SA BAWAT hakbang ni Lia ay abot-langit ang kabang nararamdaman niya. Paglabas pa lang niya ng elevator, ilang segundo pa lang ang nakakalipas, ay tumambad na sa kanya ang madilim at abandonadong palapag na iyon ng gusali. Natatandaan niya na muntik nang magkaroon ng sunog sa parteng iyon ng gusali matapos ang electrical faulty wiring noong panahon na sa Paris sila, kaya in-evacuate ang mga empleyado at nilipat ng ibang opisina at kasalukuyan iyon under maintenance. Nawala sa isip ni Lia na posibleng magtago doon sa gusaling iyon si Billy. After all, he’s still a Lopez. May access pa rin ito doon sa gusali. Ang duda niya ay nang umalis ito nang gabi na mamatay si Lola Martha ay agad itong lumawas ng Maynila at doon nagtago. Kaya hindi ito mahanap ng mga pulis. “Michael!” sigaw niya. P

