“MAXINE!!!”
Napabalikwas ako ng bangon ng may pares ng kamay ang yumuyugyog sa balikat.
“MAXINE!!!” tawag ni faye sa akin.
“Thank God!” buntong hininga naman nito at umupo sa kama.
“Bakit?” tanong ko rito. Napansin ko na basang basa ako ng pawis.
“Anong bakit? Kanina ka pa sigaw ng sigaw habang tulog ka girl. Akala ko kung napano ka na,” dire-diretsong sabi nito sa akin. Napabuntong hininga ako nang malaman kong panaginip lang pala iyon. Buti na lang.
“Ano bang napanaginipan mo?” tanong nito sa akin.
“Di ko na maalala eh. By the way, thanks for waking me up, you should go back to sleep,” pagsisinungaling ko dito. Di ko pwedeng isabi sa kaniya ang napanaginipan. Hindi pwede.
“Bakit naman? Okay lang. Nawala na antok ko eh,” pangungulit nito.
“Di ko na talaga maalala tsaka kung maalala ko man, baka di mo makalimutan dahil sa sobrang nakakatakot. Mapanaginipan mo pa,” pagdadahilan ko.
“Aish. Sige na nga. Goodnight girl, I mean Good morning na pala,” sabi nito at bumalik sa higaan niya.
Tiningnan ko ang alarm clock, alas tres na pala ng umaga. Na naman.
Maaga pa, gustuhin ko man matulog pero ayaw ko na. Baka mapanaginipan ko ulit yun. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Pagkatapos, dahan dahan kong binuksan ang pinto at isinara ito, baka magising si faye.
Dumerecho ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Nagulat ako nang makita ko ang isa sa borders sa kusina na nakaupo.
“Can’t sleep?”tanong ko at kumuha ng tasa.
“Yeah, how about you?” sabi nito. Nakasuot siya ng sando na puti at pajama.
“Same here,” pagsisinungaling ko. Ayokong sabihing binangungot ako at ayaw ko nang matulog ulit dahil sa takot. Wala lang, ayaw ko lang.
Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay pumunta ako sa balcony sa second floor. Kasalukuyan akong nanunuluyan sa isang dormitory dahil malayo ang school namin sa bahay. Meron itong limang palapag at nasa pangalawang palapag ang room ko kasama si faye. Alternate ang style ng rooms, sa second floor any may three rooms na puro lang sa babae, at sa third floor naman ay para sa mga lalaki, sa fourth floor naman sa mga babae, at sa fifth floor ay para sa mga lalaki. Merong mga banyo kada palapag kaya hindi mag uunahan sa paggamit dahil may limang cubicles naman kada banyo. Malaki ang dormitory na ito at pag mamay ari ng school.
“By the way, I’m Renz,” pagpapakilala nito sa akin.
“Maxine,” sabi ko naman at nakipag shake hands dito.
Sumunod siya sa akin dahil wala daw siyang makausap. Pumayag na rin ako dahil mukhang mabait naman. Di ko siya kilala dahil dito ko lang siya nakita sa dormitory. Galing daw siyang America sabi ni Miss Lopez, ang nag mamanage ng dormitory na ito. Halata naman dahil sa ayos at mukha niya. Mas maputi siya sa akin, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, blue eyes, at namumula ang labi. Ash brown naman ang kulay ng buhok nito at medyo kulot. Matangkad siya, siguro nasa 5’9”.
Napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng bigla siya lumingon sa akin.
‘Di naman niya siguro napansing nakatitig ako sa kaniya?’ sabi ko sa isip ko.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.
‘Oy teka! Anong gagawin nito?’ napapikit ako.
“Here,” sabi nito. ‘Huh?’
Napadilat ako at nakita ko siya nakaupo.
“Take a seat, or do you prefer to stand for hours?” sabi nito. Napalingon ako sa likod ko at nakitang may upuan nga. ‘Ano bang iniisip mo, Maxine?’ sabi ko sa isip ko at kinuha ang upuan at umupo.
Malapit nang magpakita ang araw pero nakikita ko pa rin ang mga bituin. Ang gaganda nila. Naalala ko tuloy si Lola.
Flashback:
“Anong ginagawa mo dyan, La? Kakain na tayo,” sabi ng 5 taong gulang na si Maxine.
Sa labas ng isang maliit na bahay sa tabing dagat nakaupo ang matandang babae na lola ni Maxine. Siya ang nagsilbing magulang ni Maxine matapos itong iwan ng kaniyang mga magulang. Hindi na nakilala ng bata ang kaniyang magulang dahil kahit litrato ay wala itong iniwan kay Maxine. Silang mag lola na lamang ang magkasama sa buhay.
“Halika dito apo,” yaya nito kay Maxine.
“Bakit lola?” sabi ni Maxine at umupo sa tabi nito.
“Nakikita mo yang mga bituin?” tanong niya sa kanyang apo.
“Opo,” sagot naman ni Maxine.
“Kapag malungkot at mag isa ka, tumingin ka lang diyan,” sabi ng matanda.
“Bakit naman po?” tanong ni Maxine at mukhang naguguluhan.
“Isipin mo na balang araw, magiging isa rin ako sa mga yan. Sa ganon, parang magkasama pa rin tayo kahit saan ka magpunta,” paliwanag ng lola.
“Aalis ka ba, lola? Iiwan mo ba ako?” naiiyak na sabi nito.
Nataranta naman ang lola ni Maxine at pinatahan ito.
“Naku hindi. Hinding hindi ka iiwan ni Lola tandaan mo yan. Dahil mahal na mahal kita,” sagot nito.
“Talaga lola? Mahal na mahal din kita,” sabi ni Maxine at niyakap nito ang lola.
End of Flashback
Napangiti ako Maxine nang maalala niya ang mga sandaling iyon.
‘Miss na kita, lola’ sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa mga bituing unti unti nang nawawala dahil malapit ng magpakita ang araw.
“Are you okay?” tanong ni Renz.
Nabigla ako nang biglang magsalita si Renz. Di ko alam kung ilang minuto rin kami naging tahimik at ngayon lang niya naisipang magsalita. Kadalasan kasi, hindi ako ang unang nagsasalita. Akala ko mag aantayan lang kami dito kung sino unang magsasalita. Wala naman kasing pwedeng mapag usapan at saka hindi kami close.
“Huh? Ah…Yes, why?” sabi ko.
“You have been staring up there for too long,” sabi niya.
“Is that so? Hehe it’s nothing,” sabi ko at napakamot na lang ako sa ulo ko.
“Anyway, thanks for the accompany. It’s so nice to meet you,” sabi niya at ngumiti sa akin. Sakto sa paglabas ng araw ay siya namang pag ngiti niya. Di ko alam pero ang gwapo pala niya oag nakangiti. Di ko namalayan napangiti na pala ako.
“Girl!” tawag ni faye. Mukhang kakagising lang niya.
“Andito ka lang pala with that guy!” sabi nito sa akin kaya napataas ang isang kilay ko. Baka kung ano na iniisip nito.
“It’s not what you think,” sabi ko.
“Then why are you blushing, huh?” panunukso nito sa akin kaya napahawak ako sa pisngi ko.
“Halika na nga!” sabi ko at hinila ito.
Kahit sa pagbalik namin sa room ay tinutukso pa rin ako nito. Aigoo.