CHAPTER 12
PABAGSAK na umupo ako sa sofa sa library. Bumalik ako ulit dito pagkatapos kong maikot ang buong bahay ni Dale. Nakarating narin ako sa attic at wala naman akong ibang nakitang kakaiba sa mga gamit ni Marga maliban na lang sa mahilig siya sa puro mamahalin. I'm not surprised.
Marga is the typical Im-A-Barbie-Girl-In-A-Barbie-World kind of girl. The only difference is, she doesn't look a bit like Barbie and she's definitely not Barbie. Magastos siya with a capital M. Come on, sinong matinong babae na wala na ngang pera ay bibili pa ng Gucci na alarm clock? Yes, Alarm Clock. Her things screamed the word 'Expensive'.
Bumuntong-hininga ako at iniangat ko ng bahagya ang carpet. Tinignan ko din ang ilalim ng sofa dito sa library.
"Hey, anong hinahanap mo?"
Napalingon ako ng wala sa oras. Nakasandal sa hamba ng pinto si Dale habang nakatingin sakin. His eyes travelled down to my legs na nababalutan ng masikip na leggings. Napalunok ako at tumayo. Inayos ko ang maluwang na T-Shirt ko para matakpan ang mga dapat matakpan.
"Nawawala ang hikaw ko." sabi ko sa kaniya.
"I'll tell the maids to look for it, for now we need to eat breakfast. I'm starving."
Tumango ako at naglakad na ako palapit sa kaniya. Lalagpasan ko na sana siya ng pinigilan niya ako. Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko siya.
"Where's your ring?" tanong ni Dale na nakatingin sa kamay ko.
"What ring?"
"Our wedding ring."
I made a mental note to bang my head on the wall once he's out of sight. Ano pa bang ring ang inaasahan kong hanapin niya sa akin?
It's just that hindi naman kasi ako mahilig sa mga accessories. Lalo na ang mga singsing dahil hindi ako komportable na gumalaw kapag may suot non. To be exact I don't like wearing any jewelries.
"Oh, nakalimutan ko sa banyo sa taas. Kukunin ko lang. Susunod na lang ako." sabi ko sa kaniya.
"Okay, I'll wait for you. Breakfast is ready."
Tinanguhan ko siya. Naglakad na ako papunta sa kwarto namin. Hinubad ko kasi yon kanina nang maligo ako. Masyadong mabilis ang mga mata ni Dale. Kung ako iyon hindi ko mapapansin kahit na hindi niya pa suot ang wedding ring niya.
Kinuha ko ang singsing nang makita ko iyon at isinuot. Half of my brain is still preoccupied sa 'Vintage: Dust' na clue na iyon. Kailangan ko bang maghanap ng vintage na bagay dito sa bahay?
Napaubuntong-hininga na naman ako. Kapag natapos ang mission na ito ipapadala ko si Dale kay Detective Conan ng maging magbarkada sila. Wala sa sariling napatingin ako sa kisame ng banyo. They used vintage pallet-
Vintage! Tinignan ko ang kisame ng banyo. Meron doong square. A passageway to an air-vent. Umakyat ako sa lababo at itinulak ko iyon. Yep, there's definitely a way here.
"Mishy, baby?"
Sigurado akong maraming 'dust' dito. Iyon ang ibig sabihin ng clue. Kailangan kong pumasok dito at hanapin ang clue-
"Mishy?"
Si Dale. Marahil ay nag-aalala siyang kung bakit ang tagal ko sa banyo. Hinihintay pa naman niya akong kumain para makasabay siya. But I need to finish this. Everything is now in front of me. I need to grab it.
"Susunod na lang ako, honey."
"You sure?"
"Yes, I'll there be in a minute."
Narinig ko ang mga yabag niya palayo. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa square na daanan at hinila ko ang katawan ko pataas. It's not that hard. Nang makapasok ako sa loob ay ibinalik ko na ang takip non. Nagsimula na akong gumapang.
Tama naman si Dale, marami ngang dust dito. Hindi ko na pinansin ang kumakapit sa aking mga alikabok at nagmamadaling gumapang na lang ako. Maluwag pa ang space ng ginagapangan ko but I'm sure nang si Dale ang pumasok dito ay kasyang-kasya lang siya.
Malayo-layo narin ang ginagapangan ko nang mapahinto ako. May dalawang way. I could check both of them but I don't have that much time. Huminga ako ng malalim. Tinignan kong mabuti ang dalawang daan.
I smiled triumphantly nang may makita akong maliit na buhok sa right side ko at gumapang papunta doon.
Napatigil ako nang makarating ako sa dulo noon. Mukhang mali ata ako ng dinaanan. Dead End. May nakita na naman akong square lid katulad ng dinaanan ko kanina. Pero sa pag-iikot ko sa bahay ni Dale wala na naman akong ibang nakitang may ganito.
One way to find out. I lifted the lid easily. Sumilip ako sa baba at napapikit ako ng mariin. Now this is a problem.
Isa itong extra space ng bahay na sakto lang ang mga lalaking kasing laki ni Dale. Daanan lang ito ng mga cable. Tumingin ulit ako sa baba. Nasabi ko na ba na mataas ang bahay ni Dale? It means if I made a wrong move and slipped, hindi ako sasantuhin ng kababagsakan ko. Hindi ko alam kung paano nakababa dito si Dale but one thing is for sure, hindi siya bumaba dito na mga kamay at paa niya lang ang gamit niya.
Huminga ulit ako ng malalim at bumaba na ako. Ibinuka ko ang dalawa kong paa para hindi ako mahulog. Isinarado ko ang lid. Madali ko namang mabubuksan yon, kung sakaling makakaakyat pa ako ulit. Hindi naman ako natatakot makulong dito. All I need is to press a button on my bracelet at tiyak na hahanapin na ako ng BHO.
Inilapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang side ng pader. Dahan-dahan lang ang galaw ko at iniwasan ko ang mga cable.
I landed with a soft thud. Now that's something. Nararamdaman ko ang adventurous blood na dumadaloy sa akin ngayon. It's telling me that it's satisfied. For now, at least.
Tinignan ko ang pader na nasa harapan ko. May maliit na memory card na nakakabit sa ding-ding. Kinuha ko yon at namangha ako nang biglang gumalaw ang wall sa harapan ko. Looks like I don't need PJ's help this time.
Bahagya kong itinulak ang wall. The Library. I'm inside the library. Kung may pagdududa ako noon, ngayon alam ko nang kalahi nga ni Dale si James Bond at si Detective Conan.
Pumasok na ako ng library at itinulak ko yung bookshelf na ang likod ay pader ng pinanggalingan ko. PJ will s**t bricks if he finds out about this. So cool! Tinignan ko yung shelf na pinasukan ko kanina. The same shelf where I got the previous clue.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at inilagay ko don ang memory card. Iisang file lang ang nandoon. A recording. Hininaan ko lang iyon para hindi ako marinig sa labas.
***"Idiot! Papatayin mo na lang ang lalaki na yon hindi mo pa magawa? Wala ngang kalaban-laban yon satin pero hindi mo parin madale, Charles naman!"
"Wag mo kong sigawan Marga. Unang-una kung hindi dahil sa pagiging paranoid at selosa mo hindi tayo mabubuko ng lalaking yon. Sinabi ko nang walang nangyari samin ni Paula! Hindi ka pa nakuntento sa paggawa ng eskandalo, inaway mo pa ako sa mismong bahay ng lalaking yon! Everything was going smoothly. Abot kamay na natin ang pera, Marga! Napaniwala na nga nating magkaibigan lang tayo. Nandoon ako ng araw na yon para ayain sa bussiness ang lalaking yon pero pumalpak ang lahat ng dahil sayo!"
"Malay ko bang dumating siya ng oras na iyon at narinig tayo! Ni hindi niya nga ako kinausap o iniway tungkol doon kung hindi pa kami nag-away-"
"Dahil paranoid ka! Wala ka ng ibang sinabi sakin kung hindi nakakahalata na siya. Hindi siya nakakahalata, Marga! Nalaman niya lang dahil diyan sa bibig mong nagpahamak sating lahat. At hindi lang yon, you screamed like a banshee and threw a fit at me that you even put the thing about B.E.N.D. on it! Kapag nalaman ng parents ko at ng mga magulang mo-"
"Ano naman kung malaman nila? Mas mapapadali ang pagpatay sa lalaking yon dahil mas maaasahan sila kesa sa walang kwentang katulad mo!"***
Dale is really in trouble. I won't let him get hurt, of course not. Hindi ko hahayaan na masaktan siya ng B.E.N.D. Hindi ko sila hahayaang makalapit sa kaniya. Not if they kill me first.
Why? Do you care for him? Mahal mo na ba siya- No. I'm not in love with him and I won't fall to him. I'm just doing what I have to do. My job.
Yes. I want to believe that.