FOUR.2

755 Words
“Ba’t late ka na umuwi kanina?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa phone. Dumiretso naman ako sa kitchen area para kumuha ng pagkain. “Eh, pinag isipan ko yung sinabi mo kahapon e. I'll help him anyway,” sabi ko. “Bat di ka pala umuwi? Bukas pa?” Agad ulit na tanong ko ng maalalang 3 days kami walang pasok simula bukas. Tumango ito bagaman titig na titig sa bawat kilos ko kaya naman napakunot ang noo ko bago umupo sa katapat na upuan niya. “Bakit?” “You'll help him? Mabait ba? Baka may maitulong din ako,” Tutulong siya? E napaka duwag nga nito e. Pero why not? Feel ko hindi ko din talaga to kakayanin mag isa. “Sure,” maikling sagot ko. Hindi ko na nasagot ang ibang tanong niya dahil kumain na ako. “Ano ba ang kelangan mo?” Nakatingin na ulit siya sa phone niya ng itanong niya iyon. “Info about him. Di niya alam identity niya e, di rin naman ako creative or artistic para i-draw ang mukha niya.” Seryosong sabi ko. “Si Hans, magaling yon. Describe mo lang sa kaniya itsura nung multo hanggang makuha niya. Kahit ba pangalan wala din talaga?” Inubos ko muna ang nginunguyang pagkain bago sumagot. “Wala at ayaw ko lumapit kay Hans. Alam mong sinabihan ako non ng baliw nung nag kwento ako sa kaniya,” naiinis na sabi ko ng maalala ang isa naming kaibigan sa kabilang program. “E anong balak mo?” This time binaba na niya ang phone at tumingin sakin. “May mga post naman siguro ng pamamaalam tungkol sa kaniya? Pero feel ko kase buhay siya e, like na coma lang ganon. At kung ganon nga ang nangyari, possible may mga post na humihingi ng donation for him.” Mahabang sabi ko. Kumunot naman ang noo niya na ani mo'y duda. “E paano kung mayaman pala? Tas patay na pala tas di lang makatawid sa kabilang buhay kase may need pa tapusin dito?” Bagaman natatawa siya ay napaisip ako. Based sa itsura ni Adi, mababakas mong galing nga sa mayamang pamilya. Lalaki din ako, oo. Pero na appareciate ko yung ibang lalaki na iba din talaga ang taglay na kapogian. Sa itsura ni Adi, walang panget na mababakas sa kaniya. “Gusto mo lumabas?” Kumunot ang noo ko sa suhestyon niya. “Gabing gabi na,” pag tutol ko. “Saglit lang naman. Diyan lang tayo sa convenience store, gusto ko mag ice cream.” bagaman tutol ako ay sumama ako. At sa paglabas namin, gusto ko na agad siya kaltukan. Sa convenience store daw e nasa lugawan na kami. Kakakain ko pa man din. Pagtapos namin sa lugawan, don na talaga kami dumiretso sa convenience store. Nag paiwan na ako sa labas dahil feel ko pag na aircon-nan ako, di ko na alam mangyayari talaga. Pero habang nag hihintay sa labas, may napansin akong pamilyar na mukha. 'Adi?’ Matagal akong napatitig sa missing poster na nakapaskil sa isa sa mga poste doon. Ralph Luna.. Missing? Anong missing? Panong ganon? So, patay na nga siya? Nanlamig ang katawan ko sa naisip. Bagaman may hawig lang si Adi or possible si Adi nga? Di ko na alam! Naguguluhan ako sa sarili kong naiisip. “Pre oh, libre ko na.” Hindi ko magawang alisin ang mata ko sa litrato na nasa poster. Hindi ko mawari kung si Adi dahil parang hawig lamang. “Ano nyare sayo? Kilala mo?” Pagtukoy ni Gab sa poster ng mapansing hindi nawawaglit ang tingin ko doon. Naalis lamang ang atensyon ko doon ng iaro sa mukha ko ang isa pang ice cream na hawak niya. Kinuha ko iyon bago sinabi ang nasa isip ko. “Pre, yung nasa missing poster kamukha ni Adi..” bagaman humina ang boses ko ay alam kong sapat na para marinig niya. Lumingon siya saakin na may pagtataka sa.mukha at nilapitan din ang poster. “Eto si Adi?!” Mahina din ang boses niya pero bakas ang gulat doon. Parang ang oa naman? “Kilala mo?” “Dude, siya yung nanalo na Mr. University this year.” Nakakapagtaka na wala na talaga ako nalalaman sa pangyayari sa school. “It's quite a controversy nung nawala siya 3 weeks ago,” “Nawala..” Yon ang naging usapan namin hanggang sa pag uwi. 4 am na ako halos nakatulog, walang cellphone, walang kausap, I’m just there staring at the ceiling. Late .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD