CHAPTER 13 - Unknown Memories

3033 Words
A/N: HI GUYS! Sorry for not updating, sobrang busy ko na kase ngayon dahil working student na ako. So out of nowhere, nakapag-update ako bigla. Ginanahan kasi ako ngayon magsulat pero ngayon lang 'to guys, sorry na agad sa matagal na next update. But anyways, enjoy reading! Unknown memories "Zian, laro tayo!" Isang batang lalaki ang lumapit sa'kin. Agad na lumapad ang ngisi ko. "Bakit nandito ka na naman, ha? Gusto mong pagalitan ka na naman ng mga guards namin na feeling gwapo?" Taas-kilay kong tanong. Ngumisi lang din siya sa'kin saka tinalon ang distansya sa pagitan namin. Nandito ako sa likod ng bakuran namin at maswerteng nakatakas sa paningin ng mga gwardiya para lang makipaglaro sa makulit na batang 'to. "Kahit bugbugin pa nila ako, titiisin ko. Basta makalaro lang kita." Pilyong sabi pa niya. Humagikhik ako. "Alam mo, ang bata mo pa pero ang dami mo nang alam." Naiiling kong sabi saka naupo sa damuhan. Naupo din siya sa tabi ko dala ang mga laruan ko at laruan niyang pinaghalo namin para paglibangan. "Syempre, ako pa ba. Pero totoo 'yon. Hindi ko kayang hindi ka nakikita kahit isang araw lang, Zian." Dagdag pa nito. Lito ko siyang nilingon pero sinagot niya lang ako ng matamis niyang ngiti. Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin ng iba niya pang sinasabi dahil masyado pa akong bata para maintindihan lahat ng 'yon. Pero hindi ko maitatanggi na tumutugon ang puso ko sa bawat matatamis na salitang binibitawan niya. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Dahil kasingkulay ng mga mata niya ang mapayapang kalangitan, hindi ko alam kung hiniling niya bang mahalin ko ito ng lubusan. "Zia, are you okay?" Isang nag-aalalang boses ang una kong narinig nang idilat ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang malambot na kamang hinihigaan ko pati narin ang panlalaking amoy na bumabalot sa buong kwarto. Nang tuluyan nang luminaw ang paningin ko mula sa pagkagising ay nasilayan ko agad ang gwapong mukha ni Austen. Seryoso man ay mahihimigan ang pag-aalala sa asul niyang mga mata. Parang parehong-pareho sila ng kulay ng mata noong bata na nasa panaginip ko. Doon bumalik ulit sa akin ang lahat. Ang napanaginipan kong isang batang lalaki. Pero panaginip nga ba talaga 'yon? Pakiramdam ko kasi ay totoo 'yon. O parang nangyari na 'yon. Pero kung nangyari man 'yon, imposible naman na hindi ko maalala 'di ba? Hindi ko alam, pero parang nangungulila ako sa batang 'yon. "Zia?" Kumurap-kurap ako. Nandito nga pala sa harap ko si Austen. Dahan-dahan akong bumangon at umayos ng upo. Parang gusto niya pa akong alalayan pero hindi niya ako magawang hawakan. Tumikhim ako. "Ayos lang ako... ano bang nangyari?" Tanong ko. Medyo masakit kasi ang ulo ko at parang ayoko nang alalahanin pa ang mga nangyari bago ako napunta sa kwartong ito. "Nawalan ka ng malay. I think that's because you're tired. You should rest first." Huminga ako ng malalim at sinunod nalang ang gusto niya. Hindi narin ako umangal pa dahil kumikirot parin ang ulo ko at natulog nalang ulit. Paggising ko ay madilim na sa labas. Nang ilinga ko ang paningin ay doon ko napansin si Austen sa gilid ng kama at hawak ang laptop niya habang kunot na kunot ang noo. Muntik na akong mapabangon dahil sa gulat. Dahil sa paggalaw ko ay naagaw ko ang atensyon niya. "Why? Is there something wrong?" Umiling ako agad at naupo ng maayos. Sumandal ako sa headboard ng kama at tiningnan siya. "Bakit pala nandito ka parin?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "Obviously, binabantayan kita." Umirap ako. "Binabantayan? Bakit? Nasa panganib ba ang buhay ko?" Maldita kong tanong. Hindi ko maiwasan magtaray sa kaniya lalo pa't naaalala ko na naman ang mga narinig ko sa kaniya nang huli kaming magkita. Umiwas siya ng tingin sa'kin at mariing tinitigan nalang ang laptop na parang may galit siya doon. "You don't know what's really happening." "Of course! I don't know! Sa tingin mo kaya malalaman ko kung wala ka namang sinasabi?" Punong-puno ko nang tanong sa kaniya. Pakiramdam ko ay konting-konti nalang at sasabog na ako. "Sa tingin mo maiintindihan ko ang lahat ng mga sinasabi o ginagawa mo kung wala ka namang nililinaw sa'kin?" "Calm down." Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay lumapit sa'kin para umupo sa tabi ko. Malambot niya akong tinitigan. "How are you feeling? May gusto ka bang kainin?" Tahimik akong suminghap ng hangin at saglit siyang tinitigan, gulat sa biglang pagbabago ng pakikitungo niya. "H-Huwag mo ngang baguhin ang usapan!" Singhal ko. "Kumain ka muna kung gusto mong malaman ang lahat." Pinal niyang sabi na para bang pinaparating na wala akong karapatang umangal sa gusto niya. Umirap ako, nagsisimulang mainis pero hindi nalang nagsalita. Kinuha niya ang pagkain na nasa side table. Lugaw pala 'yon na nakalagay sa mangko at umuusok pa na sa tingin ko ay kanina niya lang hinanda. Marahan niyang hinalo ang laman no'n saka sumandok gamit ang kutsara at pagkatapos ay nilapit sa bibig ko. Para akong pinamulahan sa naisip kong gusto niyang gawin. "A-Ako na!" Pero hindi siya gumalaw at nanatili lang ang kutsara sa ere. Dahil sa sobrang pagkailang ko, pinilit ko nalang na kunin ang mangko at kutsara sa kamay niya saka siya sinamaan ng tingin. "Hindi naman ako baldado, pero salamat sa pagmamalasakit mo." Nakangiwi kong sabi, sarkastiko. Nailing lang siya at hinayaan ako na parang natutuwa pa sa'kin. Siguro ay dahil narin sa haba ng tulog ko ay mabilis kong natapos ang pag kain. Ginanahan din kasi ako sa pagsubo dahil nanunuot ang sarap ng lugaw sa panlasa ko. Siya kaya ang nagluto no'n? Kung siya nga ay malamang pinaulanan ko na siya ng papuri pero dahil dapat ko lang panatilihin ang pagiging maldita sa kaniya, mas mabuti nalang na hindi ko nalang 'yon aminin. Manigas muna siya. "Done?" Tanong niya. Marahan naman akong tumango. Kusa niyang kinuha ang mangko sa kamay ko. Tumayo siya para siguro ibalik 'yon sa kusina pero nahinto siya nang tingnan ako sa mukha. Napatingin din tuloy ako sa kaniya dahil sa pagtigil niya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. Umupo siya ulit sa kama at ganoon nalang ang paninigas ko nang maramdaman ang hintuturo niya sa gilid ng labi ko. Malamang ay may kung ano doon na hindi ko napunasan. "Ang kalat mo talaga kumain..." Aniya na parang sanay na sanay na sa ganoon kong gawi. Marahas akong lumunok saka tinabig ang kamay niyang malapit sa bibig ko. "Huwag mo nga akong ituring bata." Inis kong sabi. "Am I?" Aniya at mas lalong nilapit sa'kin ang mukha. Naiinis ako. Hindi ko siya matingnan sa mata. Ah, hindi. Ayoko siyang tingnan ng deresto. Baka madala na naman ako kung saang dimensyon ng mundo kapag nagpalunod ako sa mga mata niyang tinatanggal ang nararamdaman kong inis para sa kaniya. Hindi ko na makayanan ang sitwasyon kaya naman malakas kong tinulak ang dibdib niya. Pero kahit binuhos ko na ang lakas ko para doon, hindi man lang siya gumalaw o natinag. Habang tumatagal, mas palapit pa siya ng palapit sa'kin. "A-Ano ka b-ba?" Naiilang kong turan, hindi parin makatingin sa kaniya. Para akong nakahinga nang maluwang nang tumigil siya. Mahina siyang tumawa saka tumayo para ituloy ang balak niyang lumabas. "Ang sarap mong asarin." Doon ko lang siya nilingon para taliman ng tingin. Pero ang tingin kong iyon ay nauwi sa pagdududa na ipinagtaka niya. "Siguro... may balak ka. "What?" Seryoso at mariin ko siyang tinitigan. "Balak mo ba akong akitin? Para ano? Utos na naman ba 'to ni Mom o Dad?" Nawala ang kapilyuhan sa mga mata niya at napalitan ng emosyon niyang blanko. Na kahit hindi ko mahulaan kung anong iniisip niya, pakiramdam ko ay binabasa niya ang nasa isip ko sa pamamagitan lang ng pagtitig sa'kin. "I don't know what you're talking about." Sagot niya. "But why would you think that I'll do that? Bakit naman ako uutusan ng mommy mo para akitin ka?" Kinagat ko ang sariling dila nang may mapagtanto. Ako nga pala ang may misyon na gawin 'yon! Kaya bakit ko naman naisip na ipapasa 'yon sa kaniya ni Mom? Parang gusto ko nalang magpalamon sa kailaliman ng lupa dahil sa kahihiyan. Oo nga naman, bakit ko ba naisip na gagawin niya 'yon? Kung hindi ako mag-iingat, hindi ko pa nasisimulan ang misyon ko ay baka mahuli na niya ako! Hindi nalang ako sumagot at baka may mabanggit pa akong kung ano. Huminga nalang siya ng malalim saka lumabas. Ilang saglit pa pagbalik niya ay umupo siya ulit sa tabi ko. Pinanood ko lang siyang sumandal sa headboard ng kama saka mariing pumikit na para bang pagod na pagod na siya. "It's so tiring, you know. Managing my mom's and my dad's companies and organizations really stressing me out. Wala naman akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko dahil ang kapatid ko, nagrebelde sa mga magulang namin. I also don't want her to be dragged by many responsibilities that my family are holding. Ayoko siyang mahirapan." Hindi ako sumagot at tumulala nalang sa kisame pero nakikinig parin sa kaniya. Naalala ko na may kapatid nga pala siyang babae na matagal na nilang hindi nakikita dahil sa personal na dahilan. Hmm, ano kayang hitsura niya ngayon? Magkamukhang-magkamukha rin kaya silang dalawa? Parehong-pareho ang kulay ng mga mata? Na-excite tuloy ako na makita siya bigla. "Matagal na siyang hindi nakikita ng mga magulang namin pero ang hindi nila alam, paminsan-minsan kaming nagkikita." Gulat akong lumingon sa kaniya. "Nagkikita pala kayo? Ibig-sabihin, may koneksyon ka pa rin sa kaniya?" Bumuntong-hininga siya saka tumango. "Yes. Panatag rin ako kahit papa'no dahil ang sabi niya sa'kin, she's always with her bestfriend. Gustong-gusto kong malaman kung saan siya nakatira ngayon but I don't want to invade her privacy. As long as I know that she's happy, then I'll be happy too." Lihim akong napangiti. Sa konting kwento niya ngayon at sa konting nalalaman ko tungkol sa kaniya, masasabi ko talagang mahal na mahal niya ang kapatid niya. Malamang ay spoiled ang kapatid niya sa kaniya. Minsan ko naring hiniling na magkaroon ng nakakatandang kapatid at ma-spoiled pero siguro hanggang inggit nalang talaga ang mangyayari sa'kin sa t'wing naiisip ang tungkol doon. Kung bakit ba naman kasi ay nag-iisa lang akong anak. "I love my little sister so much that's also why I want her to stay out of our family's workings and businesses. Hindi maganda ang rason ng pag-alis niya pero para sa'kin mas maganda na ang ganoon para mailayo ko siya sa kung ano mang kapahamakan ang mangyayari sa pamilya namin pagdating ng araw." Huh? "A-Ano? Kapahamakan?" "At nagkatotoo nga ang hinala ko. As what I have said, my family are managing different kind of businesses aside from Real State Companies and organizations under government that's why we can't prevent to have some competitors or enemies. Ilan sa kanila ay hindi pinahahalagahan ang buhay kaya papatayin nila ang kahit sinong malapit sa itinuturing nilang kalaban para lang mahawakan ka nila sa leeg o para makontrol ka nila." Halos malaglag ang panga ko sa narinig. "I know it's complicated and hard to accept but that's how life works." Wait, wait. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa mga impormasyong naririnig ko ngayon lang. Hindi yata kayang i-absorb ng utak ko ang lahat ng 'yon. Kahit papaano ay aware naman ako sa ganoong pangyayari pero ang marinig sa ibang tao na nangyayari pala talaga 'yon ay parang hindi parin kapani-paniwala. Akala ko sa mga movies or drama lang 'yon nangyayari. "Iyon din ang dahilan kung bakit kinakailangan mong magtago muna sa ngayon. Delikado kapag masyado kang nakikita sa labas lalo na't alam na nang publiko na mag-asawa tayo." Napayuko ako, unti-unti nang naiintindihan ang mga nangyayari. "Of course, my enemies will think that you're my weakness since you are my wife so it's my responsibility to protect you. I'm sorry for dragging you into this." Mahina niyang saad na para bang nagsisisi talaga siya. "Siguro kung nung una palang ay nalaman mo na ganito talaga ang klase ng buhay ko, siguradong umatras ka na sa pagpapakasal sa'kin. I tried to stop my family from getting married to anyone and told them that it's too risky but, nothing. Hindi sila nakinig at hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit masyado nila akong pinagpipilitan sa'yo." Pinagpipilitan? "Anong ibig mong sabihing pinagpipilitan?" Nagtataka kong tanong. "It's normal to think that they want us together because our families are both powerful. Kapag pinag-isa sila sa pamamagitan ng pagpapakasal natin, maituturing na ang pamilya natin ang pinakamayamang pamilya at negosyante sa buong Pilipinas." "So? Anong point mo?" "It's just that I think... there's a real reason behind this. I can sense it from your family because they are too mysterious." Sang-ayon ako sa kaniya. Masyado talagang masikreto at misteryoso ang mga magulang ko na kahit kailan ay hindi ko man lang mahulaan ang mga naiisip o kilos nila. Kumpara sa'kin, malayong-malayo ako sa kanila. "Sa totoo lang, pagod na akong hulaan kung ano ba talaga ang mga tinatago nila. Gawin nila kung anong gusto nila, basta huwag lang nilang kokontrolin ang buhay ko." Wala sa sarili kong sabi. "Control, huh?" Aniya. "How will you define freedom?" Bigla ay tanong niya. Napaisip ako kaagad. At nang may maisip ako, wala sa sarili akong napangiti. "Freedom, is Bar!" Hagikhik ko. Oo nga, matagal-tagal narin nang huli akong makapag-bar. Nami-miss ko narin ang lasa ng alak at ingay ng paligid pati narin ang nakakahilong ilaw ng bar. Tawagan ko kaya si Kelah? Aayain ko siya. Siguradong isang sabi ko lang don, on the way na kaagad ang gaga. Oh baka naman unahan niya ako sa pag-aya. Napangiti ako, nami-miss narin pati si Kelah. Kinuha ko ang phone ko sa may side table at binuksan 'yon para hanapin sa contacts ang pangalan ni Kelah. Nang mahanap ko, excited na akong pindutin ang call button pero nahinto nang may humablot sa cellphone ko. "Anong..." "What do you think you're doing?" May bahid ng inis na tanong ni Austen. Nagsalubong ang kilay ko. Ano na namang problema nito? Kalma lang, Zia. Hindi ka dapat mainis. Walang pwedeng sumira sa magandang mood mo para mag-bar kasama si Kelah. Wala. "Tatawagan ko ang bestfriend ko." "For?" Okay, nagsisimula na akong mainis. "Bar." "Bar? What do you mean?" Hinga, buga. Kaya mo 'to, Zia. Matamis akong ngumiti. "Aayain ko mag-bar ang kaibigan ko. Kaya pwede ba, ibalik mo na ang cellphone ko?" Hindi siya gumalaw. Tinitigan niya lang ako at mas lalong nagsalubong ang kilay. "Pwede ba?" Inabot ko na ang kamay ko sa harap niya. "Nakalimutan mo na ba?" "Ang ano ba??" Medyo tumataas na ang boses ko. Sa gantong sitwasyon, ubos na ubos na ang pasensya ko. I tried my best na maging magalang naman pero, walang talab. Mas lalo niya lang ako ginagalit. Kung sa labas ay mukha akong kalmado, sa kaloob-looban ko ay nagpupuyos na talaga ako sa inis. "Na hindi ka pwedeng lumabas. Remember? Kakasabi ko lang ng dahilan ko kanina. Naalala mo lang ang bar, parang wala ka nang pakialam sa kapahamakang naghihintay sa'yo sa labas." Ah, oo nga pala. Medyo bumigat ang pakiramdam ko sa katotohanang 'yon. Pero ang gumugulo sa'kin, ay kung bakit nahihimigan ko ng pagkainis ang tono niya at seryoso ang mukha niya ngayon. Mas lalo tuloy akong nabubwisit. Ang kapal ng mukha niyang mainis samantalang ako ang ikukulong niya dito sa bahay. "So anong gagawin ko? Dito lang ako sa boring na bahay na 'to magsstay at walang kasama? Hindi naman kaya ay amagin ako dito?" "You have no choice." Bwisit. "And you'll not be alone. We'll be staying here together for the time being, at sisiguraduhin kong hindi ka mabobored dahil kasama mo ako." Aniya saka pilyong kumindat sa'kin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Haaaaaaaaa??? So maiiwan ako kasama ang lalaking 'to na makalaglag panga ang kagwapuhan??? Ano nang gagawin koooo??? Misyon kong akitin siya pero paano kung ako ang unang maakit at bumigay? Paano na? Paano na? Halos ma-overwhelmed ako sa dami ng pumapasok sa utak ko pero nahinto nang may ma-realize. Oo nga, tama. May misyon pa akong kailangang gawin, para tigilan na ako ng pamilya ko na kontrolin ang buhay ko. Kaya kinakailangan kong magampanan ang misyon ko, para narin sa ikagaganda ng buhay at kalayaan ko. Hindi ako dapat magpadala. Siguradong nagsimula na ang kumpetisyon sa'ming dalawa ni Austen. Na kung sino ang unang bumigay o maakit, ang siyang unang matatalo. At hindi ako pwedeng magpatalo. Dahil kakaunti lang ang distansya sa pagitan namin, sinamantala ko 'yon para mas lapitan siya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilaang gilid niya para tumukod at matapang na salubungin ang mga mata niya. Kahit seryoso siya, nararamdaman kong bumibigat ang paghinga niya. Hindi ko maiwasang matuwa. Sa wakas. "So..." Mapaglaro kong iginala ang mga mata ko sa buo niyang mukha. "It means, magkasama muna tayo sa iisang bubong? Papa'no ang tutulugan nating dalawa?" Kumurap-kurap siya, parang hindi ma-digest ang mga sinasabi ko. "W-What?" Nakandal siya sa headboard ng kama habang ako naman ay halos tumuwad na at nakaharap ang mukha sa kaniya, hindi na takot tingnan ang magaganda niyang mga mata. Dahil naka-sphagetti strap lang ako, alam kong expose ng konti ang cleavage ko sa harapan niya. Bumaba rin ang isang strap ng damit ko sa may braso dahilan para mapatingin siya doon. Mukha siyang kabado at unti-unti nang pinagpapawisan. Dahil doon ay malawak akong napangiti. "What if... matulog nalang tayo sa iisang kama? Total mag-asawa naman tayo..." Ramdam ko ang paninigas niya sa sinabi kong 'yon. Titig na titig siya sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala. Kahit na malakas ang aircon, patuloy na tumutulo ang pawis niya. Kahit hindi ko ilapat ang tainga ko sa dibdib niya, naririnig ko ang malakas na t***k ng puso niya. Malakas akong tumawa at agad na tumayo. Gulat naman siyang sinundan ako ng tingin. "Eto naman, hindi mabiro. Syempre joke lang." Sabi ko saka tumawa ulit. Pinilit niyang ngumiti pero nababahiran ko ng inis ang mga mata niya na para bang nabitin siya at gusto nang maghagis ng gamit papunta sa'kin. Hindi ko maiwasang tumawa kaya bago pa ako humagalpak sa harapan niya, lumabas na ako ng kwarto. Huli ka ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD