Chapter 18

1811 Words

     NANG gabing iyon ay maaga silang natapos mag-dinner, pagkatapos ay hinarap nila ang kanya-kanyang trabaho. Naroon sila pareho sa sala at kapwa kaharap ang mga laptops nila. Si Michael ay nakaupo sa sofa habang tinatapos ang inuwi nitong paperworks, si Lia naman ay nakasalampak ng upo sa carpet at tinitingnan ang mga pictures niya na pinadala sa kanyang email ng Silhouette na ilalagay ng mga ito sa website.          Habang may binabasa itong report sa screen ng laptop. Nariyan bigla nitong kukunin ang kamay niya at hahawakan lang nito. Bibitiwan lang siya ni Michael kapag may ita-type ito pagkatapos ay kukunin ulit ang kamay niya. Kung may isang ugali na hindi nagbago sa lalaki iyon ang pagiging sweet nito. Mayamaya ay kinuha niya ang phone at dinaial ang numero ni Maddieson.      

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD