Kabanata 7

1665 Words

Kung kailan halos padaong na ang Lantsa nga Sto. Niño ay saka pa ito nameligro nang husto. Magaslaw ang agos ng tubig ng ilog. At dahil sa pamumuo ng isang uliuli na tila palaki nang palaki sa mismong ilalim ng kahabaan ng Haguhit zipline, patuloy nitong hinihigop papalayo ng pantalan ang sasakyang pantubig na minamaniobra ng matandang pari. Walang sinumang makapagsasabing walang kasanayan, kalakasan o kakayahan si Padre Aquino sa pagtitimon ng isang sasakyang pantubig. Laking-dagat siya. Isang mangingisda ang kaniyang ama at isang guro naman ang ina. Noong binatilyo pa lamang ang pari ay minsan siyang isinama ng ama sa kanilang bangka hindi upang mangisda, kundi upang mamiyesta sa kabilang pulo ng Culion. Pagdating sa Culion ay agad sila binati ng tagay ng tuba ng mga kumpare ng ama. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD