Chapter 5

2771 Words
ARAW ng Lunes ay maagang gumising si Ian Paulo at naghahanda para sa unang araw ng pagpasok niya sa opisina bilang CEO at Chairman sa sariling kumpanya. Ito rin ang araw na nakatakda para sa pagkikita nila ni Senyor Franco Rodriguez. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nandoon yong excitement pero may halong kaba. Ang dating agila na kinatatakutan at tinitingala nila ay nakatakdang humarap sa kanya ngayong araw bilang kleyente at hindi lang basta kleyente kundi isang nalulugi at talunan na creditor sa bangko na pag-aari niya. "Hindi ko pinlano ang makasalamuha kayo ulit sa pagbabalik ko ngunit tila kapalaran mismo ang magtatagpo sa atin. Tao lang ako at nakakaramdam ng galit kahit anong pilit kong kalimutan ang mga ginawa niyo sa amin ay hindi ko magawa. Kung hindi sana kayo naging malupit at madamot eh di sana'y hindi kami naulila ng maaga ng mga kapatid ko kaya patawarin ako ng Diyos pero ipaparanas ko sa inyo ang hirap na dinanas namin noon!" nagngingitngit sa sa galit na saad ni Ian Paulo habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Siya ang madalas na kasama ng itay at inay niya noon magtrabaho sa hacienda Rodriguez dahil ang kuya Matthew niya ang madalas naiiwan para alagaan ang bunso nilang kapatid na si Dominic kaya siya ang saksi sa lahat ng paghihirap ng mga tunay na magulang sa hacienda. Tulad ng mga normal na patakaran sa mga hacienda laging hari at kinatatakutan ang mga may-ari, sila ang nananatiling nasa tuktok samantala ang mga trabahador ay mananatili sa mababa at madalas inilulubog sa utang ng sa ganun ay hindi ito makaalis sa poder ng mga amo habang napapakinabangan pa ngunit sa panahon na nagkasakit at hindi na kinaya magtrabaho ay basta na lang itataboy tulad ng ginawa sa mga magulang niya. Tandang-tanda niya pa ang lahat… "Matteo, Esperanza tila napapadalas yata ang pagliban niyo sa trabaho," bungad ni Senyor Franco sa mga magulang niya isang umaga habang nasa sagingan. "Pasensya na po Senyor, madalas po akong nakakaramdam ng panghihina at kawalan ng lakas para bumangon," pagpapaliwanag ng itay niya. "Sus katamaran lang yan! Ang sabihin mo nagdadahilan ka lang ng sa ganun hindi ka makapasok!" galit na saad ni Senyor Franco. "Naku Senyor hindi po, totoo pong madalas may sakit si Matteo nitong mga nakaraan di nga po minsan pumunta ako sa inyo para makahiram ng pera," sabat ng inay niya habang nasa likod siya nito at nakakapit sa daster na tila takot na takot. "Isa ka pa Esperanza kinokonsinte mo ang katamaran nitong asawa mo kaya ganyan wala kayong pag asenso sa buhay yang "masama ang pakiramdam" ay palusot lang yan ng mga taong ayaw magtrabaho at mga tamad! Hindi ako basta-basta naniniwala sa mga alibi niyo tumanda na ako dito sa Hacienda at alam ko na ang mga linyang ganyan," bulyaw ulit ni Senyor Franco sa mga magulang niya. "Pero Senyor…," nasambit na lang ng itay niya at hindi na nagawang sabihin ang gustong sabihin dahil bigla nalang itong napaluhod sa lupa at sumuka ng dugo. "Matteo! Matteo anong nangyayari sayo? Saklolo! saklolo…" sigaw ng inay niya habang pilit itinatayo ang itay niya at siya naman ay iyak ng iyak. Nagsi lapit man ang ibang mga tauhan para sumaklolo ngunit muling binulyawan ni Senyor Franco ang mga ito. "Magsibalik kayo sa trabaho!" utos ni Senyor Franco kaya walang nagawa ang mga trabahador kundi talikuran sila at bumalik sa mga ginagawa. "Senyor… Senyor… Maawa po kayo sa asawa ko dalhin po natin siya sa ospital. Huhuhu," pagmamakaawa ng inay niya. "Ospital? Bakit may pambayad kayo?" si Senyor Franco na tila walang pakialam. "Senyor, wala po kaming kapera-pera kaya maawa po kayo tulungan niyo po kami," panangis ulit ng inay niya habang nakaluhod at nagmamakaawa kay Senyor Franco. "Wala akong maitutulong sa inyo! Hindi ko kargo ang mga pampa ospital niyo kung kayo ay nagkakasakit dito sa hacienda ko kaya dapat may mga ipon kayo," bulyaw ulit ni Senyor Franco. "Pero Senyor, paano kami makakaipon kung hindi niyo naman kami pinasasahuran ng pera kundi puro bigas at kakarampot na mga groceries tapos lagi niyong sinasabi kesyo malaki pa ang utang namin sa inyo," pangangatwiran ng inay niya na tumayo na at buong tapang na sinalungat si Senyor Franco. "Aba at nanunumbat ka pa! Malaki ang utang na loob niyo sa akin dahil kung hindi ko kayo inalok ng trabaho dito sa Hacienda at pinatira ng libre eh di sana sa kalsada kayo nanirahan! Hala sige magsi-uwi nalang kayo at gawan mo ng paraan yang si Matteo na gumaling para makapag trabaho dahil kung hindi binibigyan ko lang kayo ng dalawang linggo at pwede na kayong umalis dito sa poder ko!" pagtataboy ni Senyor Franco sa kanila. Walang nagawa ang inay niya kundi akayin ang itay niya pauwi sa kubo nila mabuti na lang at huminto na ang pagsusuka ng dugo ng itay niya. Yun ang naging simula ng madalas na pagka ratay ng itay niya sa sakit at makalipas nga ang dalawang Linggo ay pinuntahan sila ni Senyor Franco sa kubo nila para tuluyan ng paalisin. "May dala akong bagong trabahador na uukopa nitong kubo niyo total wala na kayong pakinabang sa akin ay makakaalis na kayo!" matigas na saad ni Senyor Franco habang nakasakay sa kabayo at may kasamang bagong mag-anak. "Ano ho? Pinapaalis niyo na kami Senyor sa kalagayan ngayon ni Matteo?" ang inay niya at kita sa mukha ang sobrang pag-aalala. "Oo, at huwag ka nang maraming satsat Esperanza dahil sinabihan ko na kayo noon pa na kapag wala ng pakinabang sa akin ay hindi na rin pwedeng tumira dito sa hacienda ko. Kaya hala sige ngayon din ay magbalut-balot na kayo at humanap ng ibang tirahan. Napahagulgol ang inay niya sa kawalan ng pag-asa kahit ilang beses pa siguro itong lumuhod at magmakaawa ay tila bingi at bulag si Senyor Franco. Pilit naman bumangon ang itay niya at inalo ang asawa. "Tahan na Esperanza huwag ka nang mag aksaya ng luha para magmakaawa dahil sayang lang ang luha mo. Sige, kung iyon ang gusto niya aalis na tayo rito," pag-aalo ng itay niya sa inay niya. "Pero, Matteo… Saan tayo pupunta? Wala tayong mga kamag-anak dito na pwedeng malapitan," saad ng ina na patuloy sa pag-iyak. "Bahala na Esperanza ang mahalaga ay makalaya tayo sa mapang-abusong amo natin na yan. Ito na ang pagkakataon nating makaalis sa poder niya," pagbibigay pag-asa ng itay niya sa kanila. Narinig naman ni Senyor Franco ang sinabi ni Matteo. "At ako pa ngayon ang masama matapos ko kayong tinulungan! Hala sige umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis at ipadampot kayong mag-asawa madali kong sabihin na nagnakaw kayo at gawan ko kayo ng kasalanan alam niyong hawak ko ang awtoridad rito sa bayan na to," pagbabanta ni Senyor Franco. Sa takot ay dali-daling pinagbabalot ng kumot ng inay niya ang kakarampot nilang mga damit at konting gamit saka kinarga si Dominic habang silang dalawa ng kuya Matthew niya ang nag alalay sa itay nila. Puno ng hinanakit at kawalan ng pag-asa nilang nilisan ang hacienda. Ilang araw at gabi sila nag palipat-lipat ng matutuluyan sa mga silong ng tulay hanggang sa nakaisip ang itay niya na pumunta sa kagubatan doon sa lupang walang nag-aasikaso kaya masusukal ang damo. Doon sila nakapag tayo ng maliit na kubo at nagsimula ulit. "Mga anak ito na ang magiging tirahan natin mula ngayon at least dito malaya tayo," saad ng itay nila na pilit pinasisigla ang boses. Gawa sa dahon ng niyog at kawayan ang kubo nila at dahil sa sanay na silang mamuhay sa kahirapan ay hindi naging mahirap para sa kanila ang mamuhay sa gubat ngunit hindi nanumbalik ang dating lakas at liksi ng itay niya nakakagawa ito ng mga paunti-unting gawain ngunit madali rin iginugupo ng karamdaman at nakasanayan na nila ito. Mula noon nabuhay sila sa pamamagitan ng mga prutas at gulay na natatagpuan nila sa gubat. Mga ilang linggo rin hindi nasayaran ng kanin ang mga sikmura nila hanggang sa nagpasya ang inay niya na pumunta sa bayan at magbaka sakaling may magpalabada at hindi naman ito nabigo. "Matteo… mga anak, andito na ako. Tingnan niyo oh may dala akong bigas at ulam pati tinapay para sa inyo!" excited na tawag ng inay niya nasa malayo pa lang. Takbuhan naman silang tatlo ng mga kapatid niya para sumalubong sa ina. "Yehheyyy. Nandito na si Inay at may dalang tinapay!" sigaw nilang tatlo habang nag uunahan makahawak sa bitbit ng ina. "Oo, mga anak may mabait na ginang doon sa bayan at pinaglaba niya ako pagkatapos binigyan niya ako ng pera pambili ng pagkain," masayang pagbabalita ng inay nila habang papalapit sa kubo. "Itay oh, may dalang bigas at ulam si inay! Sa wakas makakakain na tayo ng kanin at ulam! Nagsawa na po kami sa saging at kamoteng kahoy inay," saad niya sa ina. "Hayaan mo anak mula ngayon madalas na kayong makakakain ng kanin at tinapay kasi ang sabi ng ginang eh regular na daw niya akong kukunin maglaba sa kanila," masayang wika ng inay niya. "Mga anak kapag gumaling na ako hayaan niyo at susubukan kong makahanap ng trabaho para makatulong sa inay niyo," saad naman ng itay nila. Mula noon sa kabila ng kalagayan ng itay nila ay medyo naging maayos silang mag-anak at masayang namuhay sa gubat. Hanggang sa tuluyan ng nanghina ang itay niya at pumanaw. Pagkatapos naman mailibing ang itay nila ay nagsimulang mawalan ng sigla at ganang mabuhay ang inay nila hanggang sa nadaig ito ng matinding pangungulila at depression kaya bumagsak ang katawan at nagkasakit din ng malubha hanggang sa pumanaw din kasunod ng itay nila. Naiwan silang tatlong magkakapatid sa kubo na iyon at nagsikap makasurvive sa araw-araw. Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Ian Paulo ng mag ring ang cellphone niya. Ang kuya Matthew niya ang tumatawag. "Hello kuya," bungad niya sa linya. "I just wanted to say good luck and have a nice day ahead," saad ng kuya niya sa kabilang linya. "Thank you kuya," saad naman niya. Sa kabilang dako, naghahanda si Senyor Franco para sa pakikipag meeting niya sa nasabing may-ari ng bangko. Maaga silang nag almusal at maski si Georgina ay maagang bumaba para makausap ang ama bago ito umalis. "Oh iha, mabuti at gising kana halika at sabayan mo kami ng Mommy mo," saad ng Daddy niya. "Hi Dad, hi Mom, sinadya kong gumising ng maaga para maabutan kita bago ka pumunta sa bangko para dun sa meeting niyo ng may-ari," saad ni Georgina. "Why, iha? Is there something that bothers you?" tanong ng Daddy niya. Hindi naman sinabi ni Georgina sa ama na kilala niya kung sino si Sean Paul Montreal ayaw niyang magkaroon ng impression ang Daddy niya na gumaganti ito sa kanila at imbis na magpakumbaba ay lalong mag matigas at maging dahilan para hindi na magbigay ng palugit si Ian Paulo sa kanila. "Dad, gusto ko lang sabihin na sana matuto kayong magtimpi at magpakumbaba anuman ang marinig niyo mula sa Mr. Montreal na yun. Baka kasi pag nakaharap mo siya ay makalimutan mong ikaw ang may kailangan sa kanya," pagpapaalala ni Georgina sa ama. "Huwag kang mag-alala iha at ihinanda ko na ang sarili ko para mag kunwaring mabait at humble ng sa ganun makuha ko ang loob ng Montreal na yun, malay natin baka dagdagan niya pa ang perang pinahiram ng bangko sa akin total hindi naman siya lugi sa halaga ng mansion at hacienda," saad naman ni Senyor Franco. "Dad, yan ang huwag niyong gagawin dahil lalo lang tayong malulubog sa kanya," saway ni Georgina sa ama. "Pero iha, yan nalang ang paraan para makakuha ako ng dagdag na kapital baka sakali makaahon pa ang mga negosyo ko," pangungumbinsi ng Daddy niya. Ang mommy niya ay tahimik lang at tila walang pakialam pero panay sulyap sa kanilang mag-ama. Hanggang sa natapos silang mag almusal at umalis na ang Daddy niya habang si Georgina ay sinasalakay ng kaba. Pagdating ni Ian Paulo sa opisina ay nandoon na ang mga empleyado niya at masaya siyang sinalubong. "Good morning Sir," halos sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya ang ibang kababaihan ay hindi maiwasang kiligin sa kagwapuhan ng amo nila lalo na ang mga tellers na karamihan ay mga dalaga pa. "Good morning, kamusta kayong lahat?" ganting bati niya sabay bigay ng killer smile niya na lalong nagpakilig sa lahat. Kaagad naman sumalubong ang Corporate Lawyer niya na si Atty. Policarpio at ang Branch manager na si Betty. "Sir, nakahanda na po lahat ng papeles na ibinilin mo sa akin kahapon. They're all on your table. “And Mr. Rodriguez is on his way too," imporma naman ng manager na si Betty. "That's good, Attorney please follow me to my office," saad ni Ian Paulo sa abogado. Agad naman sumunod si Atty. Policarpio sa opisina ni Ian Paulo. "These are all the papers that you've asked me yesterday Sir, the Loan Agreement, Collateral Agreement and Receipt, Security Agreement, Bank Loan Agreement, Pledge of Personal Property as Collateral Security, Surrender of Collateral which contains the Strict Foreclosure and Release Agreement and I also made another copy of Loan Agreement and Promissory note, pati kopya ng Land title at Tax certificate number andiyan na din," paglalahad ni Attorney Policarpio. "Thank you Attorney," saad ni Ian Paulo at binasa lahat ang mga nakasaad sa mga papeles. Pagkatapos basahin ay mga ilang legal matters pang ikinunsulta si Ian Paulo kay Attorney Policarpio na malugod naman isinalaysay ng Abogado ang lahat ng gusto nitong malaman. Habang nag-uusap sila ay kumakot ang secretary niya. "Excuse me Sir Paul and Attorney, andiyan na po kasi si Mr. Franco Rodriguez," saad ng secretary na si Chezka. "Okay papasukin mo," sagot ni Ian Paulo. "Okay Sir," si Chezka na agad tumalima para papasukin ang kliyente. Nagpaalam naman si Attorney Policarpio kay Ian Paulo at lumabas. Si Ian Paulo ay kinompose ang sarili ayaw niyang magpakita ng kahit anong emosyon sa harap ni Mr. Rodriguez. Itinalikod niya ang swivel chair at nagkunwaring may binabasa ng pumasok si Senyor Franco. "Good morning," bati nito ng makapasok at isinara ni Chezka ang pinto. Dahan-dahan niyang pinaikot ang swivel chair niya paharap kay Senyor Franco. "Good morning, please take a sit," kaswal na saad ni Ian Paulo at tumayo. Si Senyor Franco ay imbis na umupo ay parang natulala at titig na titig kay Ian Paulo. "Is there something wrong?" kunwaring tanong niya. Si Senyor Franco ay tinanggal ang salamin bahagyang nilinis at isinuot ulit saka tumingin kay Ian Paulo. "May problema po ba?" tanong ulit ni Ian Paulo. "Ah,eh sorry but you look familiar hindi ko lang alam kung saan kita nakita in the past," saad ni Senyor Franco. Bahagya naman ngumiti si Ian Paulo. "Ah I see, maybe you saw me on tv," sagot niya. "No. I'm sure not. Hindi kasi ako nanonood ng Football," sagot ni Senyor Franco. "It's okay Football is a European thing and I understand if Filipinos are not fans of it, anyway it's nice to meet you Mr. Rodriguez," wika ni Ian Paulo. "My honor and pleasure to meet you in person, Mr. Montreal," nakangiting saad ni Senyor Franco at umupo. "I have in my hand all the papers regarding Hacienda Rodriguez and the mansion in which you used it as Collateral and as far as I'm concerned you only have three months more left to pay all the interest and the principal amount. I just want to know your plan about it?" pagsisimula ni Ian Paulo. Parang natuod naman si Senyor Franco at sandaling hindi nakapagsalita kaagad. "Ahh yes, and I admit that's really bothering me," pag-amin ni Senyor Franco sa totoong nararamdaman. Sa isip ni Ian Paulo ay natuwa siya sa narinig ngunit hindi siya nagpahalata. "I can understand," sympathetic niyang sagot kunwari. "The truth is, I actually come here today to personally meet you para sa'yo ako makiusap na kung maaari ay bigyang mo pa ako ng mas mahabang palugit," simula ng pagmamakaawa ni Senyor Franco. "How much does your Hacienda and mansion mean to you?" tanong ni Ian Paulo sinusukat niya kung hanggang saan ang kayang gawin ni Senyor Franco para hindi lang mailit ang pag-aari niya. "My God, it's my pride and joy… My home and my life," emosyonal sa sagot ni Senyor Franco. "Then why did you use it as Collateral if that's how they mean for you?" tanong ulit ni Ian Paulo. "Because that's the only way I could get the capital that I needed to start another business. Mahirap ang pinagdaanan ng hacienda nitong mga nakaraang taon dahil sa mga kalamidad kaya naisipan kong pumasok sa ibang negosyo," pagpapaliwanag ni Senyor Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD