Kabanata 7

1661 Words
Kabanata 7 BITBIT ang isang microwavable na aluminum rectangular container na naglalaman ng lasagna ay lumabas kami ng unit ko at saka nagtungo sa unit ni Unit 131. Kumatok agad si Trixy sa pinto at saka tinawag ang pangalan ni Unit 131. Brix ang ginamit nilang pangalan. Bumukas ang pinto, at agad niyang pinapasok ang mga bata, pero nanatili ang titig niya sa akin at saka siya humarang sa pinto nang makapasok na sila Herbi at Trixy. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. “Uh, lasagna?” ngiti ko sa kaniya, pero hindi nagbago ang bored na aura niya. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga, “Look, I’m sorry, okay? And thank you for taking care of Herbi that night. I’m really thanking you for what you have done.” sambit ko agad bago pa man mawala sa dila ko ang mga salita. Napakurap lang siya ng kaniyang mga mata, bago niya tuluyan nang binuksan ng malaki ang kaniyang pinto at saka pinayagan na akong makapasok. He was wearing another pair of jogging pants and a tank top. Masyadong mahaba ang slit ng tank top niya sa arms, abot hanggang ilang inches na lamang ang layo sa hem ng damit. I can see his abdomen waving at me. I fought the urge to look at it. He was watching me as I lift my eyes to his. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako nang mapagtantong alam niyang nakatitig ako sa abs niyang nakalitaw. Nagmadali na lamang akong pumasok sa loob bitbit ang tupperware. Hindi ko mapigilang hindi mapa-wow nang makapasok ako sa sala niya. Marami siyang cabinet na naglalaman ng mga action figures ng pinaghalong DC Extended Universe at Marvel Cinematic Universe. Nawala na agad sa isip ko ang kahihiyang naramdaman ko kanina. Napangiti na lang ako habang pinapangalanan ang lahat ng makita kong action figures sa bawat cabinet na pamilyar sa akin. Miski sa Star Wars Universe ay halos kumpleto rin siya. Pero halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang latest Mark 48 Iron Man suit na nakasentro sa pinaka taas. “Wow.” nasambit ko na lang, “The latest suit from Infinity War. How can you avail all of these?” rhetorical ang question ko. Sa tingin ko ay napagtanto na rin niya agad dahil sa tono na ginamit ko, kaya hindi ko siya narinig na sumagot. “Ayan, Kuya Brix. May kalaban ka na.” natatawang kumento na lang ni Trixy bago siya nahiga sa sofa. Komportable ang bata, na para bang usually, ito ang ginagawa niya sa unit ni Unit 131. Itong si Herbi naman ay fixed na sa isang puwesto, hawak na ang lego version ni Darth Vader sa lapag. Doon ko rin nasilayan ang lego version ng Death Star na nakakalat sa sahig. Nasa gilid ni Herbi ang kahon. Napanganga na lang ako sa gulat. I always wanted to avail those, pero inuuna ko ang kapakanan namin ni Herbi, kaya never akong nag-attempt, kahit na ilang beses kaming umikot ni Herbi sa Toy Kingdom noon tuwing day off ko. I never got him something close to what he's holding now. Just always a mini action figure from a box of cereal—dahil iyon lang ang kaya kong i-avail. And a Death Star from Toy Kingdom! Ang Lego version ng Star Wars Carbon-Freezing Chamber ay mahigit tatlong libo ang halaga, Death Star pa kaya. “Okay, Herbi, let’s fix that!” malakas na sigaw ni Trixy at saka agad na dinaluhan si Herbi sa lapag, “Para maiuwi mo na sa inyo at mai-display!” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Trixy at agad silang sinaway, “Hindi. Anong iuuwi? Koleksyon ni—” Napatigil ako sa pagsasalita, dahil hindi ko naman kayang sabihin sa mukha ng mga bata ang pangalang Unit 131. Ayaw ko namang malaman pa nilang nagkaroon ng alitan sa pagitan namin ni Unit 131. “—ng Kuya ninyo.” “Brix—” Napalingon ako sa kaniya nang magkasabay kami ng sinabi. Sinabi niya sa akin ang pangalan niya. Pinilit kong huwag ngumiti sa kaniya at saka ay tumango na lang. Hindi ako pwedeng ngumiti. Hindi ko pwedeng ipakitang natutuwa ako na sa wakas ay nagpakilala na siya. I don’t know. I just can’t. “Eh ate, regalo kasi ito ni Kuya kay Herbi. Ito yung tinuro niya nong nagshopping kami, diba Kuys?” tapos ay kumindat pa si Trixy kay Brix—hindi ako sanay na tawagin siyang Brix. Bakit parang ang awkward? Mags-stay na lang muna akong Unit 131. “Hindi. Alam niyo ba kung gaano kamahal ang presyo ng Star Wars merchandise na ‘yan.” pagtutol ko pa sa dalawang bata. Pero narinig ko agad ang mahinang boses ni Unit 131 sa likod ko. “Accept it.” sambit niya. Noong sinabi niya iyon ay parang ininsist na niyang amin iyon, dahilan para mapapayag na rin ako. Siguro na rin ay dahil deep down gustong-gusto ko talaga ang merchandise na iyon. “Okay, Kuya Brix, number 18 na tayo diba?” bigla ay sabat ni Trixy tapos ay nagtungo sa kinalalagyan namin ni Unit 131, “Tara na Kuys, isalang mo na Thor: Ragnarok!” tapos ay hinila na agad niya si Unit 131 para pumunta sa living room. Pinanood ko lang sila na tila ay wala ako dito. Just watching from the sidelines, after all, silang tatlo lang naman talaga originally ang gumagawa nito. Siguro ay ganito ang set-up nila sa tuwing may shift ako. Hindi na rin masama, dahil nakikita ko sa mga mata ni Herbi na nag-eenjoy siya. Mawawala rin ang masalimuot na alaala niya tungkol sa kaniyang ama. “Oh, no! Thor’s in a cage. How did this happen?” narinig ko na agad ang baritono at malalim na boses ni Chris Hemsworth matapos ipakita ang Marvel Studios logo na nadarang sa apoy. “Well, sometimes you have to get captured just to get a straight answer out of somebody.” Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa daily activities nila. Pumunta na lang ako sa kitchen island ni Unit 131 na kapareho ang disenyo sa unit ko, at saka humila ng isang stool doon para maupo. Ayaw ko lang na magbago ang takbo ng activity nila dahil lang sa nandito ako. Papanoorin ko na lang sila. But I was suppose to watch everybody... pero sa isang tao lang dumadapo ang tingin ko. I don’t know why I am deeply attracted to him, pero simula nang magtungo siya doon ay sa kaniya lamang ako nakapokus. I watched as he move from place to place making the kids comfortable with anything he’s getting for them. I watched as the cloth he’s wearing move as he move, giving me a good view of his chiseled abdomen. I looked down at his length, figuring out what underwear was he wearing underneath. I was so horny and I can’t even stop myself from getting so many weird lustful ideas. I swear I was not like this before him... but... He’s head raised as he met my gaze. I was raking his whole body with my eyes that I pulled away from the intensity of it as soon as his eyes landed on mine. I was sure my face reddened due to embarrassment that he caught me staring at his body again. He patted Trixy and Herbi on their heads and then strode towards me. I couldn’t help but stare at his long limbs as he went on my direction. He had a really nice legs. “Let's talk.” nagulat ako nang biglang hawakan ni Unit 131 ang braso ko. I gasped at the unexected contact, and I saw how he gulped from hearing me. Ngayon ko lang naramdaman ang haplos niya ay tila mapapaigtad pa yata ako sa gulat dahil sa kakaibang kuryente o enerhiya na naramdaman ko. When we both recovered, he started pulling me towards the other direction. “Anong meron?” naitanong ko agad nang dalhin niya ako sa isang kuwarto. Napahalukipkip agad ako ng isara niya ang pinto. Pakiramdam ko ay maiihi na naman ako sa excitement. Is this it? Sasabihin na ba niyang gusto rin niyang may mangyari sa aming dalawa? Bakit ba attracted na attracted ako sa kaniya? Hindi ko na ikakaila pa na gusto ko rin siyang tikman. “I am a fist fighter.” panimula niya sa akin pagkasara niya ng pinto sa likod ko. Pakiramdam ko ay bumagsak ang dibdib ko sa sinabi niya. Seryoso ang mga mapupungay niyang mga mata. “I need a treatment tonight. It’s actually a big fight.” Napakunot ako sa mga salitang namutawi mula sa kaniyang bibig. Ito ang unang mga salitang nanggaling sa kaniya mismo, pero bakit parang hindi ko matanggap? “Further explain.” tipid na dagdag ko pa habang pinapanood ko ang galit na expression niya sa akin. Lust no longer surrounds me, I was all business now. Napaigting lang niya ang kaniyang panga, pero bumigay din siya at saka pinaliwanag, “May kumalabit sa akin. If I make my fight longer than five rounds at magpapabugbog din ako, kikita ako ng malaki kaysa sa normal na kinikita ko kapag round one lang knock out agad ang kalaban ko.” “Fist fighter ka?” gulat kong tanong na para bang hindi ngayon ko lang napagtanto kahit na kanina pa niya sinabi. Ngayon lang nagsink in sa utak ko. I was too dumbfounded na para bang hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya, o sa impormasyon na nalaman ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako, like he’s saying something through eye contact. Words like, I just said that to you, dumb b***h. Kahit kailan ay ayaw niyang nagsasayang ng laway. I pursed my lips at him, kind of annoyed with the look that he gave me. Umiling sa kaniya. “Illegal fight yan. Hindi mo ako isasali diyan.” kunot noong sambit ko agad sa kaniya. Napapikit lang siya sandali bago siya umiling sa akin. “I-treat mo lang ang mga sugat na matatamo ko, it’s not like isasama kita sa laro ko.” sambit niya agad na nagbuntong hininga sa akin. “Sige.” tipid ko na lang na pagpayag sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD