Blessing in Disguise

Blessing in Disguise

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
others
friends to lovers
independent
drama
sweet
bxg
humorous
lighthearted
bold
like
intro-logo
Blurb

She lives no boyfriend since birth.

It shatters her that no man truly loves her.

It breaks her heart that nothing works out.

She's desperate for something, for someone.

She wants to find her true love yet love will always find her.

***

Carla Estrella, an engineering student who got bored on the day of valentines and finds her soulmate on omegle. Will this be her last day with him? Or will they meet again? Will he be her blessing in disguise or not?

ic_default
chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nasa loob ako ngayon ng aming classroom. Mararamdaman mo na araw ng Valentines ngayon. May naghaharana sa ibang klase, may nagbibigay ng tsokolate at bulaklak sa mga babaeng napupusuan nila. Mayroon ding mga nagbebenta ng ampalaya sa mga bitter na tao. May kumatok na naman sa pintuan, kanina pa 'di matapos tapos ang leksiyon ni Ma'am. Sumenyas naman si Ma'am na papasukin ang tao sa labas. Nang pumasok ang nakasalamin na estudyante. "Ma'am, excuse me po. Nandito po ba si Alyanna?" tanong ng lalaki na may hawak na bulaklak at cupcake. Hiwayan naman ng buong klase. Pati si ma'am napangiti. Kainis akala ko pa naman ako na. Bakit walang nagbibigay ng bulaklak sa'kin at cupcake. Pati mga friends ko 'di man lang ako binilhan. Kainis naman. Sayang ang ganda at damit ko. Wala man lang natanggap na bulaklak. Umalis na ang lalaki. At mababakas sa mukha ni Alyanna ang tuwa at kilig. Tss. May kumatok na naman sa aming classroom. Tinigil na ni Ma'am ang pagtuturo dahil nadidisturbo na siya. Binuksan naman ni Ma'am ang pintuan saka pinapasok ang mga kalalakihan. Mga apat sila, ang isa ay may hawak na bulaklak, at ang isa naman ay may hawak na gitara. Siguro 'yong dalawa ay kakanta. "Ma'am, manghaharan po kami. Nandito po ba si Francheska?" tanong nila. Ano ba naman yan. Akala ko kung ako na. Wala bang tatawag sa pangalan ko. Gusto kong itaas ang kamay ko. Kaso baka pagtawanan lang ako ng kaklase ko. Feeling ko naman na ako 'yong haharanahin, eh. Nag umpisa na silang kumanta ng Photograph ni Ed Sheeran. Napakaganda ng boses ng lalaki. Siguro mai-inlove talaga sa kanya si Francheska at ang mga kaklase kong babae. Halatang kinikilig si Francheska nang binigay sa kanya ang bulaklak. Pagkatapos kumanta ng mga lalaki ay pumalakpak kami. At saka umalis na sila. Hinintay nalang namin ang oras bago matapos ang klase dahil sa tuwing magtuturo si Ma'am laging may pumapasok sa room. Hinayaan nalang kami ni Ma'am na makipagkwentuhan sa katabi. Kaso ako wala akong ganang makipagkwentuhan. Hanggang sa narinig na namin ang bell. Umalis na kami sa room. Pumunta ako sa mga booth ng mga organization. Makikita mo ang mga lobong hugis puso o kaya naman kulay pulang lobo. Meron naman nagbebenta ng mga pula at puting rosas. Gusto kong bumili kaso 'di kasya sa budget ko. Mayroon din kumukuha ng litrato o picture booth. Inalok ako ng nasa booth kaso umiling ako. Ano 'yon mag isa ko lang na magpi-picture sa booth. Tapos hawak ang card na #single or #walangforever. Nahhh. I like it na 'di na ako lalahok sa mga booth na yan. Pero why not baka mahanap ko na ang the one ko. Malay ko hinahanap niya rin ako. Kanina pa ako lumilibot sa iba't ibang booth halos mga lalaki ang bumbili ng bulaklak para ibigay sa natitipuhan nilang babae. Kaso nakaramdam na ako ng gutom. Kakain na lang ako sa labas. Mas nakakabusog pa ang pagkain doon. Makikita mo sa daan ang mapupulang hugis-puso na lobo, mga magkasintahang magkahawak kamay, mga inaalok na bulaklak sa daan, mga tsokolateng binebenta. Damang-dama mo na Araw ng Puso ngayon. Hay, naku! Valentines na naman. Wala man lang akong ka-date ngayon. Makabili na nga lang ng paborito 'kong takoyaki sa Porta Vaga. "Ate, pabili po ng takoyaki sampung piraso" sabi ko sa tindera. Puno ng kakaibang kulay ang takoyaki dahil sa sauce na nilagay ko tulad ng ketsup, mayonnaise, garlic at mustard ang takoyaki. Woah!! Ang sarap talaga ng takoyaki ni Ate. Pati sauce nakakatakam. February 14 ngayon! Tingnan mo ang daming magjowa na nasa daan. Nakakainggit naman sila. Eh ako, nandito nakamukmok lang sa tabi kumakain. Maganda naman ako. Bakit wala man lang makipagdate sa akin. Siguro sadyang di ko pa talaga oras na makita ang the one ko. Habang ninanamnam ang sauce ng takoyaki, may naisip ako. Paano kaya kung mag-omegle ako. Pwede naman 'yon hindi ba? Maghahanap ng ka-date sa omegle. Wala namang masama unless may ibang balak ako. Napangisi ako. Binuksan ko ang aking phone at data. Pumunta ako sa browser at inilagay ang omegle.com Nakakailang kausap na ako at wala pa ring matino. Palaging tinatanong sakin 'horny?' Ano ba yan ikakatuwa ba nila yan? Pansamantalang kaligayahan lang 'yan eh. Wala naman silang mapapala. Last na talaga 'to! Kapag wala pa uuwi na ako sa boarding house. Omegle chat Common interest: Baguio Me: hi Stranger: hi Me: asl? Stranger: m Me: f Stranger: 25 Me: 22 Stranger: kamusta? Me: ayun naghahanap ng ka-date Stranger: really? Me: Yeah, pwede ka ba? Stranger: uhm Me: ay sige wag nalang Stranger: bakit ka pala naghahanap ng kadate? Me: wala bored, wala na ako klase atsaka valentines ngayon Me: may gagawin ka ba? Stranger: ahh okay, wala naman akong gagawin Me: Yun oh. Sama ka na magdate hahaha Stranger: libre mo ba? Me: hindi ah, libre mo dapat Stranger: ayy, kkb nalang. g ka? Me: sige. g ako Stranger: saan magkikita? Me: SM Stranger: sige maliligo lang ako tapos sasakay ng jeep Me: taga saan ka ba? Stranger: aurora hill Me: bilisan mo ha, malolobat na ako Stranger: uwi ka muna sa bahay niyo Me: ayaw ko na umuwi. Dito lang ako sa porta vaga tumatambay Stranger: sige text nalang kita ano number mo? Me: 09754073156 Me: hi wag ka mag expext na maganda ako ha Stranger: oo naman, wag ka rin mag expect na ganun ako kamacho o kagwapo sa iba Me: okay Stranger: nagtext na ako Me: end ko na ha Chat ended May nakita akong text. 'Hi' ang nakasulat. And I said 'Hello'. I'm so excited because this is my first time to date a stranger. Nakakakaba kasi baka holdaper siya o anong masamang nilalang pero sa tingin ko hindi naman. 'Di ko alam ang itsura at katauhan niya pero siguro matino naman siya. Ewan ko ba bakit ganito ang naisip ko para naman akong desperado sa ginagawa ko. Bahala na. Sana maganda ang kinalabasan ng date namin. Nakita ko ang aking phone at malolowbat na ako. Pinatay ko na muna iyong data ko. At saka ako pupunta sa SM mamasyal at maghihintay. Ps. This is my first time na magsulat ng story. Sorry kung may typo, grammatical errors. Di po kasi ako sanay. Sana mag enjoy kayong basahin ito. Thank you

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Best Friend Ko True Love Ko (Completed/Tagalog Story)

read
16.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
100.7K
bc

My Little Wife [Tagalog]

read
146.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
162.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
94.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook