HINDI dapat siya nasasaktan. Hindi dapat siya nakakaramdam ng selos, dahil nangyari ang lahat nang iyon noong hiwalay na sila. Pero hindi magawang pigilan ni Lia ang sarili matapos ang rebelasyon ni Michael tungkol sa naging relasyon nito kay Imee. Ang babaeng nakasabay niya sa elevator noong isang beses na magpunta siya sa opisina nito. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ito makatingin sa kanya. “Schatz,” usal ni Michael. Natakpan ni Lia ang mukha at doon umiyak. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ni Michael. “Huy, ‘wag ka nang umiyak,” pag-aalo nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama, sabay kurot sa tagiliran nito. “Aray!” malakas na hiyaw nito. “’Wag umiyak?! Pagkatapos mo akong pagbint

