The next day, a very normal day for me kasi wala talagang bumuntot sakin until Lunch. Pero hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Adi kahapon.
I realised that he's seeking help not for justice but because he's lost. Nag dalawang isip tuloy ako kagabi kung tutulungan ko ba siya o hindi.
Pero kung siya nga nangangapa, pano pa akong di naman siya kilala?
No, isip ka muna isang oras Xion. Wag ka papadala sa awa mo. I need distraction, coffee will work.
Lumabas ako ng school mag isa, may vacant naman kami na 3 hours. Sa isang malapit na coffee shop ako nag diretso para doon libangin ang sarili ko.
Nakatulala lang ako sa hangin, sa halip na ma distract ako parang nakakapag focus pa akong isipin ang problema ng mga multo dahil sa tahimik na paligid.
Napahinga ako ng malalim pagtapos kong ihilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Na f-frustrate ako.
He's lost..
Napapikit ako sandali at sa pagmulat ko natatawang mukha ni Gabriel ang sumalubong sakin. Hawak hawak niya ang order niyang kape at pastries.
“Isang multo lang yon pero parang mababaliw ka na? O baka iba na yan?” Natatawang sabi niya habang inaayos sa lamesa ang pagkain niya bago umupo.
“I don't know. I am confused,” sumimangot ako ng bahagya bago ininom ang frappe ko.
Tahimik lang siya at parang di na interesado. Inubos ko na lang din ang iniinom tsaka nag paalam sa kaniya na mauuna ako pabalik sa school. I need to meet the Vcr para kuhain ang attendance ngayong araw.
“Here, pati itong kahapon. Gusto mo ba ako na magdala sa prof natin?” Ngumiti ako saka umiling.
“Hindi na, thank you Hannah,” nag paalam ako tsaka dumiretso sa office ng prof namin sa kabilang building.
Pag labas ko sa office, malamig na hangin ang dumaloy sa batok ko at isang mapanindig balahibong bulong.
“Human, please..” napatakip at napahimas ako ng batok para painitin yon. Sinamaan ko ng tingin si Adi saka nag patuloy sa pag lalakad.
“Bakit ba di mo ako tulungan? Di naman mabigat hinihiling ko,” lumingon lingon ako at ng mapansin may ibang tao ay inangat ko ang cellphone ko sa tenga at nag kunwaring may kausap.
“Kung hindi mabigat, sige nga, ba’t kailangan mo ng tulong?” Naiinis na tanong ko.
“Kase ayoko na dito? Confused ako? Di ko din talaga alam..” naging malungkot ang tono niya sa huling sinabi niya. At eto na naman ako, naaawa na hindi.
‘Xion alalahanin mo muntik ka na mamatay dati dahil sa awa mo'
“Sumunod ka lang sakin. Wag ka na mag salita, kailangan ko mag isip.” Mahinahong sabi ko saka nag tungo sa hagdan at naparoon sa rooftop.
“Dito tayo mag usap,” ani ko matapos tingan ang bawat sulok ng rooftop kung may ibang tao.
“Sasagutin ko ang tanong mo kanina,” mahinahon pero madiing sabi ko sa kaniya.
“Una, kung ikaw mismo hindi mo alam kung bakit kailangan mo ng tulong e ba’t kita tutulungan diba?”
“Pangalawa,I have my own life, my own problems. I can’t deal with yours too.” sinabi ko lahat iyon habang nakatingin sa mga mata niya na ngayon ay tila nabahiran ng lungkot.
“But I have no one else..” mahinang sagot niya. “I’m stuck here, and you’re the only one who can see me,” dagdag pa niya na tila tumusok sa puso ko. Lalaki ako pero ba’t ba napakahina ko sa mga ganito?