CHAPTER 2

1616 Words
CHAPTER 2 Alex’s PoV Isang linggo ko nang tinitiis ang kirot sa daliri ko sa paa. Na s-stress na ‘ko. Dagdagan pa ng tight shoes dahil sa trabaho ko, kailangan ay laging pormal. Kasalanan ito ng kuko ko. Nakakasira pala ng buhay ang ingrown. Pinakita ko na ito sa private doctor, nagamot naman pero bumalik ulit ang napaka kapal na ingrown in the history. Ayoko na rin sa hospital. Baka ma-issue pa sa media kung bakit ako naka-wheelchair sa isang budget hearing dahil lang sa... ingrown. I'll be a laughing stock, and I don't ever want that to happen. “Hanapan niyo ako ng top-rated manikurista. Iyong discreet. Iyong hindi mukhang gurang at hindi rin tsismosa,” utos ko sa mga tauhan ko. “Yes Cong!” Paalis na sana si Koy pero parang may nalimutan siya. “May ganu'n ba, Cong? Yung mukhang hindi tsismosa? Kahit nga sa sementeryo may tsismosa.” “Bahala ka, problema mo na ‘yan.” Lumipas ang dalawang araw, dumating ang report mula kay Koy. “Cong, may nakita akong promising. Si Kiray De Masupil. May sariling salon. Wala pang assistant. Gumagawa ng lahat. Marunong gumawa ng electric fan, remote, tubo, swimming pool, poste, at magaling magpa-ungol.” “Tubo? Swimming pool? Poste? Magpa-ungol!” “De joke lang, Cong. Ang OA mo. Nagla-livestream.” “Livestream?” Pinanood ko muna ang kanyang mga vlogs at past videos pagkatapos ay inabangan ko na rin ang livestream. Meron siyang tumataginting na 46 live viewers. "Love lingers at the tips of your fingernails." Ay ang ganda ng sinabi niyang iyon. Iyon ang outro niya sa kanyang mga vlogs. Dahil do’n, I decided to give her a gift that will surely make her eyes sparkle. Isang deluxe limited edition ng Dior manicure set. Sympre sa akin niya lang gagamitin ‘yon. “Sige Koy, Pakidala ‘yan si Kiray dito,” utos ko sa tauhan ko. “’Yun nga lang sir, medyo… maingay. Pero magaling.” At doon na nga nagsimula ang kidnapping kuno. Pasensya na at wala akong oras para sa formal invitation. Ingrown ‘to. Emergency. Naka monitor ako habang dinadala si Kiray dito sa bahay. Ang daldal nga niya. Mapapahamak pa yata ako hindi lang dahil sa ingrown kundi sa bibig ng babaeng ‘to. Well, mukha naman kasing goons ang mga tauhan ko kaya baka takot na takot talaga siya. Kaya pinapa facial spa ko pa ‘yang mga ‘yan every month at kasama ang skincare sa kanilang allowance. Siguro foot spa na talaga ang kailangan. Nang dumating na si Kiray sa office ko, tinulak siya ni Koy at muntik na mapasubsob sa sahig. Ang arte kasi. Pero natulala ako nang pag angat niya ng kanyang ulo ay nakita ko ang kanyang pinkish lips. Mas maganda sa personal ang kulay ng lipstick niya. Parang mas bagay sa akin, natural pink lang. Nanlaki lalo ang mata ko nang makita ang napakaganda niyang kuko. First time kong ma-love at first sight. Tinulungan ko siyang tumayo. I can't help but to admire her fingernails. Of course her pretty face. Nilabas ko ang attaché case. Discreet kong nilagay ang Dior Manicure Set sa loob nito. Muntik pa ngang mapagkamalang sha*bu ‘yan sa sobrang discreet. Alam kong matutuwa si Kiray sa manicure set na binili ko. Hindi nga ako nagkamali. Napanganga siya sa sobrang kaligayahan. Hinayaan ko siyang simulan ang trabaho. Una palang, ramdam ko na ang galing niya. Ang lambot ng kanyang mga kamay at magaan. Buti na lang. Pero habang lumalalim ang kutkot, lumalalim din ang sakit. “Uggh…” Hindi ko mapigilan ang mga impit kong ungol. Ang lakas niya, ang precise ng mga galaw. “Ang tigas Cong! Nahihirapan ako!” “Hu..huwag mong… huwag mong lakasan boses mo, ug*h!” Napapikit ako sa sakit. Baka may makarinig sa pinagsasabi niya. Ma-issue na naman ako. At nang maramdaman kong sumagad na ang kutkot niya sa loob ng laman ko, nagdudugo na. Gusto ko na talaga manipa. Pero sobrang ganda ni Kiray. I can’t. Kaya hindi na ko nagpanggap pa, hinablot ko na ang ulo niya at kumapit sa kanyang malambot na buhok at sinabunutan ito. Aanhin ko naman ang imaheng macho kung mamamatay naman ako dahil sa ingrown. “Aaaahhhh! Aray ko accclaaaa ang sakiiiit!” Binuhos ko ang lakas ko sa sigaw na ‘yon. Nahulog ang pusher na hawak niya. Napanganga at tulala sa akin. Nakita ko ang pagkabiglla sa kanyang kaluluwa. Expected ko naman ang reaction niya. Tumayo agad ako. Pawis na pawis. Kusang tumulo ang luha ko sa sobrang sakit. Naalala ko ang masakit na nangyari sa buhay ko. Parang natalo sa eleksyon. Ah no, parang bumalik sa akin ang sakit noong binusted ako ng niligawan ko nung high school. Napakasakit talaga no'n kasi hindi naman siya maganda. “Ayoko na akla, super sakit,” sabi ko. “Hindi ko pa tapos ang kuko mo, please pakutkot congressman!" "No! Ayaw ko na." "Cong! Nakakasira ng buhay ang ingrown!” Natulala ako, para akong sinampal ni Thanos. Fvck! Pareho kami ng pananaw at paninindigan- nakakasira talaga ng buhay ang ingrown! Ayaw maniwala sa akin ng mga taong akala ko ay buo ang tiwala sa mga pinaniniwalaan ko. Sa wakas at finally, natagpuan ko na ang taong makakaintindi sa akin. Tiningnan ko siya. Pawisan na rin, pero buo ang loob. Baka ito na nga ang taong makakaalis ng pokenanginang ingrown ko. I don’t curse. I don't say vulgar words. I’m an eloquent speaker. Kapita-pitagan. Kagalang-galang. Not to mention gwapo since birth at ever since the world begun. Pero dahil sa ingrown ko, lumabas ang pagkaborta ko. Na-stress talaga ako. Gusto ko na mag break down. Napa hawak ako sa sentido ko. I just can’t believe na inaaway ko ang sarili ko dahil sa aking ingrown. I failed big time. I’m so disappointed with myself kung bakit ang daming problema sa mundo… bakit ito ang pinoproblema ko? Hindi ako natinag ng mga chismis. Nakatanggap na rin ako ng mga death threats dahil sa pulitika pero bakit parang ang ingrown ko ang magpapabagsak sa’kin? “Pakutkot, congressman, please. Promise, matatanggal ‘yang ingrown mo.” “Pero sobrang sakit talaga. Lumalabas ang tunay kong kulay.” “Hulaan ko… PINK!” at sinigaw pa ni Kiray ng malakas kaya nabigla ako at napasigaw ako ng— “Trulalu!” Napahawak kamay kaming dalawa sa sobrang saya. Pero bigla siyang natahimik. Napayuko ng bahagya si Kiray. Malungkot ang kanyang mga mata. Tumitig siya sa mga mata ko at napansin kong natural pala ang eyelashes niyang mahaba. Hindi extension. She's so pretty. “Cong, kapag hindi nakuha ‘yang ingrown mo, mapuputol ang paa mo. Paano na ang mga consequence mo?” “Paa kaagad? Pwedeng daliri muna? Ano ako walking ingrown? Saka it's constituents.” “Whenever,” sagot ni Kiray na naka-ismid. Iko-correct ko pa sana siya pero siya na rin agad ang nagtama sa sarili niya. “Oh, oo alam ko namang wrong grahams ‘yon. Tinetest lang kita. Corrected by ka naman palagi. Mahhirapan kang magka-anak niyan. Ang perfectionist mo.” Hindi ko alam kung anong connect ng perfectionist sa matres ko, ay wala pala ko no’n. Kaya siguro hindi ko ma-connect. Napahugot ako ng malalim na paghinga at bumalik sa kinauupuan ko. Muli kong nilagay sa hita niya ang duguan kong paa. Buo na ang loob ko. Ibubuhos ko na ang natitirang pagka lalaki sa kaloob-looban ko, titiisin ko na lang ang sakit. Baka ito na ang parusa ko, ang karma sa mga nagawa kong kasalanan. Bata pa lang kasi ako nanonood na ko ng bold. Gumamit din ako ng dummy accounts para makipag trash talk sa haters ng Bini at Blackpink. Kumapit ako ng mahigpit sa armrest ng sofa at buong tapang kong hinarap ang sakit. At sa wakas! Nahugot niya rin ang salarin. Napakalaking kuko na nakabaon sa gilid ng daliri ko. Ang lamig ng pawis ko at pati si Kiray ay tumagaktak din ang pawis. That was really intense. Nag-ubusan kami ng lakas. Ang galing nga niya magpa-ungol. Ilang lalaki na kaya ang pina-ungol niya? Nilinis niya na ang kuko ko at nilagyan ng gamot. Tumayo na siya at nagbilin ng mga dapat kong gawin para sa recovery ng daliri ko at paano maprevent ang ganito kalalang ingrown. Sa totoo lang, I really like her. Magaan siyang kasama at mukhang mapagkakatiwalaan. She's the perfect candidate for the one i've been searching for. Kaya bago ko pa ibigay sa kanya ang bayad ko para sa magandang serbisyo niya, in-offeran ko siya ng isang kontrata. Tuwang tuwa siya at buong puso niyang tinanggap ang alok ko na maging private manicurist ko. “Kiray, may isa pa akong offer, I hope you'll consider.” Ngumiti lang siya. Mukhang payag naman. “Magpapanggap kang girlfriend ko.” Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Nakasimangot na siya lalo pa nang binanggit kong we will hug each other and even kiss. “Cong. Huwag mo ‘kong idamay sa mga trip mo sa buhay. Marami akong ginagawa. Busy akong tao. Alam mo ba, alas kwatro ako nagigising, tapos ang dami kong raket, hindi lang ako basta manikurista. Hirap na hirap na nga ko sa buhay ko, ilang oras na lang ang tul—” Sinara ko na ang attaché case na limited edition deluxe Dior manicure set na regalo ko sana pero dahil ayaw niyang pumayag sa offer ko, babawiin ko na lang. “Hoy, hoy, hoy Cong, bakit mo kinukuha ‘yan. Bayad mo sa'kin ‘yan!” “Ano ba, sasagutin mo na ba ako o babawiin ko ‘to!” tanong ko na halos pasigaw na. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD