“MABABA ang blood pressure at namumutla siya, mukhang anemic ang asawa ninyo, bunga na rin siguro ng labis na stress at takot sa mga nangyari kaya siya nawalan ng malay,” paliwanag ng doctor. “Eh ‘yong baby po namin, doc? Kumusta?” puno pa rin ng pag-aalala na tanong ni Michael. “The baby is safe, so you have nothing to worry about. Sa ngayon, kailangan ni Lia ng kumpletong pahinga.” Marahan tumango si Michael matapos makahinga ng maluwag. “Thank you so much, Doc.” Nang umalis ang doctor ay saka bumalik sa loob ng private hospital room si Michael kung saan naroon si Musika at Hiraya. Nang mawalan ng malay si Lia, agad tumawag ang mga kasambahay niya ng ambulansiya. Doon na siya dumiretso sa ospital matapos ang mabilis na rumespond

