CHAPTER 29 Kiray’s PoV Parang gumuho ang buong mundo ko nang marinig ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan- Lovi. Hindi ako makapaniwala. Kung pwede lang sana ay bangungot lang ito ay pwede pa akong magising. Si Lovi? Paulit ulit ang pangalan niyang umiikot sa isip ko. Siya? Siya ang taong gustong magpatay sa akin? Bakit? Inggit? Ano bang kakainggitan niya sa akin? Gaya ng sinabi niya isang hamak na manikurista lang naman ako. Pareho naman kaming nakapag tapos. Siya nga eh patravel travel na lang. Kaya bakit siya naiinggit sa akin? Dahil kay Alex? Halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa mukha niya mula sa kabilang panig ng interrogation room. Ang dating kaibigan, ang dating itinuring kong kapatid, ngayon ay parang hindi ko na kilala. Si Lovi ay napupuno ng galit at inggit.

