Nagpaalam na ako kay Gab at agad na nagpunta sa school library. Maybe I can start there? Naaalala ko ang sinabi niya kahapon na kapag lumagpas siya sa barrier, bumabalik siya sa library. Maybe that is his respawn point? Or where he died? I am certain that he’s dead.
Imposibleng coma ghost lang siya lalo na’t nawawala siya. Bukod doon, three weeks na siyang nawawala—being alive is just…
impossible.
Pagdating ko sa library, nagtungo ako sa usual spot niya. Sa second floor. As expected, iilan ang tao. I can just hide sa mga shelves. Hindi ko pa naibababa ang bag ko sa PB area ay naramdaman ko na siya.
“Hello…” Tiningnan ko muna ang paligid bago sumagot.
“I have good and bad news. Ano gusto mo?” Tanong ko at sininyasan siyang sumunod lang.
Pumunta ako sa sulok kung saan malayo sa entrance at napapalibutan ng shelves. Bihira ang tao sa area na ‘to dahil puro encyclopedia.
“Bad muna para ma-mend siya ng good,” nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sudden pain sa tiyan ko, pero bigla rin itong nawala. The heck.
“I think you’re dead.” Nawala agad ang ngiti niya. Nakatingin lang siya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin dahil medyo mabigat din ang pag-deliver ko ng mga iyon. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya muli akong napalingon.
“Why state the obvious? Haha. So ano ang good news?” Ang hirap niya basahin dahil sa mga oras na ‘to, malilinlang ka talaga na genuine ang mga ngiti niya.
“I found your family kanina lang. Nakausap ko sila. You’re marked as a missing person, and that started three weeks ago.”
“…”
“Hindi ko alam paano magsisimula pero I have a plan. Diba nabanggit mo na sa tuwing lalagpas ka sa barrier ay bumabalik ka dito?” Tumango naman ito.
“Maybe because this is your respawn point. I mean, respawn is not the right term, pero baka kasi dito ka unang nawala?” pag-explain ko pa.
“That could be true…” I sensed hesitations after he said that. As if he’s hiding something.
“I can’t help you if you hide too much, you know,” seryoso kong saad. Napatingin siya agad sa akin. Seryoso ang mukha niya, hindi na ang usual na mapagbirong expression ang naroon. Napailing siya, tila tinitimbang kung sasabihin ba niya ang dapat niyang sabihin.
“Xion…”
“…”
“What?”
“That’s the only thing I remember. Nahulog ako sa hagdan because someone pushed me. Pero malabo lahat. Yung pagkahulog lang ang naalala ko, at nakita ko na lang ang katawan ko…”
“Saan!?” agresibo kong tanong.
“No, it’s not what you think. Nakita ko ang katawan ko na binubuhat ng hindi ko maaninag. Parang newborns, malabo ang mata, blurry lahat,” malungkot niyang saad.
“Pero saan nangyari ‘yon?”
Hindi na siya nagsalita. Sa halip, sumenyas siya na sundan ko siya. Lumabas kami sa hallway ng second floor hanggang sa mapunta kami sa emergency exit. Masyadong eerie ang vibe sa area na iyon to the point na kinikilabutan ako.
“Hi, Adi!”
Nanlamig ang katawan ko nang mapagtanto na napakaraming multo ang nandoon. Pinalibutan nila si Adi, pati na rin ako. Ramdam ko ang pag-ikot ng paligid at ang pagbaligtad ng sikmura ko.
No… this can’t be…
I need to leave…
Before Xion could take a step to leave, he collapsed.
The ghosts fell silent. Panic flashed across Adi’s face as he tried to touch Xion, but his hand only passed through his body.
One of the ghosts, Michael, clicked his tongue and quickly took action. Using his ability to possess the living, he took control of the librarian on that floor and led her to the emergency exit, where Xion lay unconscious. After guiding her there, he left her body.
The librarian, confused at first, quickly noticed the blood at the back of Xion’s head. Panic set in as she called for help and had him rushed to the infirmary.
Adi felt a wave of relief but it was quickly replaced by worry. Whatever had happened, he didn’t understand it. Still, he pushed those thoughts aside.
Right now, he was more worried about Xion.