CHAPTER 12 - Familiar faces

1997 Words
"Vaziana?" Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay sandali akong natigilan saka niligon ang nasa driver seat. Ganoon nalang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita si Louis. "L-Louis?" Hindi niya pinansin ang pagtataka sa mukha ko at sa halip, kunot-noo lang siyang nakatingin sa kalsada at paminsan-minsan akong sinusulyapan. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay galit siya. "Why are you crying?" Napakurap-kurap ako saka nag-iwas ng tingin at itinuon nalang ang paningin sa bintana. "W-Wala... wala 'to." Ilang sandali rin siyang nanahimik bago muling nagsalita. "What's your relationship with Austen?" Parang nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang tanong niya. Sa dami nang naiisip ko, nakalimutan kong may relasyon nga pala sila ni Austen! Siya ang legal wife— ay este, boyfriend palang pala. Pero kung may relasyon nga talaga sila, bakit siya ang pinasundo sa'kin ni Austen? Hindi ba siya aware na baka masaktan si Louis dahil kahit arranged marriage lang kami, at kahit asawa lang ako sa papel, masakit parin 'yon para sa kaniya dahil yung mahal niya ay nakatali na sa iba? Tapos pinasundo niya pa talaga sa totoong taong mahal niya? Talaga bang walang pakiramdam ang lalaking 'yon? Buti nalang talaga at hindi ko siya mahal. Oo masakit yung narinig ko sa kaniya kanina pero hindi ibig sabihin ay malalim na ang nararamdaman ko para sa kaniya. At hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko na malunod sa kung ano mang patibong na ihahain niya para sa'kin. Nilingon ko si Louis saka saglit na tinitigan. Kung titingnan mo siya ng mabuti, iisipin mong wala siyang kahit anong dinadalang problema dahil sa kapreskuhan ng mukha niya ngayon. Tapos sa tuwing nakikita ko siya, parang palagi siyang gumagwapo. Parang gusto ko nalang sana hilingin kay Lord na sa kaniya nalang ako magkagusto. Pero nakapagdesisyon na ako. Sasabihin ko kung ano ang totoo at kung anong nalalaman ko. Kung masaktan man siya sa malalaman niya, ako na ang hihingi ng tawad sa kaniya nang walang hinto. At kung hindi naman niya ako mapatawad, ayos lang din, bukal sa loob kong tatanggapin. "May aaminin ako." Tumaas lang ang kilay niya at hindi nagsalita. Ang suplado naman. "A-Ano... nakita na kasi kita dati." Halos humiyaw ako nang biglaan niyang ipreno ang sasakyan dahilan para halos masubsob na ang mukha ko sa harapan. Sa sobrang takot na baka nasagasaan na kami ay halos masinghalan ko na siya. "Louis, ano ba 'yan?!" Ang parang gulat na gulat niyang mukha ay humarap sa'kin. "Did you remember me? May naaalala ka na?" Parang nananabik niyang tanong, halos kumislap pa ang mga mata sa tuwa. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya. Bakit ang OA naman ng reaksyon niya? "Oo... sa mansion nila Austen. Doon kita unang nakita." Nawala bigla ang emosyon niya sa mukha. Parang nakitaan ko pa nang pagkabigo ang mga mata niya o baka guni-guni ko lang 'yon. "Oh, right." Nag-iwas siya ng tingin saka muling minaobra ang sasakyan. "Noong araw na nagkita tayo sa labas at nahuli kitang tinitingnan ang kotse ko." Malamig ang boses niyang sabi. Yung kotse na 'yon ay hindi ko parin nakakalimutan. Ah, basta. Kakausapin ko rin siya tungkol doon. "No... hindi doon." Kumunot muli ang noo niya. "Saan naman?" "Sa..." Marahas akong napalunok saka inalala ang nakita ko noon. "Kasama mo si Austen no'n... tapos... uh..." Sabihin mo na kasi Zia! "And then?" Parang hindi makapaghintay niyang tanong. Kinagat ko ang labi saka mariin napapikit at nagbaba ng tingin. "N-Na.. h-hinalikan ka ni Austen sa pisnge.. tapos... nagyakapan kayo—" Muli na naman niyang prineno ang sasakyan ng biglaan! Pucha talaga! Inis akong napahawak sa ulo ko muntik na namang mauntog sa harapan. "Louis, kanina ka pa!" Salubong na salubong na ang kilay ko. Konti nalang talaga, matitikman na niya ang katarayan ko! Kung pareho silang suplado ni Austen, papahuli ba ako? Syempre hindi! "Ano bang problema mo?" "I'm sorry, I'm sorry," Napahilot siya sa sentido. "Y-You.. really saw that?" "Oo nga 'di ba. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Kaswal kong tanong sa kaniya, pero hindi ko alam kung bakit siya natawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Uhm," Tumikhim siya. "I-I don't know how to explain it to you, but—" "Hala, hindi!" Umiling-iling ako sa kaniya. Bigla akong nahiya. "A-Ayos lang... ayos lang. Ano, suportado ko naman kung anong relasyon niyo—" "It's not what you think—" "—kahit asawa niya ako, okay lang hindi ko kayo pipigilan... asawa lang naman ako sa papel pero ikaw parin ang legal.. ikaw parin ang mahal niya." "What did you say?" Napakurap-kurap ako sakaniya. "H-Ha?" Kung galit siya kanina, mukhang mas nagalit siya ngayon dahil sa dilim ng mukha niya. "Mag-asawa na kayo?" Nangatal ang mga labi ko at halos hindi magawang magsalita. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko maiwasang matakot na baka suntukin niya ako bigla dahil sa pag-ahas ko sa boyfriend niya. Lalo na't nakatuon sa'kin ang matatalim niyang mga mata. "A-Ano... arranged marriage lang 'yon, Louis, I swear. Walang involved na feelings, promise. Saka... hindi ko naman hahayaang magkagusto sa kaniya kasi simula palang, nakilala ko naman na kung sino talaga ang gusto niya... and okay lang 'yon sa'kin, promise! I promise hindi kami magtatabi o matutulog sa isang kwarto, hindi kami mag—" "Enough." Napapikit ako, nagsisimula nang mamasa ang mga mata. "I'm sorry, Louis. H-Hindi ko naman alam nung una na taken na siya... kung alam ko lang noong una sana hindi na talaga ako pumayag sa arranged marriage na 'yon—" "It's okay, stop talking." Tinikom ko nalang ang bibig saka pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge ko. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng isang matalik na kaibigan, kahit ang totoo ay saglit ko lang naman siyang nakilala. Pero hindi ko talaga maikakailang may pakiramdam na hindi matanggal sa'kin. Pakiramdam ko talaga, matagal na kaming magkakilala. Hindi ko nga lang alam kung kailan 'yon. Narinig ko siyang may kung anong tinipa sa cellphone niya saka may tinawagan. "We need to talk." "I'm working on something, dude. Bukas nalang." Parang pamilyar ang boses na 'yon mula sa kabilang linya. Pero bago ko pa marinig ang iba nitong usapan ay lumabas na ng kotse si Louis. Ngumuso nalang ako saka tumanaw sa labas ng bintana. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Galit kaya siya? Malamang oo. Ikaw ba naman ang may boyfriend tapos malalaman mo nalang sa mismong asawa niya na kasal na pala siya. Nagi-guilty ako para kay Louis. Sana makabawi parin ako sa kaniya. Saglit kong binuksan ang bintana para makalasap ng sariwang hangin. "Why you didn't tell me about this?" Hindi ko inaasahang marinig ang galit na boses ni Louis habang may kausap sa cellphone. Pero hindi ko rin mapigilang makinig. "Damn you, dude." Seryosong saad ni Louis sa kausap. "Kung nalaman ko na 'to noong una palang, hindi ko hahayaan na mangyari 'to." Tumigil siya na mukhang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magpapakita sa'kin because I swear, talagang paduduguin ko ang mukha mo." Nang marinig kong papasok na siya ulit sa kotse ay mabilis kong sinara ang binata ko saka pumikit at nagpanggap na tulog. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga na parang saglit pang sumulyap sa'kin bago muling pinaandar ang sasakyan. Sino kaya yung sasapakin niya? Si Austen kaya 'yon? Hays. Kasalanan ko talaga 'to, baka masyado na akong nanghihimasok sa relasyon nilang dalawa. Tanga! Tanga! Ang pagtutulog-tulugan ko ay naging totoo na. Nagising nalang ako nang tapikin ni Louis ang balikat ko. "We're here." Inaantok akong sumulyap sa labas. Malapit nang mag-gabi. Nagpark siya sa harap ng isang malaking bahay. Nang lumabas siya ay lumabas narin ako. "Ito na ba 'yong bahay namin—" Zia, ang bibig mo! "—I mean, bahay ni Austen?" Nakapamulsa siyang tinanaw rin ang bahay. "I think you're safe here." Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya tiningnan ko nalang ulit yung bahay. Naghahalo ang mga kulay nito sa white at black, mga colors na paborito ko. May hindi kaliitang bakuran din sa harapan at gate. Ang taas naman niya ay hanggang 3rd floor. Hindi ko maiwasang ngumiwi. Dalawa lang naman kaming titira diyan tapos hanggang 3rd floor pa talaga? "I have to go." Napalingon ako sa kaniya. Tiningnan niya ang oras sa relos na suot. "Austen will be late... I think. Huwag mo na siyang hintayin." Hilaw akong ngumiti. Bakit ko naman siya hihintayin? As if baliw na baliw ako sa presensiya niya, duh. "Ah oo. Pero..." Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "O-Okay lang ba 'to sa'yo? Kasi alam mo na... taken siya sa'yo pero ako ang kasama niya sa iisang bahay." Ngumiwi lang siya sa sinabi ko. "Uh.." Napakamot pa siya sa ulo at parang nawawalan na ng pasensyang huminga ng malalim. "W-We're fine, I guess. Wag mo nang isipin 'yon." Napangiti ako. "So.. hindi ka galit sa'kin?" Ngumiti lang din siya saka ginulo ang buhok ko. "Hindi ko kayang magalit sa'yo." Para akong bata na napangisi at kulang nalang ay tumalon pa sa tuwa. "Talaga?" "Yes." "Pero..." Kinagat ko ang labi ko at maingat na tumigin sa mga mata niya. "Kay Austen, galit ka ba?" Mukhang hindi ko nang kailangang maghintay ng sagot dahil ang pag-igting ng panga niya sa galit ay isa nang senyales na galit nga siya. Ngumuso lang ako. Kawawa naman si Austen pag nagkataon, baka maabutan ko nalang 'yon na may pasa sa mukha o bugbog sarado na ang katawan. "Soon, I'll explain it to you. Pero ngayon kailangan mo munang magpahinga." Anong i-eexplain? Hindi ko na binalak na magtanong pa. Tumango nalang ako. "Ingat." Ngumiti siya saka ginulo ulit ang buhok ko. Nagsalubong na ang kilay ko saka tinanggal ang kamay niya. "Ano ba?" "Cute." Parang naaliw pa siyang tumingin sa mukha ko. "Crush mo 'ko 'no?" Halos lumapad ang ngisi niya sa tanong ko. Pumasok na siya sa kotse saka pinaandar ang makina, tapos ay dinungaw ako mula sa bintana. "No way." Humaba muli ang labi ko sa pagkakanguso. "Bakit? Hindi ba ako maganda?" Umirap siya at parang bored na sumagot. "Maganda. But you're not my type." Ouch. "Ah." Humalakhak na siya ng tuluyan. "I'm going now, mag-ingat ka." Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan paalis kaya hindi na ako nakapagsalita ulit. Tinanaw ko lang saglit ang sasakyan niya bago pumasok sa loob ng bahay. Sa bungad palang ay mahahalata mo nang magara talaga ang bahay. Mula sa dingding, tiles, kisame, lahat ay mukhang mamahalin pati narin ang mga gamit. May isang malaking painting akong napansin banda sa may hagdan kaya tinungo ko iyon. Litrato 'yon ng buong pamilya ni Austen at sa kabila naman, litrato naming tatlo nila Mom at Dad. Wala sa sariling napangiti ako. Talagang pinaghandaan niya 'to, ah? Isang maliit na picture frame din ang nakita ko. Picture 'yon ng dalawang bata, mukhang magkapatid. Si Austen yung lalaki at yung babae, hindi ko alam kung sino. "Pero bakit gano'n? Parang nakita ko na talaga siya. Pamilyar e." Tinitigan ko pa ang mukha ng babaeng katabi ni Austen. Sumuko nalang din ako saka ang supladong mukha naman ni Austen noong bata pa ito ang tinitigan ko. Kumunot ang noo ko habang tinititigan 'yon ng matagal. Huh? Bakit parang pati siya ay nakita ko narin noon? Ano bang nagyayari sa'kin? Nababaliw na ba talaga ako? Yung mga taong bago ko palang nakikilala bakit pakiramdam ko ay nakita ko na talaga sila dati? Pinilit ko pang alalahanin hanggang sa biglang kumirot ang ulo ko. Hindi ko na napansin pa ang pagkabasag ng picture frame na hawak ko habang iniinda ang sakit ng ulo. Parang may mga sumasaksak sa utak ko. Apektado rin maging ang buong katawan ko kaya nanghihina akong napaupo sa sahig saka malakas na humiyaw. "Ahhh!" Hindi ko na kaya. Sobra na akong nahihilo at parang unti-unti nang nandidilim ang paningin ko, bago pa mahulog ang ulo ko sa sahig, may naramdaman na akong kamay na sumalo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD