CHAPTER 11
Latest News
"O-Okay." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil masyadong nanghahalina ang mga mata niya. Natatakot akong madala.
Kagat labi ko ring tinanggal ang kamay niya sa'kin. Para siyang natauhan at tumikhim pa saka umatras para bigyan ako ng distansiya.
Aba dapat lang na lumayo-layo siya sa'kin. Hindi maganda 'tong nararamdaman ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Baka kailangan ko nang magpatingin sa doctor.
Huminga nalang ako ng malalim at luminga pa sa paligid. Konting pintura nalang at matatapos na pala ang floor na 'to. Napansin ko ring may isa pang pintuan sa likod ko. Hula ko ay 'yon ang opisina ng CEO, o ni Austen. Tapos ang table naman ng magiging secretary niya ay nandito lang sa labas.
"So?" Agaw ni Austen sa atensyon ko. Nakamasid lang siya sa'kin at hinihintay ang sagot ko sa suhestiyon niya.
"Pag-iisipan ko pa." Pinal kong sabi. Tumango lang siya.
"Hindi pa ba tayo uuwi?"
"Ihahatid lang kita pauwi. I have to do something. Baka hindi muna ako makakauwi sa bahay natin."
Kung teenager lang ako ay baka kinilig pa ako sa huli niyang sinabi. Pero napukaw ng interes ko ang 'something' na gagawin niya kaya taas kilay ko siyang nilingon. "Anong gagawin mo? May ka-date ka?"
Tumango siya. "Yes— wait, w-what?"
Nagsalubong na ang kilay ko. Pinagkrus ko ang dalawang braso sa may dibdib saka siya pinakatitigan. Best in titigan siya pero ngayon hindi ko alam kung bakit parang iniiwasan niya ang mga mata ko.
Ha. Huli ka.
"Gano'n ba?" Hindi ko alam kung bakit parang pumait yata ang pakiramdam ko. Lumakad ako papalapit sa kaniya, mariin at seryoso ang mga mata. Kumurap-kurap ang mga asul niyang mata sa'kin habang hinihintay akong makalapit sa kaniya.
Sinigurado kong walang maiiwang distansya sa pagitan namin nang makalapit na ako sakaniya. Pinaglandas ko ang dalawang kamay sa balikat niya saka isinabit 'yon sa leeg niya. Pagkatapos ay nang-aakit ko siyang ningitian. "Enjoy dating, hubby."
Para siyang napako sa kinatatayuan at hindi na makagalaw at makapagsalita. Mas lalong tumamis ang ngiti ko. Tinapik ko muna nang marahan ang balikat niya bago siya iniwan doon na parang walang sa sarili.
Tingnan lang natin kung may mood ka pang makipagdate sa klase ng epekto ko sa'yo.
Binilisan ko ang lakad para makaalis na. Nang makalabas na ng building, agad akong naghanap ng taxi.
Pero malas dahil halos limang minuto na ang lumipas ay walang taxi na dumadaan sa harap ko!
Ayaw kong makasama si Austen! Gusto kong umuwi mag-isa, sa unit namin ni Kelah!
Hindi ko alam pero kanina pa ako nababadtrip. Halos magpapadyak na ako sa inis. Kapag minamalas nga naman.
"Need help?"
Hindi ko pinansin ang kung sino mang demonyitong nasa likuran ko. Tumingin nalang ako sa cellphone at nagtipa para i-text si Kelah. Magpasundo nalang kaya ako sa kaniya?
"Wala kang makikitang taxi dito dahil doon sa kabilang highway sila nakaparada."
"Tang ina." Inis kong bulong. Nang marinig ko siyang tumawa ay lumingon ako sa kaniya para lang bigyan siya ng matatalim na tingin.
Tinikom niya agad ang bibig at itinaas ang kamay na parang sumusuko. "I just want to help. I brought you here because I called my pilot to pick you up. He's waiting on the rooftop."
Agad napalitan ang mukha ko ng kaguluhan. "Pilot?"
"Yes. Together with our company's helicopter."
Umawang ang labi ko.
Hinila ni Austen ang palapulsuhan ko pabalik sa building. Parang wala ako sa sarili at tulalang naka-steady lang na akala mo ay hindi humihinga.
Helicopter.. helicopter ang sasakyan namin?!
Hanggang sa hindi ko namalayan, nakaabot na kami sa rooftop. Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig ang tunog ng helicopter.
"Get in!" Sigaw ni Austen dahil masyadong maingay ang helicopter. Sumunod nalang ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob.
Pero natigilan ako nang makitang hindi siya sumunod. Isasara na sana ng Pilot ang pintuan pero pinatigil ko siya na agad naman niyang sinunod. Lumabas ulit ako sa helicopter at lumapit kay Austen.
Nagtaka rin siya nang makitang lumabas ako. "Bakit ka lumabas?"
"Sabi mo ihahatid mo ako 'di ba?" Tanong ko sakaniya. Napatitig lang siya sa'kin.
"Ano?" Nanghahamon ko pang sabi. "Samahan mo 'ko."
Parang natigilan pa siya sa sinabi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang marahas niyang paglunok. "But my Pilot will accompany you. I already told him the location of our house."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Wala akong tiwala sa Piloto mo. Pa'no pala kung r****t 'yan? Edi ako pa ang kawawa."
"I'll kill him if he'll do that." Walang emosyon niyang sabi.
Hindi ko sineryoso ang sinabi niya. "Papatayin mo siya? Ano namang silbi no'n kung wala na ang puri ko? Edi hindi na ako virgin? Okay lang 'yon sa'yo?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaawang pa ang labi. Hindi ko na napigilang humalakhak.
"Joke lang! Eto naman!" Inirapan ko siya. "Ano? Ayaw mo ba akong samahan? Sabihin mo lang dahil gusto ko narin magpahinga, hindi na kita pipilitin."
Huminga lang siya ng malalim. "Let's go."
Ang lapad ng pagkakangiti kong hinawakan ang kamay niya at nauna nang pumasok ulit sa helicopter. Hindi ko narin napansin ang paninigas niya.
Komportable akong naupo sa kaliwang upuan. Umupo narin siya sa tabi ko.
Binigay niya sa'kin yung parang headphone. Taka kong inabot 'yon.
First time ko lang naman sumakay sa ganito. Kahit alam kong marami ring ganito sina Mom at Dad, hindi ako sumasakay o sumasama sa kanila.
Nang makita niya ang pagtataka ko ay kinuha niya ulit 'yon sa'kin saka siya na ang nagsuot no'n sa ulo ko. Inilagay niya muna ang kalat kong buhok sa likod ng tainga ko bago nilagay ang headphone sa'kin.
Dahil doon ay ako naman ang natigilan. Halos pigil ko ang paghinga dahil sa lapit ng mukha niya sa'kin. Naghuhumirantado na naman sa pagtibok ang puso ko. Naaamoy ko rin ang mabango niyang hininga at nakakahiya kung maamoy niya ang sa'kin dahil hindi pa ako nakakapag toothbrush!
Kulang nalang ay takpan ko ang bibig ko. Masyado kasing mabagal ang galaw niya at parang iniingatan niyang hindi ako madaplisan kahit sa ulo ko lang naman siya nakahawak. Inosente lang ang mga mata niyang nakatuon sa'kin.
"Done." Ang malumanay niyang boses ay narinig ko sa headphone. Dahil nalibang na naman ako sa asul niyang mga mata, hindi ko na namalayang tapos na siya. Pati siya ay nakatitig narin sa'kin.
"T-Thank you." Pinigilan kong huwag mautal at umiwas na ng tingin sa kaniya. Parang nakita ko pa siyang napangiti o baka guni-guni ko lang 'yon.
Nilibang ko nalang ulit ang sarili sa pagtingin sa view sa labas. Sobrang ganda ng himpapawid mula dito sa taas at nakakakalma. Pati rin ang view sa baba ay maganda kahit halos maliliit lang ang nakikita ko.
"You want to eat first before we go home?" Tanong bigla ni Austen. Napaisip ako at humawak sa tiyan ko. Medyo nakakalam na nga ang sikmura ko at parang gusto ko na naman lumantak ng maraming pagkain.
"Sige. Saan tayo kakain?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay kinausap yung Pilot at sinabing huminto muna para kumain. Ilang sandali pa ay nakita kong ibinababa na ang helicopter sa rooftop ng isang may kataasang building. Nang makalabas na kami ay taka kong tinanong si Austen.
"Okay lang ba talagang dito tayo bumaba? Hindi ba magagalit yung may-ari ng building na 'to?"
Natawa lang siya sa sinabi ko. "No. I own this building too."
Muli na naman akong natigilan. Oo nga pala. Sa sobrang yaman nila at isa ang kumpanya nila sa pinakasikat na Real Estate dito sa bansa, bakit hindi ko naisip 'yon?
"And you own this too."
Doon na ako literal na natigilan. Nang makapasok na kami sa elevator ay hinarap ko siya. "Paanong naging akin din 'to?"
Bumaba ang tingin niya sa'kin. Masyado kasi siyang matangkad na halos hanggang balikat niya lang ako kahit mag heels pa ako kaya mababa ang tingin niya. Pakiramdam ko tuloy ay sobra siyang naliliitan sa'kin. "Of course, you're my wife. Lahat ng pag-aari ko, pag-aari mo narin."
Pinilit ko ang sariling huwag kiligin kaya umalis ako sa harap niya at yumuko. Tangina! Hindi ko talaga mapigilan! Talagang napapangiti ako!
Kinagat ko lang ang labi. Biglang nagbukas ang elevator at pumasok ang iilang empleyado. May isa pang may hawak na malaking bag kaya muntik na akong masagi pero bago mangyari 'yon, nahigit na ni Austen ang bewang ko papalapit sa kaniya.
"Careful." Bulong niya. Halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa gilid ng ulo ko.
Tumikhim ako. Hindi parin kasi tinatanggal ni Austen ang kamay sa'kin at naiilang na ako. Bakit ang tagal namang huminto ng elevator na 'to? Naiinitan na ako.
Nakahinga na ako nang maluwang nang sa wakas ay naabot na namin ang pinakahuling floor kaya kumalas na ang kamay niya sa bewang ko. Nang makalabas ay may iilang empleyado ang bumabati kay Austen.
So totoo nga. Kaniyang building 'to na halos may 60 floor.
Iginiya niya ako sa isang filipino style restaurant. Agad siyang tumawag ng waiter na agad naman siyang pinuntahan.
"Good morning, Mrs. And Mr. Hawthornes. Here's our menu." Binigyan niya kami ng tag-isang menu.
Pero imbes na pumili ng oorderin, pareho kamimg natigilan ni Austen sa unang sinabi ng waiter. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Austen. "What did you say?"
Parang nanigas rin sa kinatatayuan ang waiter. Kabado pa siyang nagpapalit-palit ang tingin sa'min na akala mo ay may gagawin kaming masama sa kaniya. "D-Di ba po mag-asawa na kayo? N-Nabalita po kasi kahapon na p-patagong nagpakasal ang n-nag iisang anak ni Mr. and M-Mrs. Quinnford sainyo p-po, Mr. Austen."
Napuno ng pagtataka ang buo kong mukha. "Pero papa'no mo nalaman na ako ang kinasal sa kaniya?"
Parang mas lalong pinagpawisan ang waiter sa harap namin. Kagat niya pa ang labi at parang maiiyak na. "M-May picture mo po k-kasi na ikaw ang asawa ni Mr. Austen.."
Napakurap-kurap ako. Totoong pasikreto lang kaming pinagkasundo ng mga magulang namin pero kung private 'yon, bakit naibalita pa?
Walang sabi-sabing hinila ni Austen ang kamay ko palabas ng restaurant. Nalilito akong napatianod sa kaniya. "Austen? Anong problema?"
Nang makalabas na ay agad siyang may tinawagan. "Ipapasundo kita pauwi. Mauna ka na."
Seryoso lang ang buong mukha niya. Nababakasan ko ng galit ang mga mata niya pero parang may bahid 'yon ng takot sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay kinakabahan. "Austen, sabihin mo sa'kin kung anong problema."
"Hindi mo na kailangang malaman." Walang emosyon niyang sabi, iwas ang tingin sa'kin.
Marahas akong napalunok at hinarap siya. "Ano ba talagang nangyayari? Bakit parang nababalisa ka?"
Huminga siya ng malalim at parang namomoblemang hinilot ang sentido. "This can't be happening. Hindi nila dapat malaman na may asawa ako." Bulong niya pa pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay nayanig ang mundo ko.
Natahimik ako at pinakiramdaman ang sarili. Hindi ko alam kung bakit parang napipiga ang puso ko sa sobrang sakit at parang may humihiwa doon. Nangilid ang luha ko at kinuyom nang mahigpit ang kamao.
Isang white sedan ang tumigil sa harap namin. Pamilyar 'yon sa'kin pero hindi ko na pinansin. Walang sabi-sabi akong sumakay agad sa front seat at hindi na nilingon si Austen.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko pero agad ko 'yon pinunasan at tulalang tumingin sa harap. Parang nagpipira-piraso ang puso ko at naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganito.
__
A/n: sorry guys for the late update. Naging busy lang talaga ako but babawi na ako ngayon. I'll try to be more active on writing and updating for you guys. Thank you for your patience!❤
— @janesscious