“WOW, I love the shades, even the lippies are beautiful,” humahanga na puri ni Lia sa mga make-up shades. Inaprubahan na ito ng mga big boss at tanging approval na lang niya ang hinihintay. “I’m okay with everything.” “Puwede na ba natin i-schedule ang photo at commercial shoot as soon as possible?” tanong ng brand manager. “Sure, you can talk to Sofie about my schedule. Pero nasabi na ba niya sa inyo ang sitwasyon ko?” “Ah yes, she told us your pregnant. Pero huwag kang mag-alala, itong mukha mo lang naman ang kukunan natin, or maybe at least hanggang shoulders.” “Sounds great, wala naman palang magiging problema.” “Thanks, Lia. As always, ang gaan mo talaga ka-trabaho. Siguradong sold out na naman itong make-up line

