bc

When it happens

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
self-improved
student
bxg
mystery
female lead
campus
small town
childhood crush
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Maxine Kim, 17 years old, isang ordinaryong babae subalit simula nang mamatay ang kanyang nag iisang lola na nagpalaki sa kanya, nagsimulang magbago ang buhay niya. Ang panaginip ay maituturing na karaniwang nararanasan ng isang tao, pero anong gagawin mo kung ang mga panaginip mo ay nagkakatotoo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Ang babaeng nakaputi
MAXINE’S POV “Sino ka?” tanong ko sa babaeng nakaputi. Mahaba ang kanyang itim na buhok hanggang sa kanyang beywang. Nakaupo siya sa gitna ng damuhan at nakatalikod sa akin. Tiningnan ko ang paligid, nakatayo ako sa gitna ng damuhan. May iilang puno sa paligid na nagbibigay ng aliwalas sa paligid. Meron ding mga ibon sa paligid na parang sumasayaw kasabay ng pag ihip ng hangin. Nasa isang dalawang metro ang layo ko sa babae. Hindi siya sumagot, di ko alam kung narinig ba niya ako o hindi. Tiningnan ko ang paligid, walang mga tao at tanging ako lang at ang babaeng nakaputi ang nandito. ‘Nasaan ba ako?’ tanong ko sa sarili ko.  Hindi ko maalala kung paano o bakit ako narito. Hindi ako pamilyar sa lugar, dahil wala akong makitang kahit isang bahay dito. Tanging mga d**o, at iilang puno lang nakikita ko. Sinubukan kong lapitan ang babae baka sakaling alam niya kung nasaan kami. Bawat hakbang na ginagawa ko, pakiramdam ko lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Hindi ko alam pero parang unti unti akong nakakaramdam ng kilabot habang papalapit ako sa babae. Ngayong isang metro na lang ang layo niya sa akin, napansin ko na parang humihikbi siya dahil sa paggalaw ng mga balikat niya. “Are you okay?” tanong ko rito. Kahit na isang metro lang ang layo niya sa akin, alam kong narinig niya ko dahil sa saglit na paghinto ng balikat nito. Ngunit ilang segundo lang, ay gumalaw ulit ito, para bang binalewala niya lang ang narinig niya. Ngayong malapit na ako ng kaunti ay malinaw kong nakita na nakasuot ito ng hospital gown. Pasyente ba siya? Bakita siya nandito? Nasa likod niya ko, kaya sinubukan kong kalabitin ang balikat niya. “Miss?” tawag ko rito ngunit parang di ako narinig. Sinubukan komg umikot paputa sa harap niya at nakita kong nakayuko ito. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha kaya di ko makita. Pero malinaw na humihikbi ito. “hihihihihi” Napaatras ako ng biglang huminto ito sa paghikbi at napalitan ng hagikhik. Shit. Napaawang ang bibig ko nang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang kaninang maaliwalas na kalangitan, ngayon ay unti unting nababalot ng kadiliman. “hihihihihi” Napatingin ulit ako sa babae na ngayon ay unti unting lumalakas ang hagikhik. ‘Sh*t’ Sabi ko sa isip ko nang may dugong tumutulo mula sa ulo nito. Di ko alam pero bigla.akong kinilabutan sa nakita ko. Sinubukan kong umatras ngunit di ko magawa, para bang na nastuck ang mga paa ko sa di ko malamang dahilan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng unti unting itinataas ng babae ang kaniyang ulo. “Sino ka?” tanong ko rito ngunit di pa rin ito sumasagot. ‘Ahhhhh’ napasigaw ako sa isip ko. Di ko alam bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo nang malinaw kong nakita ang kanyang mukha. Gustong umatras at tumakbo ngunit di ako makaalis sa pwesto ko. Puro itim ang kanyang mga mata at lumuluha ng dugo at alam kong nakatingin sa akin. Ang labi ay may kaunting bitak at namumutla pero nakangiti at tumatawa. Di ko kayang tingnan ngunit di ko maalis ang mga mata ko sa kanya, para bang may humahawak ng ulo ko para di maalis ang tingin. Naiiyak na ako at nararamdaman kong nanginginig na ang mga kamay ko at paa ko. ‘huwag mo kong saktan’ sabi ko sa isip ko pero alam kong walang makakatulong sa akin dahil kaming dalawa lang ang nandito. Nagulat ako ng bigla itinapat niya ang isang kamay niya sa akin na para bang inaabot niya ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib. ‘sh*t sh*t sh*t’ di ko alam kung ilang mura na ang nabigkas ko, pero alam kong wala akong magagawa kung hindi magdasal na sana may himalang mapadpad dito at tulungan ako. “Tulungan mo ko, Maxine. Hihihi huhuhu,” sabi nito. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. At kailangan niya ng tulong? Di ko alam kung baliw ba to dahil umiiyak siya tapos biglang tatawa. Yung iyak niya ay hindi siya tulad ng naririnig ko na parang maaawa ka, at ang tawa niya ay lalong nakakakilabot. “Tulungan mo ko, Maxine. Hihihi huhuhu,” sabi ulit nito. Paulit ulit lang niya itong sinasabi na parang sirang plaka. ‘Tama na!’ sigaw ko sa isip ko. Unti unti siyang humahakbang papalapit sa akin habang sinasabing tulungan ko daw siya. ‘Ito na ba katapusan ko?’ Wala akong magawa kung hindi tingnan ang nakakakilabot na babaeng duguan na lumapit sa akin. ‘Heto na siya’ Unti unti niyang nilapit ang mukha nito na nagbigay sa akin na nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Para bang lalabas na ang puso ko sa sobrang takot nang biglang may humila sa balikat ko. Di ako makagalaw at at wala akong magawa kung hindi hayaan ang katawan ko na hilahin ng kung sino man. Di ko makalingon, malamang dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Habang ang mga mata ko nakatingin sa babaeng galit na galit na papalayo na sa akin. Di ko alam kung bakit di kami hinahabol ng babaeng nakaputi. Akala ko ba papatayin niya ko? Bakit di niya ko hinahabol? Pero maya maya ay napalitan naman ito ng tawa ang kaninang galit na babae. Ng unti unti nang lumalayo sa paningin ko ang babae na siya namang unti unting paggalaw ng katawan ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay na nakahawak sa amga balikat ko. Nagulat ako dahil ang lamig ng mga kamay niya. Ang kaninang takot na naramdaman ko ay bigla namang bumalik. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay iyon na lamang ang naririnig ko nang biglang huminto ito sa pag hila sa akin. Tinanggal na rin niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Di ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko pero sinubukan ko pa ring tumayo. Hindi siya nagsasalita kaya dahan dahan kong nilingon ang nasa likod ko. ‘isa’ ‘dalawa’ ‘tatlo’ Bumilang ako ng tatlo habang dahan dahan na lumingon. Laking gulat ko sa taong humila sa akin. “hihihihi” Hagikhik nito na siya namang dahilan ng pagkatumba ko. “Tulungan mo ko, Maxine. Hihihi huhuhu” sabi nito. ‘P-Paano ito nangyari?’ siya lang naman yung babae kanina. Dalawa sila? Pinaglalaruan ba nila ako? “MAXINE!!!” “MAXINE!!!" Nagulat ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.9K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
300.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook