapit. Nilapitan ko ang mga lalake na nagbabato ng bolang papel at tyaka ibinato sa dereksyon nila ang basurahan. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Tuluyan kong nakuwa ang atensyon ng mga lalake. "Tangina. Problema mo?!" Tinangka akong lapitan ng isa pero agad siyang pinatigil ng kasama niya. "Tama na yan, pre. Girlfriend yan ni Baldemor. Hindi natin yan pwedeng taluhin." Tinaasan ko lang sila ng isang kilay. Halata ang inis sa mga ito pero hindi nila nagawang lapitan ako gumanti. Napangisi na lang ako. Sa unang pagkakataon ay natuwa ako na fiancé ako ni Elijah. Hindi ko inakalang magagamit ko iyon sa ganitong sitwasyon. "Halika na!" hila sa kanila nong lalaking nagsabi na girlfriend ako ni Elijah. Masama pa ang tingin ng mga ito sa akin pero wala silang nagawa kung 'di ang lumabas ng kuwarto at pabayaan ako. Ang ibang mga studyante na natira sa classroom ay nakatingin lang sa akin at hindi nagtakang lumapit, mukhang nagulat din sila. Nilapitan ako nila Maye at Chersinia. "Are you okay, Katherine?" si Chersinia. "Gaga ka talaga, bes! " turan ni Maye. "Akala ko mabubugbog ka na kanina." Nginisian ko lang sila. Lumapit ako kay Isaiah. Ang kumag ay hindi pa rin nagigising kahit pinagbabato na siya ng mga lalake kanina. Para bang puyat na puyat ito. Kinatok ko ang desk ng upoan niya kung saan siya natutulog. Ilang minuto ang lumipas bago ito magising. Gamit ang inaantok niyang mata ay tinignan niya ako. Saglit pang nangunog ang noo nito. Kinuwa niya ang salamin at sinuot. "K-Katherine?" gulat niyang bulaslas. "Good morning, sleepy head." Napatayo siya. Nagulat pa ito nang makitang kasama ko sila Maye at Chersinia. "A-Anong ginagawa niyo rito?" "We were looking for you, nerd" sagot ni Maye. "Nandito lang pala ang classroom mo." Naupo ako desk ng upoan ni Isaiah. "Remember what you had said to me yesterday?" kausap ko sa kaniya. "I need your help with something. Can you help me?" "S-Saan?" kunot noong tanong ni Isaiah. "Don't worry its not that hard." Hinawakan ko ang polo niya na nagusot. Inayos ko rin ang tie. Habang ginagawa iyon ay ipinagpatuloy ko ang sinasabi. Siya lang ang naiisip kong maari kong gamitin para mapalayo sa akin si Elijah. Total ay may utang na loob naman ito sa akin. Bakit hindi ko pa lubos lubusin? Matamis ko siyang ngitian. "I want you to help me, Isaiah. You are the only one who can help me with this one." Mapang-akit kong sinalubong ang mga mata nito. "so, please..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD