CHAPTER 3
Alex’s PoV
“Ano ba, sasagutin mo na ba ako o babawiin ko ‘to!” tanong ko kay Kiray na halos pasigaw na dahil ayaw niyang pumayag sa offer ko na maging girlfriend siya. Tinago ko sa ilalim ng desk ko ang Dior Manicure Set.
“I'm not fake. Gusto ko isa akong totoong girlfriend! Gusto ko ng totoong hugs. Totoong kiss. Kaya hanap ka na lang ng iba.”
Nagsalubong ang kilay ko. Ayaw niyang pumayag. Gustong gusto ko pa naman siya. Pero ayaw ko ng totohanan. Eh di sinsana’y nanligaw na lang ako ng totoo.
“Ayoko nga. Narinig mo naman, mas mataas pa ang tili ko kaysa sa'yo.”
Lumapit si Kiray sa akin at seryosong tumitig sa mga mata ko. Ayan na naman siya sa pang aakit sa akin. Gandang ganda talaga ako sa kanya. Pwede siyang maging trophy girlfriend. Alam ng mga mahal ko sa buhay at mga staff ko na ganito ang tipo kong babae… noong straight pa ako.
Tumahimik lang ako at umupo sa sofa. Hindi ko kasi alam kung paano siya kukumbinsihin. Gusto ko siyang daanin sa dahas. Sa pwersa. Sa sindak.
“Pilitin mo muna ‘ko,” sagot niya.
Hays. Paano ko ba siya mapipilit?
“Miss Kiray, alam mo ba na sabi sa Saligang Batas ng Pilipinas–”
“Hoy Cong. Bakit may Sali-saligang Batas ka na ng Pilipinas diyan–”
Yan mukhang masisindak ko na siya. Kaya tinuloy ko lang.
“In accordance with the mandate of Republic Act No. 9006593—”
“Cong. please! Ugh ayaw ko niyan Republic Republic Act. Para ‘kong kriminal.”
Tinakpan ni Kiray ang kanyang mga tenga at ayaw na niya makinig pa. Of course gawa gawa ko lang ‘yang Republic Act na ‘yan.
“Ang sabi ng batas–”
“Acckkk tama na Cong. Please, oo na lang!”
Yes! Um-oo na siya. Pero bago ko pa siya kamayan ay bigla na lang may nag hiyawan at palakpakan sa paligid.
Yes! Congrats Cong! May girlfriend ka na! Finally! We’re so proud of you! Whooo!”
Nagulat kami ni Kiray nang marinig namin ang boses ni Koy na tuwang-tuwang Pagtingin namin sa paligid namin ay nakapalibot sila sa amin. I forgot na nakabantay nga pala ang security team at staff ko sa amin ngayon.
“Oy, oo lang sabi ko pero hindi pa ako pumapayag,” agad na tutol ni Kiray.
“Ay Ms. Kiray, si Cong Alex na ‘yan. Choosy ka pa ba?”
“Ay bakit Koy, si Kiray na ‘ko, may ten thousand followers. I have all the rights in the world para maging choosy.”
“Ay taray. Ganyan mga type ni Cong. Palaban,” sabi ni Helianna, ang napaka sweet at masipag kong secretary.
Bumaling si Kiray sa akin at nagkibit balikat. Mukhang seryoso na siya. Kaya sumensyas na ako sa mga tauhan ko na iwan kami ni Kiray at bigyan ng privacy.
Nang umalis na ang mga staff ko, pina-upo ko si Kiray sa tapat ko pero tinanggihan niya. Nanatili lang siyang nakatayo. Hinayaan ko na lang.
“Hindi na ba magbabago isip mo, Miss Kiray?” I asked in my deep, natural manly voice.
“Ahm, pilitin mo nga ako eh…” sagot niya na halos pabulong na at nakayuko pa.
Tumayo na ako, at nang maramdaman niyang papalapit na ako, saka niya muling inangat ang kanyang ulo. Napa-atras siya, pero nahinto rin nang wala na siyang maatrasan dahil nakaharang na ang mesa ko sa likod niya.
Napakapit siya sa gilid ng table, halatang kabado.
Hinarang ko ang aking mga braso sa magkabilang gilid niya, isinandal siya sa mesa na parang kinulong sa pagitan ng aking katawan at bisig. I cornered her, kahit hindi ko siya hinahawakan.
Tumitig ako ng matiim sa kanyang mga mata habang siya naman ay pilit na tinatago ang kaba sa dibdib.
“Gusto mo ng totoo? Totoong yakap? Totoong halik?”
Napakapit siya sa magkabila kong bisig at napa uwang ang bibig. Nakaka-akit talaga ang kanyang mala rosas na labi, nakakatakam, parang ang sarap i-kiss. Binubuhay ni Kiray ang pagka lalaki ko.
“Ah Cong. nagbibiro lang po ako.”
“I'm damn dead serious, Ms. De Masupil. I can give you real hugs.” Pinulupot ko ang bisig ko sa kanyang bewang at inilapit ko ang mga labi ko sa kanyang bibig. “I can kiss you right now.”
Inilayo niya ang mukha niya at tinakpan niya ang kanyang bibig, that only means, ayaw niya talaga.
“If you want to be my real girlfriend, ako ang ligawan mo.”
Tinulak ako ni Kiray. Alam kong masyadong ambisyoso at mayabang ang sinabi kong iyon pero hindi niya ako maunawaan. Kaya hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa bewang maliit niyang bewang.
“Miss De Masupil, kung totoong girlfriend kita, that means, totoo mo akong bf. Kaya kong magpakalalaki. At kapag nangyari ‘yon, ibibigay ko ang lahat, my whole heart, my effort, my resources, my bank accounts.”
Bumitaw na ako sa pagkaka kapit sa kanya at para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
“Tingin mo ba basta-basta na lang akong kukuha ng babae? I’ll choose someone I deserve, someone who knows my worth.”
Napatango na lang siya. I guess she finally got my point.
“So, hahanap na lang ba talaga ako ng iba? Mukhang hindi na kasi kita mapipilit.”
‘Ah hindi! Cong. Ano kasi–”
Ah, papayag na yata siya.
“Cong, ligawan mo muna ‘ko,” bulong niya. Halos hindi ko marinig kasi nakayuko ulit siya.
“What? Pardon? I can't hear clearly.”
Inangat niya ang kanyang mukha at taas-noong sinabing, “Ligawan mo muna ko kahit kunwari lang.”
Ngumiti na lang ako. Pagkatapos ay nakipag kamay.
“Deal?” tanong ko.
Nakipag kamay siya sa akin.
“Deal” sagot niya.
Kaya pinatawag ko na ang Chief of Staff ko at agad din naman itong pumasok, dala ang isang folder.
“Miss Arabella, thank you sa pag handa ng contract. You may go home now at lahat na rin kayo. Paki-sabi kay Koy na ihanda na ang car. Ipapaliwanag ko lang kay Ms De Masupil ang kasunduan.”
“Yes, Cong. You’re welcome. Take care sa pag-uwi. At congratulations for finally having a girlfriend,” sabi nito at ngumiti na lang ako. Si Arabella ang nag-ayos ng lahat. Siya naman kasi ang naka-isip na kailangan ko na magkaroon ng girlfriend na maipapakita sa publiko. Ang dami kasing issue sa akin tungkol sa pagkatao ko, to the point na ginagamit ito ng kalaban for character assassination para pabagsakin ako. Alam ng mga malalapit kong staff na bi ako. Mas alam pa nga nila ang tungkol do’n kaysa sa family ko. Of course, konting konti lang talaga silang may alam tungkol sa lihim kong pagkatao. At kapag nakalabas ang tungkol do’n sesante silang lahat.
Nang makalabas na si Arabella, sinimulan ko nang ipaliwanag ang kontrata. Binasa niya rin ng maigi. Mukhang wala naman siyang tutol. Nilatag ko ito ng maliwanag. pati ang sahod.
“So Miss Kiray De Masupil, simple lang naman ang do's and don’ts natin. Una, Kiray at Alex ang tawagan natin. Drop the Cong and horrific titles kung wala tayo sa formal gatherings. Love ang tawagan natin, Ok lang ba, Love?”
Ngumiti lang siya. “No problem, Love,” sagot niya.
“Walang makaka-alam na alam mo na… isa akong bi.”
“Yes Cong. Ay Alex pala. Ay Love…”
Napa hingang malalim lang ako. “Alright, mukhang mahirap ‘yung tawagan natin, Kahit ano na lang. Kung saan ka sanay. Basically, iyon lang naman talaga ang nilalaman ng contract, magpapanggap kang girlfriend ko, at isisikreto mo ang ikreto ko. Kung may tanong ka pa, violent reactions, sabihin mo na.”
Umiling-iling siya. “Ay oo, nga pala, Cong, hanggang kailan ang bisa nito?”
“Minimum of six months.”
‘Ha! six months? Ang tagal naman no’n.”
“Ayaw mo ba?”
“Ah hindi naman, Cong.”
“So, ok na ba? Pwede na tayong umuwi.”
“Ah… Cong…”
Tatayo na sana ako nang tila may gusto pa siyang sabihin. Ngunit nahihiya lang.
“Cong, kailan mo ako liligawan?” Namumula ang buo niyang mukha.
“Kailan? Ngayon na,” sagot ko at napabilog ang kanyang bibig.
“Pa-paano manligaw ang…”
“Ganito.”
Hinawakan ko ang kanyang kamay at ipaparanas ko sa kanya kung paano manligaw ang isang acla.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…