CHAPTER 10
Dreamed
Tunog ng cellphone ang pumukaw sa'ming dalawa. Nang dumilat ako mula sa pagkakapikit ay nakita kong kumurap-kurap siya at parang natatauhang bumalik sa upuan. Habang ako naman ay nakahinga na nang maluwang.
Tumingin nalang ako sa bintana ng kotse habang may kausap siya sa cellphone na tumunog kanina. Gusto kong batukan bigla ang sarili. Ang tanga-tanga, Zia! Talagang pumikit ka pa!
Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa kapag naalala 'yon. Kinagat ko nang mariin ang labi. Para talaga akong tanga sa lagay na 'yon. Pumikit pa ako na para bang gustong-gusto kong abangan ang labi niya!
Geez.
Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip at nang gumising ako ay maliwanag na. Nakapatong na naman sa'kin ang blazer ni Austen. Parang pinatay niya rin ang aircon ng kotse niya dahil katamtaman ang temperatura dito sa loob pero mukhang nilamig parin ako. Kaya siguro ginawa niya paring kumot ang blazer sa'kin.
Nang tingnan ko naman sa relos ko ay 6:36 na ng umaga. Hindi narin umaandar ang kotse. Nang sulyapan ko ang driver seat ay wala na doon si Austen. Kunot-noo kong nilibot ang paningin sa labas.
Nakapark ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Nalaman kong mamahalin 'yon dahil ang interiors at design palang nito sa labas ay hindi lang ordinaryo. Glass rin ang wall nito at kita sa loob ang malaking chandelier at mga mesa at upuang wooden style. Pati ang mga taong pumapasok rito ay sosyalan ang pananamit.
Muli pa akong luminga sa paligid. Malapit lang kami sa highway pero wala akong nakikitang sign kung nasaang lupalop na ba kami. Hindi ako pamilyar kaya kinuha ko nalang ang phone ko at binuksan ang GPS. Gano'n nalang ang pamimilog ng bibig ko nang makita kung nasaan kami.
Vigan City, Ilocus Sur.
Vigan?! What the heck?!
Kaya pala ang tagal ng byahe. Sa probinsya na ako dinala ng mokong!
Ah, mali. Sinama niya nga lang pala ako. Masyado naman ata akong assumera kung iisipin kong tinanan niya ako.
Tinanan?! Tina-
Isang makisig at malakas ang dating na lalaki ang lumabas mula sa restaurant ang umagaw ng atensyon ko. Dahil naka plain t-shirt lang siya ngayon, kitang-kita ang pagkakahapit ng katawan niya doon dahilan narin para pagtinginan siya ng ilang babae. Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng trouser pants habang ang isa naman ay may hawak na plastic. Mukhang ang laman noon ay galing sa loob ng restaurant pero hindi doon nakatutok ang atensyon ko, kundi sa asul na mga matang dumeresto ang tuon sa'kin.
Eto ba yung hinuhusgahan kong bakla? Eh, sa ilang oras na nagkasama kami, halos hindi na 'yon pumapasok sa isip ko dahil malayo ang naiisip ko sa nakikita ko!
Para na namang nagslow motion ang paligid habang pinagmamasdan ko siyang lumapit. Hindi ako bumitaw nang titig at ganoon din siya. Na kahit pa nasa loob ako ng sasakyan, parang kayang-kaya niya akong obserbahan mula sa malayo.
"Ziana."
Napakurap-kurap ako nang hindi mamalayang nasa harap ko na siya. Bukas ang bintana sa may driver seat kaya dumungaw muna siya doon saglit saka ako mas lalong pinakatitigan. Agad akong umiwas ng tingin.
"Uh.." Kinagat ko ang labi at pinilit na huwag lumingon sa kaniya dahil ramdam ko parin ang titig niya sa'kin. "H-Hindi pa ba tayo uuwi?"
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Lumingon lang ako nang marinig kong nagbukas ang pinto ng kotse saka siya pumasok. Nilapag niya naman ang hawak na plastic sa tabi ko. "I just brought you breakfast. Tapos narin ako sa lakad ko dito so pwede na tayong umuwi."
Napatingin ako sa binili niya. Lagayan palang mukhang tag-iisang libo na ang presyo no'n. Hindi naman sa maarte ako pero kahit may kaya o pera ako, marunong ako magtipid.
Well, magastos siya kasi mas mayaman siya sa inyo. Ano pa bang dapat kong asahan.
Kinuha ko nalang din ang binili niya at nilantakan 'yon. Bakit pa ako mahihiya e para sa'kin naman daw 'yon. Saka gutom na ako, duh.
Habang kumakain ay sumulyap ako sa kaniya. May ka-text na naman siya sa cellphone. Nangunot na ang noo ko. "Ikaw ba hindi ka pa kakain?"
Parang natigilan na naman siya sa tanong ko saka nag-angat ng tingin sa'kin pero agad ding umiwas. Umiling siya. "Kumain na ako sa site."
"Site?" Takang tanong ko.
"I forgot to tell you, I came here to visit our engineers that we assigned for the construction of the building." Aniya saka seryosong tinuon ang atensyon sa labas. "We want to make our own that can defeat Montgomery's Real State company."
Umawang ang labi ko sa narinig. Alam ko naman sa sarili kong wala akong interest pagdating sa business pero updated naman ako sa mga sikat at mayayamang kumpanya ngayong panahon. Isa na doon ang Montgomery Clan. Hindi lang Real State ang may'ron sila. Meron din silang hawak na five star hotels, Resorts, at iba pa. Hindi lang dito sa Pilipinas, pati narin sa iba't-ibang parte ng mundo. Kaya alam kong hindi magiging madali ang gagawin ni Austen na lampasan o pabagsakin 'yon lalo na't kilala sa buong mundo ang Montgomery Clan.
Pero alam kong hindi nagpapahuli ang kumpanya nila Austen, Ang Hawthornes. Isa rin sa pinakasikat na kumpanya ng Real State dito sa Pilipinas. Kahit sa ibang bansa ay madalas ma-feature sa magazine ang Hawthornes. Ayon sa pagkakaalala ko, gano'n rin ang kumpanya nina Mom at Dad, ang QuinnV. Hindi rin papahuli sa kasikatan at karangyaan. Ang huling balita ko, nagpapaunahan sa top 1 ang tatlong kumpanya. Montgomery's Clan, Hawthornes at QuinnV.
"Pero..." Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "May kumpanya ka na din, 'di ba? Sa Manila. Bakit gagawa ka pa ng bago?"
Marahas siyang lumunok at iniwas ang tingin sa'kin. "Eat your food first." Aniya saka tumingin sa labas ng bintana.
Nanahimik nalang ako dahil parang ayaw niya 'yon pag-usapan. Well, okay lang naman, wala namang kaso sa'kin. Hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan kong itanong o kailangan alamin kahit mag-asawa na kami. s*******n ang kasal na nangyari kaya dapat wala ring s*******n sa kahit ano kapag natali na kaming pareho sa sitwasyon na 'to.
Inirap ko nalang lahat ng iniisip at tahimik na kumain. Sinimulan niya namang paandarin ang kotse palabas sa parking ng restaurant kaya unti-unti ay nalibang ako sa pagtingin-tingin sa labas.
Ngayon ko lang napagtantong maganda rin pala rito sa Vigan. Sa kahit saang sulok makikita ang mga luma nang disenyo ng mga bahay pero makikita parin ang kagandahan noon na parang hindi nasira ng bagyo o anumang sakuna. Na parang hindi nagdaan ang ilang taon. Ilan-ilan lang rin ang gumagamit ng pampublikong sasakyan dahil ang karamihan ay kalesa ang gamit. Para yatang gusto kong sumakay rin sa kabayo at mag-explore.
Hindi ko alam kung nabasa ni Austen ang nasa isip ko. "You want to roam? Marami akong alam na magagandang lugar dito."
Kahit ako rin naman. Para saan pa ang pagkuha ko ng kursong tourism kung wala akong alam.
Hindi ko nalang 'yon sinabi at kinimkim nalang sa sarili. Hilaw akong ngumiti sa kaniya. "Gusto ko rin sana pero napapagod na ako. Ang tagal ng byahe natin, tapos kotse lang ang gamit mo." Ngumuso ako, pilit na hindi maging dating reklamo sa kaniya 'yon. Nang titigan ko naman siya ay seryoso lang siyang nagmamaneho, hindi na ako sinagot.
Patuloy parin ako sa paglilibot sa paligid at pilit na hindi maipikit ang mga mata. Nahihilo na ako sa kakatulog habang nasa byahe. Masakit na sa ulo.
Ilang sandali pa hanggang sa mapansing kong parang nasa kalsada na kami dahil marami na akong nakikitang mga sasakyan. Dumeresto ang kotse at biglang huminto sa tapat ng isang building na hindi pa tapos. Lumabas ng kotse si Austen at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
Hindi naman kailangang itanong. Halata namang may pupuntahan kami dito kaya lumabas nalang din ako dala ang sling bag ko. Muntik pa akong sumubsob sa sahig dahil sa pamamanhid ng pwetan at paa ko dahil sa tagal kong nakaupo lang sa loob. Buti nalang nasalo ako ni Austen.
"You okay?"
Maliit lang akong ngumiti at pinilit na tumayo. Ilang sandali pa nang maramdaman kong kaya ko nang maglakad kaya tuluyan na akong bumitaw sa kaniya at nag-angat ng tingin sa mataas na building. "Eto ba yung building na pinapagawa mo?"
"Yes." Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at tumingin rin sa mataas na building. "Maybe 2 to 3 weeks from now, pwede na akong lumipat dito."
Napatango-tango ako. Kung gano'n malapit narin pala 'tong matapos. Maganda rin ang location ng building, marami naring halaman at d**o sa paligid. Meron pang fountain na mukhang lalagyan nalang ng tubig ang malapit sa entrance. Nasisiguro kong magiging maganda ang kalalabasan ng kumpanya ni Austen.
"Zia."
Lumingon ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.
Huminga siya ng malalim at sumandal sa hamba ng kotse, saka ay mariin akong tinitigan. "Work with me."
Salubong ang kilay ko siyang nilingon. "Huh?"
Ilang beses pa siyang lumunok bago nagsalita. "My secretary resigned a few days ago... at hindi pa ako nakakahanap ng kapalit niya."
Pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa harap niya. "At sa tingin mo, magaling ako para maging kapalit niya?"
Huminga siya ng malalim. "I can teach you-"
"Austen," Seryoso ko siyang nilingon. "Alam mo namang wala akong balak magtrabaho sa ganyang linya. Sa kumpanya nga nina Mom hindi pa ako nakakapasok, tapos aalukin mo akong maging secretary mo?"
"Zia-"
"No, Austen. What makes you think na magtatrabaho akong kasama ka? Why?" Mas lalo ko siyang hinarap. "Dahil ba sa dahilang mag-asawa na tayo?"
Natahimik siya at nilabanan ng asul niyang mga mata na may halong iritasyon ang titig ko. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng bagang niya sa hindi malamang dahilan.
Umiling nalang ako at umalis sa harap niya. Naglakad ako papasok sa building habang badtrip ang mukha.
Kung bakit naman kasi inalok niya ako? Para namang may alam ako sa business o sa kumpanya! Ni hindi ko nga mapangakuan ang sarili kong mga magulang na kaya kong i-handle ang kumpanyang sa'kin ipapamana!
Dahil sa dami nang iniisip ay hindi ko na namalayan kung nasaan na ako. Tumigil ako sa paglalakad habang inaalala kung ilang hagdan na ba ang inakyat ko.
Napapapikit nalang akong hinilot ang sentido. Naligaw na naman ako. Kaya ang paraan para hindi lalong maligaw, ay maglibang sa nakikita sa paligid mo.
Hindi ko alam kung anong floor na ang napuntahan ko pero nang ilibot ko ang paningin, tiles na ang sahig nito at may ilan-ilan naring furnitures. Kitang-kita naman ang tanawin sa labas dahil sa linis ng glass wall na may pagkatinted-blue.
May office table narin rito. Lumapit ako doon at hinawakan ang mesa na parang dinadama 'yon. Wala sa sarili akong ngumiti.
Pangarap ko rin 'to noon. Pangarap 'to ng dating Zia noon. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nasira at gumuho ang pangarap kong 'yon.
"If you decide to work with me, that will be your table."
Napapapitlag ako sa gulat nang may maramdamang nagsalita sa may tainga ko mismo. Gulat akong humarap sa kay Austen.
Ang pagbulong niya sa tainga ko ay masyadong pamilyar. Pati presensya niya ay hindi ko man lang naramdaman. Parang may tao akong naaalala sa kaniya pero hindi ko matukoy kung sino.
Tumikhim ako. "Bakit ba ang kulit mo?"
Walang emosyon siyang lumapit sa mesa at sumandal doon. Tinagilid ang ulo at tiningnan ako. "Bakit ba din ayaw mo?"
Umiwas ako ng tingin.
"It's weird but..." Napatingin ako sa kaniya. Mariin parin ang tingin sa'kin. "I can sense that you want this."
Kinagat ko ang labi. Bakit ang bilis naman niyang makahalata?
"Sometimes, we can't get what we wants, we can't get what we really dreamed." Tulala siyang tumingin sa view mula sa labas na parang may inaalala. "But that doesn't mean that you'll give up that dream. Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin, lalo na kung mabilis rin nating 'tong susukuan."
Napayuko ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong totoo lahat ang narinig ko sa kaniya at tinamaan ako ng husto.
Pero nang maalala ko sina Mom at Dad, agad nawala ang pag-asang binuhay ni Austen sa puso ko. Malungkot akong bumuntong-hininga.
"Hindi ko na 'yon pwedeng ituloy." Lumunok ako. "Hindi ko na kaya..."
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Masuyo niya akong ningitian. Ngiti na tumunaw nang husto sa puso ko. Na parang pati ang asul niyang mga mata ay nakangiti sa'kin "I know that you'll do better. I got you."