Habang nasa elevator, pasimpleng inabot sa kanya ni Lani ang phone nito at may pinakitang message. It’s from Imee. Nakalimang text message ito sa kanyang Sekretarya, nangungulit at nakikiusap na gusto siya nitong makausap. “Schatz, mauna ka na sa loob, may sasabihin lang ako kay Lani,” sabo pa niya kay Lia. “Sure.” Nang makapasok ito sa pribado niyang opisina saka niya hinarap ang Sekretarya. “Sir, ayaw tumigil eh.” Nang tingnan niya ang phone ay tadtad iyon ng missed calls galing sa babae. Huminga ng malalim si Michael at nag-isip kung paano mapapatigil si Imee sa pangungulit nito. Kung sinunod lang sana ng babae ang usapan nila na wala dapat romantic at emotional attachment, hindi siya mamomroblema ng ganoon. It would’ve been

