“HOW is she, Doc?” tanong ni Michael matapos nitong suruin si Lola Martha. “Huwag kayong mag-alala, dala marahil ng sobrang galit at stress kaya nawalan siya ng malay at tumaas ang blood pressure niya. Basta ituloy n’yo lang ang pagpapa-inom ng gamot na una kong nireseta sa kanya. And make sure to keep her out from stress, okay? Matanda na si Donya Martha, mahina na rin ang kanyang puso, hindi malayong atakehin siya sa susunod na ma-stress siya ng husto.” Napalingon si Lia sa asawa ng huminga ito ng malalim. Bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala, ngunit sa kabila niyon ay pinilit nitong ngumiti sa doctor. “Salamat, Doc.” “Call me again, if you need anything or you have questions.” “Yes, thank you.” Nang makaalis an

