Chapter 21

1590 Words

“Bakit ngayon ka lang?”   Madilim na mukha ni Sean ang sumalubong kay Dona. Napatingin sya sa relong pambisig para lang mapangiwi nang mapagtanto nyang alas-onse na ng gabi.   “Ano --”   “Alam mo bang ang tagal naghintay ng tatay mo. Maaga pa pasok nya bukas kaya umalis na kaninang alas-diyes. Ipinapaabot nya sa'yo ito.”   Kinuha ni Dona ang sobre at nagulat sya na pera ang laman niyon. “Pera? Anong gagawin ko rito?”   “Pang‑gastos mo raw. Saan ka ba kasi galing?” matabang na tanong ni Sean. Mukhang bad trip na ito mula pa nang dumating sya.   Napisil ni Dona nang di oras ang kanyang sentido. Kapag naiisip nya ang dahilan ng late na pag‑uwi nya ay nanggigigil ang kaliit-liitang ugat sa kanyang utak. Dahil lang naman sa haliparot na kapatid ni Sean kaya sya inabot ng hating gab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD