Chapter 3

1269 Words
KINABUKASAN ay maaga siyang gumising at nagpaalam na maglilibot-libot siya sa farm na nasasakop sa kinatatayuan ng Villa. Ang dulo nito ay ang pagitan ng pag-aari nila at ng hacienda Rodriguez na silang may pinaka malawak ng pag-aari sa buong bayan. Sakay siya ng kabayo ng makakita ng batis at talon kaya nainganyo siyang maligo at magbabad sa malamig na tubig na nagmumula sa talon. Ang batis ang nagsisilbing division sa dalawang lupain kaya hindi masasabi kung sino talaga sa kanila ang nagmamay-ari nito kaya kadalasan ay nagiging pasyalan ito ng mga taga barrio para magpicnic ngunit sa araw na iyon ay tila ibinigay para kay Ian Paulo lamang ang pagkakataon ma enjoy ang malinis na tubig mula sa talon. Ipinastol niya ang kabayo na gamit niya sa isang puno at parang bata na hinubad lahat ang kasuotan at patakbong pumunta sa gitna ng talon para doon e-enjoy ang pagbagsak ng tubig sa matipuno niyang katawan. Nang, magsawa ay pumunta sa lilim na lugar at doon pahigang sumandal sa bato at ipinikit ang mata at bahagyang nakatulog. Nagising siya ng may maramdaman na ibang tao sa lugar kaya inikot niya ang paningin sa paligid ngunit wala siyang nakita kaya pumikit ulit hanggang naramdaman niyang may lumalangoy at nasagi ang paa niya kaya napabalikwas siya. "Aaayyy!" sigaw ng isang babae na tulad niya ay nakahubad at di alam kung paano matatakpan ang sarili.  "What the heck!" balikwas niya na lalong nagulat ng makilala kung sino ang hubad na babae sa harap niya. "Sino ka? Ba't ka nandito? Private property namin to!" galit na sigaw ng babae. "Ito property niyo? Aba ay pati ito sa inyo na rin?" galit din na sagot ni Ian Paulo at biglang tumayo ni hindi ininda ang kahubaran niya sa harap ng babae. Nagulat naman lalo ang babae at nagsisigaw. "Aayyyyy, manyak! Manyak! Lumayo ka sa akin umalis ka dito kundi ipapakulong kita!" sigaw pa rin ng babae. "Anong ipapakulong? Inaano ba kita? And as you can see nauna ako sayo dito!" ganti ni Ian Paulo. "Kahit na wala kang karapatan ni umapak dito sa batis na to dahil amin to!" nanggagalaiti pa rin si Georgina. Humalaklak naman si Ian Paulo ng malakas at lalong ginalit si Georgina. "Hahaha… Look at you wala ka pa ring pinagbago mapagmataas ka pa rin at matapobre! Hoy hindi lang ikaw ang anak ng Diyos! Ang batis ba ito ay sinadyang ilagay sa gitna ng Panginoon ng sa ganun ay hindi maangkin ng iisang tao lamang! Para ito sa lahat huwag kang gahaman!" panunudyo ni Ian Paulo kay Georgina. "Sino ka? Dayo ka dito noh at hindi mo kilala kung sino ako! Pwes sinasabi ko sayo na lisanin mo itong batis ngayon din dahil akin to, akin!" nakapameywang pang sigaw ni Georgina at nakalimutang hubo't hubad siya. Lalo naman siyang ininis ni Ian Paulo at humakbang palapit sa kanya at sinadyang idinikit ang katawan niya sa katawan ni Georgina at nagtatagis ang panga ng magsalita. "Kilalang-kilala kita Georgina Roxanne Rodriguez mula ulo hanggang paa! Look at us now para tayong si Malakas at si Maganda but sad because they were created to love each other unlike us! You are my biggest enemy! pabulong ngunit mariin na saad ni Ian Paulo. Itinulak naman siya ni Georgina palayo at tinitigan siya mula ulo hanggang paa at di maiwasang mapako ang tingin sa gitna ng mga hita ni Ian Paulo at napalunok bagay na nagpangisi sa binata. Naisip niya ang sinabi niya kay kuya Matthew niya ba sa susunod magkita sila ni Georgina ay malalaglag ang panty nito sa harap niya ngayon ay hindi lang basta nalaglag kundi hubo't hubad pa. "Ikaw!" sigaw ni Georgina ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan niya. "Yes this is me! But, a different me! Hindi na ako ang Ian Paulo na lantaran mo kung lait-laitin at pandirihan na akala mo may sakit akong nakakahawa nung mga bata pa tayo! Hindi ko makakalimutan ang lahat Georgina pati ang lahat ng pang-aapi ng mga magulang mo sa mga magulang ko! Magbabayad kayo ng mahal ngayon na nagbalik na ako sa lugar na to!" galit na galit na si Ian Paulo at agad na tumalikod at dinampot ang mga damit niya at isinuot, sumakay sa kabayo at mabilis na nilisan ang batis. "I still hate you and always will! Kahit ikaw nalang ang lalaki dito sa mundo hinding-hindi pa rin kita magugustuhan! I hate you from head to toes!"sigaw ni Georgina. Naiwan si Georgina na biglang sinalakay ng sobrang kaba at panginginig ng katawan kaya dahan-dahan siyang pumunta sa mga batuhan at doon naupo. Naalala niya ang panahon nung mga bata pa sila ni Ian Paulo madalas niya itong laitin at pandirihan. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang pagmamaltrato ng mga magulang niya sa mga magulang ni Ian Paulo noon at natatandaan niya pa ang lahat. "Senyor manghihiram po sana kami ulit ng pera kailangan po kasi ng gamot ni Mateo ilang araw na pong masama ang pakiramdam niya kaya hindi po makapagtrabaho,"si Esperanza ang inay ni Ian Paulo na nagmamakaawa sa Daddy niya habang nasa likod nito si Ian Paulo at nakakapit sa daster na tila hiyang-hiya. "Aba eh baon pa nga kayo ng utang sa akin nangungutang ka na naman! Hindi ko na problema yun kung masama ang pakiramdam ni Mateo basta ang patakaran ko dito sa hacienda "no work, no pay" kaya humanap kayo ng ibang paraan at mauutangan!" pasinghal na saad ni Senyor Franco sa inay ni Ian Paulo. "Pero Senyor nakikiusap po ako kahit ngayon na lang po wala narin po kasi kaming ibang malapitan alam niyo naman pong wala kaming ibang kamag-anak dito. Wala na rin po kasi kaming masaing yung mga bata po iyak na ng iyak dahil nagugutom," pagmamakaawa ulit ni Esperanza. "Ay naku kayo talagang mahihirap wala kayong ibang alam gawin kundi ipuhunan ang mga anak niyo sa pagmamakaawa!" sabat naman ni Senyora Clarissa ba lumabas galing sa kusina at hawak-hawak si Georgina na nakaismid kay Ian Paulo. Bumaling naman si Esperanza kay Senyora Clarissa at dito nagmakaawa ulit. "Senyora sige na po maawa naman po kayo sa mga anak ko, ina rin po kayo alam kong naiintindihan niyo ang pakiramdam ko," umiiyak na pakiusap ni Esperanza sa Mommy niya. "Ay hindi tayo pareho dahil ako bago ako lumandi at nagka anak sinigurado kong hindi magugutom ang mga anak ko hindi tulad mo na mas inuna pa ang magtanan at tumakas sa mga magulang para masunod lang ang mali niyong pag-iibigan ni Mateo!" galit na litanya ni Senyora Clarissa sabay talikod at sumakay sa sasakyan kasama si Georgina. "Umalis kana Esperanza at wala kaming maipapahiram sayo at sabihin mo kay Mateo na kapag hindi pa siya nakapag trabaho ay magbalut-balot na kayo dahil hindi libre ang tumira dito sa hacienda kung wala ka na rin pakinabang," pagtataboy ni Senyor Franco at sumunod na rin sa sasakyan. Bago umalis ay binuksan pa niya ang bintana para ismiran si Ian Paulo dahil nahuli niyang titig na titig ito sa kanya. "Bleehhh....!Pangit! Gusgusin!" singhal niya kay Ian Paulo saka isinara ang bintana ng sasakyan. Hindi lang iyon ang pagkakataon na nasaksihan niya kung paano tratuhin ng mga magulang niya ang pamilya ni Ian Paulo maski ang iba pang mga tauhan at trabahador ng hacienda. Dahil sa murang kaisipan niya akala niya ay normal lang ang ganoon at tama ang ginagawa ng mga magulang kaya pati siya ay napapagaya. Sabi pa nga "kahit anong gawin ng matatanda ay normal at tama sa paningin ng bata" ganoon ang nangyari kay Georgina hanggang sa nagka isip na siya at natutunan ang tama sa mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD