TWO

614 Words
Maayos ang naging takbo ng umaga ko. Winaglit ko na rin sa isipan ko ang bangungot ko kagabi. Hindi na rin naman i-n-open ni Gab ang tungkol don. Pagtapos ng first class namin ay nag message sa gc namin ang prof namin sa ginanap na exhibit kahapon para daw i-retrieve ang mga gamit na naiwan don. Hesitant pa ako at dapat i-utos ko na lang sa mga kaklase ko since nagawa ko naman na ang part ko pero nahihiya pa rin ako. Kahit may pag aalinlangan ay nagtungo ako don para tumulong. Natapos na lang kami pero wala akong multong nakita na siya namang nagpagaan ng loob ko. “Ano, okay ka lang?” Bulong ni Gab habang papalabas kami sa Assembly Hall. “Hmm, wala naman siya doon,” mahina ko ding bulong. Nag pasya kami na wag na mag lunch at mag diretso na lang sa library para mag review dahil nawalan kami ng oras para sa pag re-ready ng exhibit. Wala pa ngang kalahating oras ang dumadaan na nasa library kami ay ramdam ko na ang pagbagsak ng talukap ko na pinagbigyan ko kaagad. Pero halos mapasigaw ako at mapatalon sa upuan ko dahil sa pag tunghay ko ay mukha ng lalaking multo ang bumungad saakin. Kagaya ko ay may gulat na ekspresyon din ito. 'Shit.Shit.Shit. No, kalma Xion. Iwas lang ng tingin' Inayos ko ang posture ko at napalingon kay Gab na ngayon ay tulog talaga. “Sabi ko na nakikita mo ako e.” Napapikit ako sa mapang asar na tono ng multo habang nakatigil lamang ito sa harap ko. Hindi naman nakakatakot ang itsura niya. Pero ang ideya na mukha siyang taong tao ang nakakatakot. Nag panggap akong wala pa ring nakikita kahit sobrang obvious na. Itinuon ko ang atensyon sa mga reviewer ko pero mag sa sampung minuto na ata pero wala akong naintindihan man lang sa mga binasa ko. “Nakikita mo ako. Aminin mo na kase.” At pang ilang beses niya na ba sinabe yan simula kanina? Rinding rindi na ako. Hindi ko naman magising si Gabriel dahil pumapasok lang naman talaga yan para dito bawiin ang puyat niya. Tatagan mo lang loob mo, Xion. Nang hindi ko na makayanan ang presensya niya ay inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Walang tao maliban samin ni Gab at ng librarian sa di kalayuan. Marahas kong ibinaling ang paningin ko sa multong nasa harap saka siya tinitigan ng diretsong diretso. “Masaya ka na?” Mariin kong bulong. Sinadya kong mabakas sa boses ko ang gigil. Ngumiti ito na ani mo'y nanalo. “Ikaw ang unang tao ko.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibig niyang bang sabihin ay ako ang unang nakakita sa kaniya o ako ang unang ininis niya? “Wala akong pake. Now that you confirmed, pwedeng layuan mo na ako?” Bakas pa rin ang inis sa tono ko kahit sobrang hina ng pag kakasabi ko ngunit dahil sobrang tahimik ng paligid ay malakas pa rin iyon. Nilingon ko si Gab ng gumalaw ito ngunit nag patuloy sa pag tulog. “Nope. Now that I confirmed, you need to help me.” And that's it. Nag panggap akong walang narinig at wala ulit nakikita. This is why I hate this ability of mine. Pag nalaman nilang nakikita ko sila e wala ng ibang hiningi kundi tulong ko. Bakit? Mabubuhay ba sila pag tinulungan ko sila? May magbabago ba? Sinamaan ko siya ng tingin bago ginising si Gab. Mahaba pa naman ang vacant namin pero this time nakaramdam na din ako ng gutom. At kagaya kahapon ay di talaga ako nilubayan nung multo. Hanggang sa foodcourt e nakasunod siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD