Chapter 6

986 Words
GINAYA ako nito patungo sa kotse niya. Wala ang driver niya dahil pinagvacation niya muna ito. Marunong namang magdrive si Elijah kaya hindi big deal kung siya ang magda-drive tyaka may license na rin ito kaya hindi na ako matatakot na baka mahuli kami. Mas matanda sa akin ng tatlong taon si Elijah. 20 yeard old na ito habang magi-18 naman ako. Magtatapos na ito sa college habang ako naman ay mag-iintay pa ng dalawang taon bago makagraduate. Kaunti na lang ay hindi ko na rin makikita pa sa school ang bwisit na pagmumukha nito. Tinulungan niya akong makasakay at nagpunta sa driver's seat. "I've heard from Oliver what just happened." Isinandal ko ang ulo sa bintana upang tignan ang mga tao sa labas. "Narinig mo na sa kaniya. Ano pang gusto mong sabihin ko?" I'm sure nadagdagan at may mga kulang ang sinabe sa kaniya ni Oliver. Wala akong planong iexplain pa rito ang nangyare. Isipin niya na lang kung anong gusto niyang isipin. Bumuntong hininga siya at piniling hindi na magtanong pa. Mukhang gaya ko ay pagod na itong makipag-away pa para sa mga walang kwentang bagay. Tinignan ko ang mga taong nadaraanan namin. Napinto ako nang magtungo ang paningin ko sa isang bulto ng lalake. Nakatayo ito sa isang tindahan upang iwasan ang ulan. Basa na ang uniform niya at yakap yakap nito ang bag niya at mga libro. "Teka, Ihinto mo muna!" Hindi ako nagkakamali, si Isaiah ang lalaking iyon! "Why?" gulat na tanong ni Elijah. Bumagal rin naman ang pagpapatakbo nito ng sasakyan. "Basta. Ihinto mo muna sandali?" Kinuwa ko ang payong ko sa back seat ng sasakyan kung saan ko ito inilagay kanina. Gaya ng sinabe ko ay inihinto nga ni Elijah ang sasakyan. Ginawa ko itong pagkakataon upang lumabas ng sasakyan. "Katherine!" gulat na tawag ni Elijah sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nagmamadali kong nilapitan si Isaiah. Nakisilong ako sa tindahan kung nasaan ito nakikisilong. Maliit lang ang munting bubong ng tindahan kaya hindi ito sapat upang tuluyang hindi mabasa sa ulan. Mukhang nagulat siya ng makita ako. "Katherine? A-Anong ginagawa mo rito?" Iniabot ko sa kaniya ang payong. "You can use my umbrella. I will just buy another one." "T-Talaga? P-Pero paano ka?" "Don't worry. I don't need it anyway." Tinalikuran ko na siya at bumalik sa kotse. Rinig ko pa ang pagsigaw nito. "S-Salamat." Hindi ko na siya hinarap pa. Mukhang nadagdagan na naman ang utang na loob nito sa akin. Poor him. Natawa na lang ako sa naisip at pumasok sa loob ng sasakyan. "Ang lakas ng ulan." Isinuot ko sa sarili ang seatbelt. Nangunot ang noo ko nang mapansing hindi pa rin umaandar ang sasakyan. Hinarap ko si Elijah. "May pupuntahan ka pa ba? Gusto ko ng umiwi. Halika na." Hindi siya nagsalita. Nakayuko lang ito sa panibela habang mahigpit na nakahawak rito. Lumabas ang mga ugat sa braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito. "E-Elijah..." tawag ko. Nagsimula akong matakot dahil sa inaakto nito. Sa itsura niya pa lang ay alam kong galit siya. Natatakot akong baka sakin mabaling ang galit nito. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Okay naman siya kanina. "When did you get close?" "H-Huh?" nagtataka kong tanong. Umayos ito ng upo at isinandal ang upo sa upoan. Nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, tila ba kinokontrol ang galit niya. "Stop acting like a fool, Katherine. You f*****g know what I'm talking about." Pilit kong inisip kung ano ang tinutukoy nito hanggang sa tuluyan kong maintindiha kung bakit siya nagkakaganito ngayon. "I didn't listen to what Oliver has been nagging to me awhile ago because I badly wanted to hear it from you pero putangina!" nagmulat siya at hinarap ako. "Ginagago mo ba ako, Katherine?! You know how badly threatened I am about that guy yet you still choose to befriend him?!" "Bakit pati ang mga nagiging kaibigan ko ay big deal sa 'yo? Napakababaw mo!" Kaya kami palaging nag-aaway ay dahil sa pagiging paranoid nito. Gusto niya ay iwasan ko ang lahat ng mga lalaking nagpapapansin sa akin dahil lang nagseselos siya. Hindi niya man lang naisip na nasasakal na 'ko sa mga pinaggagagawa niya. Napatili ako ng malakas niyang hampasin ang manibela. "I'm tired, Katherine. I'm f*****g tired with everything. I only want us to end up together. Bakit ang tigas tigas mo? I'm trying my hardest to put this damn relationship together but your making everything so complicated." "T-Tinanong mo man lang ba ako kung gusto ko 'to?" mahinang tanong ko."You were just doing whatever you wanted. You never ask my opinion. Ganon ka ka-selfish, Elijah!" "Because I f*****g love you!" sigaw niya. Natawa ako. "M-Mahal mo ako pero hindi ako kayang palayain? B-Bakit napakaselfish mong magmahal, Elijah? Ang selfish mo." Ayan na naman siya. Sasabihin niyang mahal niya ako pero ang totoo ay sarili niya lang ang iniisip niya. Wala siyang pakialam sa taong mahal niya kundi sa nararamdaman niya lang. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabe ko. Saglit na bumuka ang bibig nito ngunit wala ni-isang salita ang lumabas mula roon. Muling nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kita ko ang saglit na pagkinang ng mata niya, tila ba lumuluha ito pero pinipilit niya lang ang sarili na hindi ipakita sa akin. "E-Elijah..." Hindi siya nagsalita at sinimulang paandarin ang sasakyan. Nabalot ng katahimikan ang buong palagid. Napayuko ako. Bigla akong naguilty sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ako sanay na makita siyang nasasaktan dahil sa akin. Nasanay na yata ako sa Elijah na ginagawa ang lahat ng gusto niya nang hindi man lang inisip kung anong iisipin ko. Sumusobra na ba ako? Gusto ko lang namang magkaroon ng kalayaan. Kung hindi lang sana niya ko pinipilit sa mga bagay na gusto niya ay baka naging mabuti pa kaming magkaibigan. Siguro ay hindi sana aabot sa ganito ang relasyon naming dalawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD