PAGKATAPOS marinig ni Ian Paulo ang mga gusto niyang marinig ay pinagmasdan niya si Senyor Franco. Napakalaki na ng pinagbago sa itsura nito. Ang dating mala martial law kung mag parusa at mala-heneral kung mag mando at magsalita sa mga trabahador noon ay parang maamong tupa sa harap niya ngayon at nagmamakaawa. Gustong-gusto niya sanang magpakilala rito at ipamukha lahat ng galit na meron siya ngunit pinigilan niya ang sarili dahil para sa kanya hindi pa ito ang oras ng paniningil nagsisimula pa lang siya alamin ang kahinaan nito na siyang gagamitin niya sa takdang panahon.
"You're also losing your other business?" tanong ulit ni Ian Paulo.
"Ye...yes I...I am," malungkot na sagot ni Senyor Franco.
"Sorry to hear that, anyway you still have three months. We never know baka sa loob ng tatlong buwan makabawi ka pa," saad ni Ian Paulo.
"Pero hindi ba pwedeng humingi ng mas mahabang panahon?" tanong ulit ni Senyor Franco.
"I'll see you after three months and by then we'll see what I can do to help you."
"Is there a hope that you will grant my request?" tanong ulit ni Senyor Franco na naghihintay ng siguradong sagot.
"As I've said we will see but I don't want to promise anything, you know how business goes," sagot ni Ian Paulo.
"Ahhh.. I understand."
"If you want, I can give you more capital so you could try to save your business," kaswal na alok ni Ian Paulo.
"What?" gulat na nasambit ni Senyor Franco at tumingala kay Ian Paulo.
"Yes, I understand you want to save your properties. The money that I will give to you is not included for what you owe in this bank it's my personal money I'm going to release for you just consider it as a help," saad ni Ian Paulo, balewala sa kanya ang magbitaw ng malaking halaga kung maipaparamdam naman niya kay Senyor Franco ang pakiramdam ng wala at nangangailangan. Gusto niyang maawa ito sa sarili niya at malubog ng hindi lang utang financial kundi pati utang na loob.
"Help as in like you're doing a charity?" tanong ni Senyor Franco.
"If that's how you look at it."
Sandaling natigilan si Senyor Franco at nag-isip kung kaya ba niyang lunukin ang pride at tanggapin na para na siyang charitable case kung iturin.
"That's very degrading," saad ni Senyor Franco.
"If that's how you feel I'm sorry but for me I help those who need my help that's it," saad ulit ni Ian Paulo ngunit titig na titig kay Senyor Franco.
"No, I cannot accept it. Thank you anyway," pagtanggi ni Senyor Franco.
"Well, it's your choice."
"I have to go. I come back here after three months at sisiguraduhin kong dala ko ang perang pantubos sa buong hacienda at mansion ko. Kahit kailan hindi ako manlilimos ng tulong o awa kahit kanino," pagmamataas ni Senyor Franco at lumabas sa opisina si Ian Paulo.
Naiwan si Ian Paulo na magkahalo ang emosyon nandoon ang galit ngunit nakaramdam din siya ng awa siguro dahil hindi siya masamang tao. Ang kagustuhan niyang makaganti ay hindi dahil magiging masaya siya kung makita niyang miserable ang buhay ng taong nagpahirap sa kanila noon kundi gusto niyang bigyan ng leksyon ang mga ito.
Agad naman na sinalubong ni Georgina ang ama pagdating nito.
"How's everything Dad?"
"Not good iha," sagot ni Senyor Franco na naglalakad papunta sa garden malapit sa swimming pool kung saan may mga ganden sets na table and chairs.
Sumunod naman si Georgina. Alam niyang sadyang ayaw iparinig ni Senyor Franco sa Mommy niya ang pag-uusapan nila.
"Why Dad? Anong pinag-usapan niyo ng Mr. Montreal na yun?" tanong ulit ni Georgina sa ama.
"Ang mayabang na yun inalok ako ng pera tulong lang daw niya sa akin na parang gustong iparamdam sa akin na isa akong charity," pagsusumbong ni Senyor Franco sa anak.
"What do you mean Dad?"
"Pagkarating ko doon sa opisina niya hawak-hawak na niya lahat ng papeles regarding sa loan ko pati titulo nitong buong hacienda at mansion at pinaalaala niya sa akin na may tatlong buwan nalang tayong natitira bago tuluyang mailit ng bangko itong property. Ang mayabang na yun pagkatapos kong sabihin sa kanya kung gaano kahalaga sa akin itong hacienda at nakiusap ako na kung pwede bigyan niya ako ng mas mahabang panahon ay imbis na pagbigyan ako ay inalok ako ng tulong sa paraang gusto niya akong maawa sa sarili ko," kwento ni Senyor Franco sa anak.
"What?" nasambit ni Georgina na alam na niya kung bakit ginawa yun ni Ian Paulo gusto nitong iparamdam sa Daddy niya kung gaano siya kayaman para iturin na tulong lang ang milyon-milyon na ibibigay sa kanila kung sakali.
"Iha, parang familiar sa akin ang mukha ng Mr. Montreal na yun hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita," saad ni Senyor Franco.
"Kilala niya tayo Dad at kilala ko rin siya. Si Sean Paul Montreal at Ian Paulo Monte Alto ay iisa," pagtatapat ni Georgina sa ama.
"Ian Paulo Monte Alto ang isa sa mga anak nila Matteo at Esperanza na dati nating tauhan?" tanong ni Senyor Franco.
"Yes Dad, siya ang kapatid ng bilyonaryo na si Matthew Forteza na nagmamay-ari sa Villa Esperanza dito sa Davao at Gold Leaf Mall, Gold Leaf Hotel and Resorts sa iba't ibang probinsya at Metro Manila," pagbabalita ni Georgina sa ama.
"Now I understand kung bakit gusto niyang ipamukha sa akin ang pera niya," galit na saad ni Senyor Franco.
"May kutob akong balak niya tayong gantihan Dad," saad ni Georgina sa ama.
"Paano mo nasabi at bakit parang kilalang-kilala mo siya?" nagtataka na tanong no Senyor Franco.
"Nagkita kami sa batis nung isang araw Dad, doon niya sinabi sa akin na pagbabayaran natin ng mahal ang lahat ng pagmamaltrato niyo sa kanila noon," kwento ni Georgina.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Di sana hindi ako nagsayang ng oras pumunta at makiusap sa mayabang na yun!" galit na saad ni Senyor Franco.
"I'm sorry Dad, pero akala ko may magandang mangyayari sa lakad mo," sagot ni Georgina.
"Iha,hindi ako papayag na mapunta sa mayabang na yun itong hacienda at mansion! Tulungan mo ako please iha," pagmamakaawa ni Senyor Franco sa anak.
"Yes Dad, gagawa ako ng paraan kahit ano basta hindi tuluyang mapunta sa kamay niya itong hacienda," pangakong saad ni Georgina.
"May tatlong buwan nalang tayo iha, sana maisalba pa natin ito."
"Bukas na bukas din ay babalik na ako sa Maynila Dad, doon mas may pagkakataon akong makagawa ng paraan kesa dito," pagpapaalam ni Georgina.
“Do what you need to do to save our property, iha. I’m counting on you!”
“I will, Dad!” pangako ni Georgina sa ama.
KINABUKASAN ay bumalik na si Georgina sa Maynila. Napaka ikli ng tatlong buwan para kumita ng pera na kasing laki ng halaga na kailangan nila pero handa siyang gawin ang lahat kahit mag kayod-kalabaw pa siya para lang makaipon.
Pagkarating sa condo niya sa Quezon, City ay kaagad siyang naligo at nagpahinga para makapag-isip hanggang sa nakatulog siya gabi na ng magising siya dahil nagring ang cellphone niya.
"Oh Nelsa napatawag ka," bungad niya sa personal secretary niya.
"Maam Geo, naibook ko na po ang mga schedules niyo for this week at lahat po ay mula sa mga sikat na fashion designers ng bansa at kayo po ang finale," pagbabalita ng secretary niya.
"Ahh okay Nelsa thank you. Tell them that all the payments will go directly to my bank accounts," utos niya sa secretary niya.
Twenty-four years old siya ng makakuha ng titulo bilang Beauty Queen mula sa isang prestigious and grandest beauty pageant na kalahok ay iba't ibang naggagandahang dilag mula sa buong mundo kaya mula noon ay naging sikat siya at pinag aagawan na makuha bilang endorser ng iba't ibang products mula sa clothing, accessories,designer bags and shoes hanggang beauty products kaya kaliwat kanan ang mga projects niya.
Sanay siyang ngumiti at kumaway sa mga tao sa harap ng camera at magpanggap na role model siya ngunit tulad ng mga nakaraang title holders sikat lang sila ng mga dalawa hanggang tatlong taon at madali nang makalimutan ng tao kaya nagsimula siyang mag freelancer at mag focus sa pag momodelo at nagtayo ng sariling training center para sa mga beauty aspirants. Sa loob ng halos anim na taon ay nabuhay siya sa Maynila naaayon sa kung paano niya gustong mamuhay. Malayo sa mga magulang na nasa Davao.
Kahit medyo millennial type siya ay mahigpit ang pag-iingat niya sa sarili. Napakataas din ng standards niya pagdating sa mga manliligaw kaya walang pumapasa. Puro hanggang dinner dates lang isa,dalawang beses tapos wala na basted na kaagad madalas niyang sinasabi na "first date is a try,second one is a mistake" hindi na rin bago sa kanya ang iba't ibang indecent proposals mula sa mga kilalang personalidad at mga dirty and wealthy old men na inaalok siya ng hindi birong laki ng halaga maikama lang ngunit wala siyang pinatulan ni isa sa mga ito.
"Ohh Geo, thank you so much talagang wala ka paring kupas ikaw parin ang pambansang finale sa mga fashion shows and daming taong pumunta at inaabangan kang makita sa catwalk," saad ng isang sikat na Filipino Fashion designer na nag organize sa fashion show.
"Thank you din Mader at hindi kayo nagsasawang kunin ako," pasasalamat naman ni Georgina.
"You still have a long way to come iha, aba ay wala paring kaming makitang susunod sa yapak mo hanggang ngayon and in fairness Geo, hindi kumukupas ang kagandahan mo at pangangatawan siguro dahil hanggang ngayon ay dalagang-dalaga ka parin," pagpuri nito sa kanya.
"Thank you for your compliments Mader pero hanggang ngayon wala ako natitipuhan sa mga nanliligaw sa akin kaya ganun," sagot naman niya.
"Aba eh, huwag sobrang taas ang standards mo iha baka mamaya eh lumampas kana sa kalendaryo ng hindi pa natitikman ang langit at hindi mo namamalayan paglipasan ka ng panahon at tumandang dalaga ka, hehe ikaw din magsisisi ka hindi mo matikman at maenjoy ang kakaibang luto ng Diyos," payo ng designer sabay halakhak palibhasa ay isa itong bading at kung magpalit ng jowa ay ganun na lang kadali dahil mapera.
Natawa naman si Georgina ngunit bahagyang natulala at napaisip, oo nga at thirty years old na siya kung tutuusin eh next birthday niya ay lagpas na siya sa kalendaryo.
"Hayaan mo mader at pag-iisipan ko kung sino sa mga manliligaw ko ang sasagutin ko para matikman ko na ang sinasabi mong espesyal na luto ng Dios," nakangiting saad niya.
Nagtatawanan naman silang mga nandoon sa backstage at lahat ay nag-aayos ng kanya-kanyang gamit para umuwi. Naging mabilis ang paglipas ng mga araw at halos walang pahinga si Georgina sa pagtatrabaho hangang natapos ang isang buwan.
"Malaki na ang naiipon ko ngunit ni mangalahati sa halaga ng pera na kailangan namin ng Daddy ko ay hindi ko pa rin magawa nauubusan na ako ng panahon," kausap ni Georgina sa sarili niya habang hawak-hawak ang bank book niya saka tinawagan ang secretary niya.
"Nelsa, how's my schedule for the following weeks?" tanong niya.
"Ganun pa rin po ma'am fully booked kayo," sagot naman ng secretary niya sa kabilang linya.
"Okay just accept any offers as long as the price is right," bilin niya.
"Okay ma'am I will," sagot nito sa kanya.
Pinatay na niya ang cellphone niya at pabagsak na ihiniga ang sarili sa kama at totoo ay pagod na pagod na siya kahit siguro mapaltos na ang mga paa niya kaka fashion show sa runway ay hindi niya pa rin kayang kitain ang twenty billion na halaga ng pagkaka sanla ng hacienda nila at mansion sa bangko na pag-aari ni Ian Paulo. Ngayon niya iniisip ang lahat ng mga indecent proposals na mas madaling paraan para kumita ng pera. She really feel desperate kaya hindi niya maiiwasan mag isip ng ganyang klase ng paraan.
"Hayyyy kaya ko kaya ang ibaba ang sarili ko para maisalba ko lang ang hacienda at mansion namin, pati ang pangalan ni Daddy?" tanong niya sa sarili.
"Bahala na basta hindi ako papayag na mapunta ang lahat ng meron kami sa Ian Paulo na yun kahit ebenta ko ang kaluluwa ko kay satanas gagawin ko!" tiim-bagang na saad ni Georgina sa sarili ng maalala ang sitwasyon nila.
Buo na ang desisyon niya na mamili sa lahat ng mga nanliligaw sa kanya o kaya tanggapin ang isa sa mga indecent proposals sa kanya ng mga hindi nagpapakilala ng personal ngunit alam niyang puro bilyonaryo ng bansa.