CHAPTER 28 Alex’s PoV “Good eve, Chief. Cong Alex. Madam,” bati ng investigator sa amin. Nakangiti, mukhang good news ang dala niya. “Kilala na po namin kung sino ang mastermind. Kilala rin po ni Madam Kiray…” “S-sino po, Sir? Wala naman po akong kilala na may galit sa akin. Hamak na manikurista at vlogger vloggeran lang ako. Ako po ba talaga ang target? Hindi kaya si Alex?” “Umamin na po ang nahuli na hitman, madam. At sinabi niyang Kiray De Masupil daw po ang target.” “Oh I see. Oo nga po pala, inspector, how's the hitman?” tanong ko. “Nasa operating room na po. Ino operahan ang gunshot wounds sa binti nito. Very nice Cong. Mukhang precise ang shooting skill mo.” I heaved a sigh of great relief. Ayoko naman mabahiran ng dugo ang aking mga kamay. Bagong kasal ako, gusto ko namang

