“ARE YOU sure you’re okay?” Pangatlong tanong na yata ni Lia kay Michael iyon sa tatlong beses din nap ag-uusap nila sa phone. Nakauwi na sila galing sa Farm, halos isang linggo na ang nakakalipas. Makaraan lang ang isang araw ay pumasok na ito sa trabaho. Kahit alam niyang hindi pa ito maayos, emotionally, hindi na pinigilan ni Lia ang asawa. She knows that’s what her husband needs. To make him busy and occupy his mind with something else. Dahil sa tuwing naiisip nito si Billy ay nabubuhay ang galit nito sa pinsan. “Schatz, I’m okay. You worry too much,” kalmadong sagot nito sa kabilang linya. “Masisisi mo ba ako?” Marahan itong tumawa. “Look, I’m trying, okay? Saka kahit paano nalilibang ako dito sa opisina dahil natambakan ako ng trabaho.” “Sige, just call me if you need anyth

