"WHAT do you want? My treat."
Napayuko si Isaiah, tila nahihiya. Nandito kami ngayon sa labas ng school upang doon kumain. Dinala namin siya rito matapos ang ganap sa classroom nila kanina total ay vacant naman namin pare-parehas. Ang kaso nga lang ay pinagtitinginan naman kami ng ibang mga studyante dahil sa dito, akala siguro nila ay binu-bully namin ito.
"H-Huwag na, Katherine. Hindi pa naman ako gutom," pagtanggi niya pero hindi naitago sa pandinig ko ang pagtunog ng tyan nito.
"Come on, nerd. You don't need to be shy. It's Katherine's treat anyway," aniya ni Maye at tumingin sa akin. "I want that, Kath."
"Si Isaiah lang ang sinabe kong ililibre ko."
"Your so madamot, Katherine!"
"I don't care." Nagtungo ako sa counter upang bumili. Katulad na lang ng akin ang inorder ko para sa kaniya dahil wala naman siyang sinabe, umorder din ako ng drinks at tyaka bumalik sa table para doon mag-antay.
Agad na nagtungo ang paningin ko kay Chersinia na busy sa phone nito. Mukhang may kachat na naman siya, hindi na ako magtataka kung si Oliver iyon. Nag-away kasi silang dalawa. Iyon din ang rason kung bakit kasama namin ngayon si Chersinia.
"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.
Tumango siya at nagpilit ng ngiti. "Magbathroom lang ako," paalam niya.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nag-aalala ako para rito. Halata namang hindi siya okay.
Maganda si Chersinia. Kung tutuosin ay maraming lalake ang naghahabol sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagsi-stay pa rin siya kay Oliver kahit na alam na alam nitong hindi na titino ang binata.
"I don't get it. Why is she still choosing to settle with him. It's not as if its the first time she saw Oliver with another girl," si Maye.
Napabuntong hininga ako. Kagaya ko ay nag-aalala rin si Maye para sa kaibigan namin. Alam na alam namin kung gaano ka-kumag si Oliver. Kahit pa may girlfriend siya ay nagkakalat pa rin siya.
Gaya ng sinabe ni Maye ay ilang beses na itong nahuli ni Chersinia na nangbababae. Pero nakakatanga nga talaga ang pagmamahal. Kaya natatakot na rin akong magmahal dahil ayokong magaya rito. Ayokong masaktan dahil lang sa lalake na may isang pagkalalake pero sa maraming butas gustong pumasok.
Hindi rin nagtagal ay dumating din ang order namin. Ibinigay ko kay Isaiah ang pagkain niya at nahihiya niya naman iyong tinanggap.
"S-Salamat," pasalamat nito.
Ang sama pa ng mukha ni Maye nang makitang hindi ko siya inorderan. Wala itong nagawa kung 'di magpunta sa counter upang umorder ng para sa kaniya. Naiwan kaming dalawa ni Isaiah sa table.
Nagsimula akong kumain. Nong una ay nahiya pa si Isaiaha na galawin ang pagkaing binili ko sa kaniya pero sa huli ay kumain rin naman siya. Mukhang gutom na gutom ito base sa paraan ng pagkain niya.
Binigay ko rito ang drink na inorder ko para sa kaniya. "Mabulunan ka." Hindi nga ako nagkamali dahil ng sabihin ko iyon ay siya ring ilang beses na pag-ubo nito.
Napailing ako. Kumuwa ako ng tissue at ako mismo ang nagpunas sa souce na napunta sa pisngi niya dahil busy siya sa pag-inom ng tubig matapos nitong marecover.
Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Mabilis na nanglake ang singit na singit niyang mga mata. "A-Ako na." Inagaw niya mula sa akin ang tissue na ginamit ko pangpunas.
Natawa ako ng makita ang pamumula ng pisngi nito. Ang cute niya pala. Kung hindi lang natatakpan ng mahaba niyang bangs ang mukha niya paniguradong lalabas ang guwapong mukha nito.
"Katherine. Is that you?"
Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. Nang tignan ko ito ay mukha ni Rex ang unang sumalubong sa akin. Kasama niya sila Oliver at Brandon. Wala si Elijah.
"Bitiwan mo nga ako!" Iwinaksi ko ang braso niya at nandidiring lumayo sa kaniya.
Pati si Isaiah ay napatayo na rin sa upoan nang makita ang mga lalake.
"Katherine," nag-aalalang lumapit si Maye sa amin at nagtungo sa tabi ko.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo nito ah," tukoy ni Rex kay Isaiah at tyaka tumawa. "Sabi ko na nga ba eh. Something's wrong the moment you save him from Elijah. Tsk. Tsk. Bawal yan, Mrs. Baldemor. Baka mabaliw si Elijah kapag nalamang may iba ka."
Lumapit si Brandon kay Rex. "Or maybe that nerd is way better in bed than Elijah?"
Nagtawanan ang mga magkakaibigan. Pinanlisikan ko sila ng tingin. Hindi ko nagugustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Palibhasa ay wala si Elijah kaya nagagawa ng mga itong bastusin ako.
"Talaga? Why don't you try me, Katherine? Mas magaling ako kay Elijah," si Oliver.
Nandiri ako sa sinabe niya. How can he say that thing so easily when I'm his girlfriend's bestfriend? Fiancé rin ako ng kaibigan niya pero parang ang dali sa kaniyang sabihin ang mga iyon. Hindi man lang ito kinilabutan.
Kung naririto ngayon si Chersinia at naririnig ng mga pinagsasabi niya ay sigurado akong magagalit ito ng subra gaya ko.
Akala naman nito ay papatol ako sa isang kagaya niya! Magtitiis na lan ako kay Elijah kesa sa katulad nila na paa pa lang ni Elijah ay mahihiya ka na lang na ipagkumpara!
"K-Kung wala rin naman kayong masabing matino, pwede bang iwanan niyo na lang kami?" lakas na loob na aniya ni Isaiah.
Hindi nagustuhan ng mga ito ang pakikialam ni Isaiah. Lumapit si Oliver sa binata at nakipagtagisan ng masamag tingin kay Isaiah na hindi naman natakot sa kaniya.
"Tumatapang ka na yata?" Itinulak ni Oliver ang balikat nito. "Porket may kasama kang babae ay lumalaki na ang ulo mo. Bakit, gusto mo bang matikman ulit ang kamao ko?"
Sa unang pagkakataon ay nakita ko si Isaiah na lumaban sa mga bully nito. "Alam rin naman nating parehas na hindi mo magagawa iyon kung wala rito si Elijah, Oliver," matapang na sagot ni Isaiah. "Tyaka na ako matatakot kapag nakapagsumbong ka na sa kaniya. Total, doon lang naman kayo magaling 'di ba? Ang magsumbong at magtago sa likod ng kaibigan niyo."
"Gago ka ah!" Hinawakan ni Oliver ang kwelyo ng uniform ni Isaiah at itinaas ang kamao.
Bago pa tuluyang magkagulo ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga customers.
"Pwede ba, Oliver, tumigil ka na nga! Umalis na kayo dito ng mga kaibigan mo!" Itinulak ko siya papalayo kay Isaiah. "You know what? I will never sleep with any of you. Not a guy like you, Elijah's pet," sinadya kong diinan ang huling salitang sinabe ko.
Nagdilim ang mukha nito. Akmang lalapit siya sa akin pero hindi siya hinayaan ni Chersinia na kababalik lang at mukhang walang kaalam-alam sa mga nangyayare.
"Babe. What do you think you are doing right now? Are you out of your mind?"
Lumapit si Chersinia upang pakalmahin ang boyfriend niya pero malakas lang itong itinulak ni Oliver papalayo.
"Kausapin mo ang kaibigan mo, Chersinia. Kung hindi lang babae 'yan ay nabasag ko na ang pagmu-mukha ng isang yan!"
Tinalikuran kami nito at tyaka lumabas sa restaurant. Nagsisunuran naman si Rex at Brandon sa kaniya na sinadya pang banggain ang balikat ni Isaiah bago lumabas.
"I'm really sorry about my boyfriend's attitude, Katherine," paumanhin ni Chersinia.
"Hindi ikaw ang dapat na magsorry, Cher."
Bumuntong hininga lang si Chersinia dahil sa sinahe ko. "I will talk to him. Again, I'm sorry." Tumang ako. Nagmamadaling sinundan naman nito ang boyfriend niya.
Lumapit sa akin si Maye at niyakap ako. Mukhang maiiyak na ito. Wala akong nagawa kung 'di mapabuntong hininga. Gusto ko lang namang makausap namin ng maayos si Isaiah pero ang ending ay nagkagulo ang lahat dahil sa pagdating nila Oliver.
Nagtungo ang paningin ko kay Isaiah. Nakatingin rito sa akin. Ngumiti siya pero halata ang lungkot sa mga mata nito.
"I think we should go."
KUMALAT sa lahat ang tagpong nangyare sa loob ng restaurant. Hindi na ako magtataka pa kung nakarating na rin kay Elijah ang nangyare. Siguradong ngayon ay nakapagsumbong na sila Oliver rito. Hindi rin kami nakapag-usap ng maayos ni Isaiah dahil sa mga nangyare kanina.
"My driver's here. Bye, Kath," paalam sa akin ni Maye at nakipagbeso. "See you tomorrow."
"Bye. Mag-ingat ka."
Pinanood ko siyang puntahan ang family car nila. Nagwave pa siya sa akin bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Pinanood kong mawala ito sa paningin ko.
Inilabas ko ang phone at tinignan kung may makuwa ba akong text or maski tawag man lang mula kay Elijah. Uwian na pero wala pa rin ito. Gusto ko ng umuwi at iwanan na lang siya pero hindi ko maaring gawin iyon. Paniguradong magsusumbong siya kay Daddy. Ayokong mapagalitan.
Niyakap ko ang sarili. Umuulan kaya subrang lamig. Matapos ang nangyare kanina ay hindi ko na nakita si Chersinia pero nagmessage ito sa akin na nakauwi na siya. Kaunti na lang ang mga studyanteng nag-aantay rito sa parking lot at isa na ako roon.
Mabuti na lang ay may dala dala akong payong kung hindi ay basang nasa na ako.
Nakakainis! Bakit pa kasi sinabe niya kay Daddy na siya na ang bahalang maghatid sundo sa akin kung hindi niya naman pala kayang panindigan? Ayan tuloy, kailangan kong mag-intay rito para lang sa kaniya kung dapat ay kanina pa nakauwi na sana ako!
Madilim na ang kalangitan. Humalungitngit sa paligid ang malakas na kulog at kidlap. Sinabayan pa ng malakas na hangin.
Napakagandang panahon nga naman. Sa subrang ganda ng panahon ay mas lalo lang akong nairitang mag-intay rito. Gustong gusto ko ng makauwi sa bahay!
"Damn you, Elijah," bulong ko sa sarili.
"Why is it my fault again?"
Napabaling ako sa gilid ko nang bigla na lang itong sumulpot. Hindi ko alam na nasa likod lang pala siya. May hawak itong basketball bag na tila kagagaling lang sa training. Kaya siguro hindi nito kasama ang mga kaibigan niya kanina ay dahil may practice sila.
Lumapit ito sa akin at nakipayong sa payong ko. Dahil malaki siya at maliit lang ang payong ko ay hindi kami nagkasya. Kinailangan pa nitong ilapit ang katawan sa akin para hindi siya mabasa.
"Lumayo ka nga! Amoy pawis ka!"
Gumawa ako ng paraan upang makalayo rito pero hindi niya ako hinayaan. Inamoy niya pa ang sarili niya para makasigurado.
Hndi naman ito amoy pawis, sa totoo lang ay ang bango bango pa nga nito. Kung ang ibang lalake ag nangangasim kapag pinapawisan ay ibang iba naman si Elijah. Kahit pawisin siya ngayon ay nagbubukod tangi ang panlalake niyang pabango. Parang ang sarap niya pa ngang amoyin.
"Have you been waiting for me here? Our couch didn't let us go immediately since there will be a match with other school."
Inirapan ko siya. "Kung anong mali-late ka rin pala ay dapat sinabe mo. Sana nagcommute na lang ako. Alam mo bang kanina pa akong nag-aantay sa 'yo rito?"
"Come on, Katherine. Huwag ka ng magtampo, wife. Should we go to a restaurant before I send you home? Para naman makabawi ako."
"Gusto ko ng uwi," tanggi ko.
Hindi naman ako gutom dahil nagstreet food kami ni Maye kanina. Gusto na lang ay makauwi na at makapagpahinga. Sigurado akong mas pagod pa ito kesa akin dahil maghapon din sila sa kakapractice.