Chapter 9

1314 Words
CHAPTER 9 AFTER that embarrassing scene sa library, inaya na ako ni Dale na mag-almusal. Kanina pa pala nakahanda ang aalmusalin namin. Infairness masarap ang mga pagkain dito. Sa bahay kasi namin ni Kuya wala ng time para mamili pa ng kakainin. Kadalasan umuorder na lang kami. Napansin kong na a-amuse na nakatingin sakin si Dale habang magana akong kumakain. Nagtatanong na tinignan ko siya. Umiling lang siya at ngumiti. "What is it?" giit na tanong ko parin sa kaniya. "Its nothing. Nakakapagtaka lang na parang balewala sayo ang diet." Napatango-tango ako. Sanay nga pala ang isang to sa mga babaeng pinapatay ang mga sarili nila sa gutom para maging sexy. Kahit na hindi mabilis ang metabolism ko, I don't think kakayanin ko ang mga diet ng mga babaeng ginagaya ang katawan ni Paris Hilton. "I wonder what we'll do today? I can't go to work and that means we have a lot of time to spend together." sabi ni Dale. "Sabi ni Mrs. Night- ni Mama na aalis daw kayo ngayon. Pupunta kayo sa Doctor." Napabuntong-hininga siya. Halatang hindi na niya gustong bumalik sa hospital. Kung ako naman din ang makulong ng matagal sa ospital, hinding-hindi na ako ulit aapak don. "Want to come?" tanong ni Dale na biglang napangiti. "I would love to. Kaso medyo nahihilo pa ako eh. Kagagaling ko lang kasi sa mahabang biyahe kahapon nang dumiretso ako sa hospital." "I understand, baby. I'm such an idiot at pinuyat pa kita kagabi sa kakakuwento sayo." "It's okay. I enjoy talking to you, honey." Not. I’d rather sleep than talk about social life, the newest trend at kung ano-ano pang ikinuwento sakin kagabi ni Dale. Akala siguro niya ako yung klase ng babae pumapangalawa ang social life sa pinakamamahal na bagay sa mundo. Napatigil ako sa akmang pag-inom nang bigla niyang hinawakan ang ulo niya. Napatayo ako at hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi ko kasi alam kung anong hahawakan ko dahil may benda pa ang ulo niya. "I was drunk when I first saw you, right?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Lumunok ako at pilit na ngumiti sa kaniya. Calm down, Mishy. Hindi niya naman maaalala ang lahat. "Yes, sa Pazo Bar. Don't think too much. Babalik din ang lahat ng kusa. If you strain yourself mas lalo kang mahihirapan." Tumango siya at masuyong hinalikan ang kamay ko. I blushed and looked away. Tanghali na nang dumating ang mag-asawang Night para sunduin si Dale. Hindi pa sasama kung hindi ko lang siya napilit. Hindi naman ako pwedeng sumama dahil may gagawin pa ako. Nang makaalis na sila kinuha ko ang phone ko at tinext ko si kuya. I need to ask him to do something. ***TO: IHeartKuyaKo Kuya, can you please talk to Dale's doctor? I'm sure na magtatanong yon about sa sinabi ko sa kanya na hindi pwede ang physical activity between us dahil injured pa siya. Please talk to that doctor. ASAP.*** Magagawa naman siguro ni Kuya iyon. He just needed to pull some strings at madali naming malulusutan ito. Sa pagkakaalam ko rin may kilala si Kuya sa ospital na iyon, tutulungan naman siya ni Boss. Napatingin ako sa phone ko ng biglang magvibrate yon. Napangiti ako. Buti naman hindi lumipas ang isang libong taon bago sumagot si Kuya. He hates texting. ***FR:IHeartKuyaKo Got it. Lame excuse, btw =))*** Napasimangot na lang ako. Alam ko naman iyon but at least naniwala si Dale at nakalusot ako. Mabuti nang may kasunod na plano after ng 'period' plan ko. Or maybe I can just knock him out. Pumasok na ako sa loob ng library at kinuha ko na ang journal na itinago ko. Umupo ako sa office chair at sinimulan basahin ang mga entry doon na halatang tinatamad ang sumulat dahil parang kinahig ng manok ang pagkakasulat doon. May malalaking mga sulat, may maliliit, may pa-slant at mayroong halos hindi ko na mabasa dahil sobrang gaan ng pagkakasulat, nakakahilo! For a succesful businessman, masyadong maligalig ang pagkatao niya. ***January 5, 2004 Blehch! I hate writing. But my stupid brother, Draco, gave me this journal. Ano naman ang gagawin ko dito? Pero gagamitin ko na lang din. I don't want to hurt that freaky girly-faced brother of mine. Psh.*** So ang kapatid niya pala ang may bigay ng journal na to. Thanks to him at mayroon akong ginagawa ngayon sa halip na tumunganga. Dale sounded harsh when he talked about his brother pero halata namang mahal niya ang kapatid niya. Sino bang kapatid ang hindi? Kung wala siyang pakialam sa kapatid niya eh di sana itinapon niya na lang to. Tumingin ako don sa journal at binasa ko ang next entry. June na ang sumunod na entry. Ang haba ng lagpas. Kung tamad ako mas tamad pa tong si Dale. ***June 17, 2004 I met this girl. She's hot! She's beautiful, sexy, and wild. Her name is Marga Smith. Girlfriend siya ng kaaway ko. I'm gonna get her and the fact that she's the girl of the enemy made this so much fun.*** Houston, the 'ego' has landed. Tama si Boss. Trophy girlfriend nga lang si Marga at na challenge lang sa kaniya si Dale. Malas lang niya, Marga has her own game to play. A gold digging game. ***July 4, 2004 I have her. She's mine now. Hindi naman pala seryoso sa kaniya si Peter and it's not that fun like what I expected it to be but oh well, at least I have her. This is a whole new game and of course I’m not serious about this relationship! But I think I’m gonna enjoy myself, she's fun to be with and she knows the game.*** Playboy talaga. Dapat sa mga katulad ni Dale pinuputulan o kaya ikinukulong sa kung saan ng hindi na magkalat ng virus nila. Binasa ko pa ang iba pang mga entry pero wala namang kwenta. Nilagpasan ko na lang at tumalon ako sa part kung saan tatlong taon na silang mag-on. ***October 3, 2007 Marga's getting too clingy and I'm starting to hate it. She used to be fun, kaya nga nagtagal kami. Pero nasasakal na ako. Masyado narin siyang nagiging possesive. Nobody owns me, nobody. She's getting weirder each day. There's something about her that tells me she's up to something. Something I wouldn’t like.*** Nagningning ang mga mata ko. Eto na ang part na hinihintay ko. Excited na inilipat ko ang pahina ng journal. What the hell!Parang gusto kong kalmutin ang journal nang makita kong wala nang nakasulat doon. No actually may nakasulat pero parang ginawa niya lang scratch paper. May iba pang nakasulat sa foreign language na hindi ko maintindihan! Nagtatakang tinignan ko ang iba't-ibang equation na ang sagot ay 2.5.14.4. Meron bang ganon na sagot? Hindi naman ako mahina sa Math pero ngayon lang ako nakakita ng ganoong sagot. Puro point, parang initials. Napatigil ako. Initials. Initials ang mga ito! Dali-daling ginawa kong letter ang mga iyon. Ilang sandali lang ay nanghihina na napasandal ako sa kinauupuan ko. B.E.N.D.   Uh-oh. Nararamdaman kong may nalaman siya tungkol kay Marga pero not like this. He can't be involve with B.E.N.D. dahil siguradong mapapahamak siya. Nagmamadaling binuksan ko ang laptop at tinranslate ko ang mga ibang salita. Hindi masyadong accurate since Google Translate lang ang ginamit ko. Ilang linggo bago siya maaksidente ang petsa na nakalagay dito. Magulo ang naging translation sa Google pero naiayos ko naman iyon at naintindihan. ***I found something about her family. They’re evil. I heard her talking to her lover. Soon, she'll learn that I know something. She is crazy. She wants to have all my money but I’m not that stupid to let her take what’s mine. I won't allow her. But once her family finds out that I know their secrets, they would surely kill me.*** Saglit na nakatingin lang ako doon sa journal. Pagkaraan ay kumilos na ako at inayos ang mga gamit. Ibinalik ko ang journal sa ilalim ng shelf. Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya alam kong nakabalik na sila. I'm sure na may alam si Dale tungkol sa sindikato at gumamit siya ng mga numbers at iba't-ibang lengguwahe because he knows that they're after him. Dale, ano bang pinasok mo? This is more complicated than I’ve thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD