PAGDATING ni Ian Paulo sa Villa ay dumeretso siya sa kwarto at dinampot ang cellphone at tinawagan ang abogado niya.
"Hello Attorney, alamin mo kung ano ang tunay na estado ng Hacienda Rodriguez at kung saang bangko ito nakasanla ASAP!" mariin na utos ni Ian Paulo sa kanyang abogado niya.
"Yes, Ian Paulo mabuti at tumawag ka iyon pa lang sana ang sasabihin ko sayo pagpasok mo sa opisina bukas. Sa bangko na pag-aari mo nakasanla ang buong hacienda at ang mansion ng mga Rodriguez sa katunayan ay meron na lang silang tatlong buwan bago tuluyang mailit ang property nila. Mula ng nasanla ito ay hindi pa sila nakapagbayad ng interes at nakapag hulog sa principal kaya kapag hindi pa sila nag bayad after three months ay mawawala sa kanila ng tuluyan ang hacienda at ang mansion," salaysay ni Attorney Policarpio sa kabilang linya.
"If that's the case then prepare all the legal documents that we will need and I want it all on my table first thing in the morning," muling utos ni Ian Paulo sa kanyang abogado.
"Sure," sagot ni Attorney Policarpio na siyang tumatayong Corporate Lawyer ni Ian Paulo.
Pagkababa ng telepono ay sunod niyang tinawagan ang Manager ng bangko.
"Hello Betty, I want to see all the papers regarding Hacienda Rodriguez tomorrow and also inform Franco Rodriguez that I want to set a meeting with him soonest," bungad niyang utos sa manager.
"Yes Sir, everything will be on your table tomorrow," sagot naman ni Betty.
"Good," maikling saad ni Ian Paulo at agad na tinapos ang pag-uusap nila ng manager.
Pakiramdam niya ay umakyat lahat ang dugo niya sa ulo at nag-iinit ang kanyang mukha sa galit mula ng magkita ulit sila ni Georgina pagkalipas ng napaka habang panahon. Buong akala niya ay nakalimot na siya at nakapagpatawad ngunit sa nangyari sa kanila ni Georgina kanina sa batis at sa lahat ng sinabi nito sa kanya ay nabuhay muli ang galit at poot sa puso niya.
"Wala kang pinagbago Georgina! Napakataas mo pa rin magsalita. Pwes, ipapatikim ko sayo kung paano umikot ang bilog na mundo!" mga salitang binitawan ni Ian Paulo kausap ang sarili.
Samantala, si Georgina ay dinampot ang mga damit at isa-isang isinuot parang bigla siyang nanghina at nawalan ng lakas kaya pinuntahan niya ang kabayo niya at sumampa at tila wala sa sariling minanduhan ang kabayong tahakin ang daan pabalik sa mansion. Nandito siya ngayon sa hacienda dahil tinawagan siya ng Daddy niya na umuwi muna at may mahalagang daw itong sasabihin.
Hindi pa man sila pormal na nakakapag-usap at nasasabi sa kanya ni Senior Franco ang mahalagang bagay na sasabihin nito sa kanya ay may kutob na siya na maaaring nakasanla ang buong hacienda at ang mansion sa bangko dahil sinubukan ng Daddy niya pumasok sa ibang negosyo. Nakikita niya kung ano ang takbo ng hacienda nitong mga nakaraang taon kaya maski ang sarili niya ay sinanay na niya sa mga gawain dito para lang makatulong sa mga magulang. Sanay siyang magpastol sa mga baka at magpakain sa mga kabayo pati na rin ang ibang mga alaga tulad ng mga baboy at manok. Pati ang pagtatanim ng mga saging at iba pang prutas sa hacienda ay pinag-aralan niya na rin. Kahit maganda ang trabaho niya sa Maynila ay nasa probinsya pa rin ang puso niya at ayaw niyang mawala ang kabuhayang ito sa kanila.
"Oh iha, nandito ka na pala," bati ng ng Mommy niya pagkapasok niya sa likod na pinto ng mansion.
"Yes Mom, nawalan na ako ng gana maglibot at biglang sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako," saad ni Georgina na pilit pinapanatag ang sarili.
"Ganun ba iha, eh sige umakyat ka na sa kwarto mo at dadalhan kita ng almusal," si Senyora Clarissa.
"Huwag na po muna Mommy hindi pa ako nagugutom, I just want to be alone for now," pagtanggi ni Georgina.
Kilala ng Mommy niya ang ugali ni Georgina when she says "No" that means "No" talaga kaya huwag na magpilit.
"Okay iha, just come down when you're hungry," si Senyora Clarissa na agad din pumasok sa kusina.
Pagkarating niya sa kwarto ay kaagad pumasok sa shower at doon nagbabad sa tubig. Hindi niya makalimutan ang naging encounter nila ni Ian Paulo sa batis. Ni sa panaginip hindi na niya naisip na magkikita pa sila ulit ng kababatang paborito niyang laitin noon. Hindi siya makapaniwala sa laki ng naging pagbabago ni Ian Paulo ang dating payat na payat at mukhang sakitin ay isa na ngayong mala-adonis sa kagwapuhan at ang hindi mawala sa isip niya ay ang nasa gitna ng mga hita nito na walang kakurap-kurap niyang napagmasdan.
"Oh s**t! Not him and never will! Hindi ikaw ang lalaking magpapatibok sa puso ko Ian Paulo! Pangit ka noon sa paningin ko kaya pangit ka pa rin hanggang ngayon!" salita ni Georgina mag-isa habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Pagkatapos magshower ay nagsuot siya ng pambahay at ibinagsak ang sarili sa malambot niyang kama at iniikot ang paningin sa buong kwarto niya bigla niyang naalala ang sasabihin daw ng Daddy niya sa kanya kaya bumaba siya at pinuntahan ito sa library kung saan doon ang pinaka workplace nito. Dahan-dahan siyang kumatok at tinawag ang ama.
"Dad… Dad… Can I come in?" si Georgina habang kumakatok.
"Sure iha, its open," sagot ng ama mula sa loob.
Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at pumasok.
"Dad can we talk?" tanong ni Georgina sa ama.
"Sure iha, about what?" ganting tanong ng ama.
"Eh, Dad diba kaya niyo ako pinauwi dahil may sasabihin kang importante," saad ni Georgina.
Bigla naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng Daddy niya at nabanaag niya dito ang pag-aalala ngunit biglang ngumiti at nagkunwaring masaya.
"Ahhh hehehe iha, actually sinabi ko lang yun para mapauwi kita rito. Alam kong pag hindi ko sinabi ang ganoon ay hindi rin kita basta-basta mapapauwi," saad ni Senyor Franco na halatang nagkukunwaring masaya.
"Dad, you know I'm busy with my work in Manila sana naipagpaliban ko muna yung pag-uwi ko," pagmamaktol ni Georgina sa ama.
"You're here now iha, you might just enjoy your stay," sagot naman ng ama.
"Eh dad, paano naman ako mag-eenjoy rito wala naman akong mga kaibigan na pwedeng yayain lumabas tsaka alam mo pag nandito ako mas gusto ko maglagi dito sa hacienda para matulungan kita kaya paano naman ako mag-eenjoy," pagmamaktol pa rin ni Georgina.
"Then do as you like iha, enjoy the farm while we still have it," biglang nasabi ni Senyor Franco ng hindi niya sinasadya.
"Come again, Dad?" kunwaring hindi narinig ng maayos ni Georgina ang sinabi ng ama.
"Ah no, just forget what I've said. I was just kidding," pagpapalusot ulit ng Daddy niya.
"No Dad, I actually heard it," saad naman ni Georgina na biglang tumigas ang tono.
Bumuntong-hininga muna si Senyor Franco saka tumayo mula sa swivel chair niya saka nagsalita.
"Iha, matagal ng nakasanla sa bangko itong mansion at ang buong hacienda at dahil madalas ang naging mga sakuna nitong mga nakaraang taon at buwan ay walang umaakyat na kita kundi puro lugi. Ang perang pinagsanlaan ko nito ay ine-invest ko sa ibang negosyo at maski ang mga iyon ay hindi rin maganda ang mga takbo. Masyadong mahigpit ang competition sa market at pataas ng pataas ang pasahod sa mga trabahador at pati benefits nila kailangan sagutin ng mga kumpanya, ang mga bilihin at gas pati ang taxes ay pataas din ng pataas kaya napakahirap para sa mga nagsisimula pa lang sa negosyo na makausad," laylay balikat na paliwanag ng Daddy niya.
Si Georgina ay hindi namalayan na dumaloy na ang mga luha niya sa mata.
"You're so unfair, Dad! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin itong mansion at ang buong hacienda,this my home! Bakit niyo isinanla ng hindi manlang ako tinanong kung ano ang gusto ko?" panunumbat ni Georgina sa ama.
"Iha, lahat ng ginawa ko ay para sa'yo. Inisip ko na para mapanatili natin itong hacienda ay pumasok ako sa ibang negosyo at nagbakasakaling yun ang mag-aahon sa atin ngunit mas lalo lang akong iginupo sa malaking pagkakautang sa bangko," halos mangiyak-iyak na saad ni Senyor Franco.
"Yes nalulugi ang hacienda dahil sa mga bagyo at kalamidad pero sana hinayaan niyo nalang dahil hindi naman tayo magugutom!" paninisi pa rin ni Georgina.
"Ayoko ng ganun iha, ayaw kong dumating tayo sa puntong hindi lang magugutom ay sapat na. Gusto kong mapanatili o mas mapaunlad pa ang ating kabuhayan for you and for your Mom," paliwanag ulit ni Senyor Franco.
"Ganyan kasi kayo, Daddy! Gusto niyo laging nakatingala ang mga tao sa inyo! Gusto niyo nasa kamay niyo ang kapangyarihan at impluwensiya para malaya kayong makapang-api ng iba!" panunumbat ni Georgina.
Bigla naman dumapo ang palad ng ama niya sa mukha niya ngunit hindi manlang nasindak si Georgina at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Imbis na hubugin niyo akong maging mabuting tao ay kabaliktaran ang ginawa niyo ni Mommy pinalaki niyo akong matapobre na tulad niyo!" ganting sigaw ni Georgina.
Lalo naman nagalit ang Daddy niya sa mga narinig.
"Gusto ka lang naming protektahan sa mga mapansamantalang mahihirap!" sigaw ni Senyor Franco.
"See! That's how you are!" saad ni Georgina sabay takbo papunta sa kwarto niya.
Pagdating sa kwarto ay walang tigil sa pag-agos ang luha niya habang hinahaplos ang mga magagarang muwebles at mukhang pang prinsesa niyang kama. Hindi niya matanggap na malapit ng mawala sa kanya ang lahat ng karangyaang kinalakihan niya.
Nang medyo lumuwag ang pakiramdam niya ay kumuha siya ng tubig sa fridge at pumunta sa veranda,doon pinagmasdan niya ang buong hacienda pati ang mga tauhan na kumonti na rin. Nakaramdam siya ng awa sa mga ito lalo na ang iba ay doon na rin tumanda at nanilbihan sa kanila. Naisip niya rin ang mga sinabi niya sa Daddy niya at narealize niyang mali na pagsalitaan niya ng ganun ang ama. Oo, alam niyang may mali sa mga magulang niya pero alam niya kung gaano siya kamahal ng mga ito kaya lalo siyang na guilty. Ang mga nasabi niya ay narinig na ng ama at hindi na mababawi tapos na niyang masaktan ang damdamin ng Daddy niya.
"I'm so sorry Dad," nasambit na lang ni Georgina sa sarili sabay pasok ulit sa kwarto at nahiga hanggang sa nakatulog.
Gabi na ng magising siya at nang tumingin sa orasan sa side table ng kama niya ay mag-aalasyete na kaya dahan-dahan niyang ginising ang diwa at bumangon diretso sa shower room. Gusto niyang makasabay sa pagkain ng hapunan ang Daddy at Mommy niya para na rin makapag sorry. Pagkatapos makapag bihis ay bumaba na siya tamang-tama at hinihintay na siya sa komedor. Nadatnan niyang tahimik ang mga magulang niya.
"Dad, I'm really sorry for the things I have said. Nabigla lang po ako," si Georgina habang niyayakap si Daddy niya mula sa likod.
"It's okay, Gina, I'm sorry din kasi nasaktan kita," paghingi rin ng despensa ng Daddy niya sa kanya at kinabig siya paupo na parang bata.
"That's enough baka masira pa ang appetite niyo at hindi kayo makakain ng maayos. It's dinner time kaya huwag muna kayong magdrama diyan mag-ama," wika naman ni Senyora Clarissa na may halong pagbibiro.
Tumayo na si Georgina at umupo sa sarili niyang upuan sa tabi ng Daddy niya. Naglagay ng pagkain sa pinggan niya at tahimik na sumubo nangangalahati na ang kinuha niyang pagkain ng bigla siyang may naisip itanong sa ama.
"Dad, ilang buwan pa bo ba ang nalalabing palugit sa atin ng bangko?"
"Meron pa tayong tatlong buwan iha at tumawag kanina ang manager ng Montreal Bank at nakipag set ng meeting sa akin, gusto raw akong makausap ng mismong may-ari dahil nandito ngayon sa Pilipinas," sagot ng Daddy niya.
"Ganun po ba Dad. Ano naman kaya ang kailangan niya sa inyo?"
"Wala rin akong ideya iha, pero sasamantalahin ko ang pagkakataon para makiusap mismo sa kanya na bigyan tayo ng mas mahabang palugit kahit another six months pa," saad ulit ng Daddy niya.
"Sana pumayag siya Dad kasi maski ako ay gagawa ng paraan para mabayaran natin ang bangko sa loob ng anim na buwan. May ipon po ako Dad at madagdagan pa iyon sa loob ng anim na buwan kahit mag kayod-kalabaw ako sa Maynila," malungkot na saad ni Georgina.
"Iha, huwag mong gagalawin ang ipon mo para sa kinabukasan mo iyon hayaan mo ang Daddy mo ang gumawa ng paraan total siya naman ang gumawa sa problemang ito," may himig panunumbat ng Mommy niya.
"Mom,kung magsalita kayo it sounds like you don't care," puna ni Georgina sa Mommy niya.
"Georgina, I'm just being honest. Kung hindi naman talaga ginawang collateral ng Daddy mo itong mansion at ang buong hacienda eh di sana wala tayo sa sitwasyon na to! Hindi na nga ako halos makalabas at makihalubilo sa mga amiga ko kasi alam kong pinag tsitsismisan nila ako at pinagtatawanan," galit na saad ni Senyora Clarissa.
"And you're more worried about them at sa sasabihin nila? My God Mom, grow up!" singhal ni Georgina sa Mommy niya.
"That's enough nasa harap tayo ng pagkain!" saway ni Senyor Franco sa mag-ina niya.
Pareho naman silang natahimik ngunit parehong namimilog ang mga mata sa isa't isa.
"I'll do everything I can para matubos natin itong mansion at buong hacienda kailangan ko lang ng konting panahon pa at yun ang ipapakiusap ko sa Sean Paul Montreal na yun," saad ni Senyor Franco.
"Sean Paul Montreal? Iyong football player? Siya ang may-ari ng Montreal Bank?" sunod-sunod na tanong ni Georgina sa ama.
"Oo yun ang sabi ng manager sa akin kanina ng tumawag," sagot naman ng Daddy niya.
Biglang nagtaka si Georgina bakit ang isang sikat na sikat na Football player sa buong mundo ay sa Davao pa nagbukas ng negosyo. Hindi niya maintindihan ang sarili pero sinalakay siya ng sobrang kaba naalala niya si Ian Paulo na ang laki ng hawig nito sa nasabing Football player ngunit hindi niya iyon inentertain sa isip niya. Napakalabong mangyari na si Ian Paulo at Sean Paul Montreal ay iisa.
"Dad, nawalan na ako ng gana aakyat na ako sa kwarto huwag kang mag-alala Dad I'm here to help you," saad ni Georgina sa ama bago umakyat at tinapunan ng tingin ang ina.
Sanay silang mag sagutan ng Mommy niya na parang magkapatid lang kinalakihan niyang sagot-sagutin ang mommy niya kung kailan niya gusto at para sa kanya hindi pagwawalang galang yun kundi pangangatwiran lang. Pagkarating sa kwarto ay kaagad inilabas ang laptop niya at senearch ang tungkol kay Sean Paul Montreal ngunit nananatili itong confidential at tanging ilang litrato lamang ng binata ang makikita sa internet. Pumili siya ng isang pinaka malinaw na kuha sa mukha at katawan ni Sean Paul Montreal at inalala ulit ang kabuuan ni Ian Paulo sa batis.
"Oh s**t. This must not be true!" nasambit ni Georgina ng mapagtanto niyang si Ian Paulo at Sean Paul Montreal ay iisa.
"Kaya pala kahit anong galing at sikat mo ay hindi kita magustuhan dahil ikaw pala ang batang kinasusuklaman ko noon!" galit na kausap ni Georgina sa sarili habang titig na titig sa larawan ni Sean.
"Kung nagkataon man lang o sinasadya mong sayo kami mabaon sa utang para makaganti ka pwes hindi si Georgina ang tipong mag mamakaawa sayo! Gagawin ko ang lahat para matubos namin itong mansion at ang buong hacienda sa lalong madaling panahon," determinadong saad ni Georgina sa sarili saka nag-isip ng mga pwede niyang gawin para mas lumaki pa ang kitain niya sa pagmomodelo ng sa ganun ay mabayaran ang utang nila sa bangko.
Nang maka-isip ay tinawagan ang personal secretary niya.
"Hello Liza,tawagan mo lahat ng nag-offer sa akin ng raket sabihin mo tinatanggap ko na lahat," utos niya sa secretary niya sa kabilang linya.
"Yes ma'am ngayon din mismo tatawagan ko sila," sagot naman nito.