CHAPTER 3: The Happening

947 Words
My grandmother who raised me died when I was 15 years old and it was 2 years ago. After that, may lumapit sa aking mag asawa, si Mr. and Mrs. Garcia. Kakilala daw ni lola, and before she died, nakipag usap na pala si lola sa kanila na aampunin ako ng mag asawa dahil di ako pwede iwang mag isa dahil nasa minor age pa ako at pag nagkataon, baka dahil ako sa ampunan. Matagal na silang kinausao ni lola, inantay lang nila ang pagkakataon na ito dahil ayaw nila akong mabigla. Ngayong mag isa na lang ako, sa kanila na ako tumira. Mabait naman sila, wala akong masasabing masama dahil lahat ng pangangailangan ko kahit di ko naman hinihingi ay binibigay nila. Wala silang anak dahil hindi na pwedeng magkaanak si Mrs. Garcia. Napaluha ako ng maisip ko na buhay pa si lola pero iniisip na niya ang magiging kalagayan ko pag nawala na siya. Di ko man lang siya nabigyan ng magandang buhay bago siya nawala. Pinunas ko ang luha ko at inayos ko ang school uniform ko. Kasalukuyan akong nasa ikatlong taon sa high school. Dapat nasa second year pa lang ako pero naaccelerate ako sa third year. Nang makapagtapos ako sa elementary, huminto ako at hindi agad nag high school dahil alam kong hindi kaya ni lola ang gastusin kaya sabi ko mag iipon muna kami. Pero hindi ko akalain na hindi na pala kami aabot doon dahil bigla nang namaalam si lola. “Let’s go,” aya ni Faye. Si Faye ang nagsilbing kaibigan ko simula nang mag aral ako dito sa Bayview Academy. Walang akong kakilala kahit isa at siya ang unang lumapit sa akin at nakipag kaibigan. Mabait at kalog si Faye. Wala naman akong nakikitang masama kung makikipag kaibigan ako sa kaniya. Maganda naman si Faye, maputi, at may maiksing itim na buhok hanggang balikat. Mas matangkad ako sa kanya, at medyo slim ang katawan. Mas madaldal siya kaysa sa akin at palakaibigan. Hindi ako mahilig makipag usap sa iba maliban na lang kung sila ang unang kakausap sa akin. Pero may mga pagkakataon naman na ako ang unang kakausap kung kailangan. Introvert nga sabi nila. Nasanay kasi ako, na si Lola lang ang palagi kong kasama. Habang naglalakad kami papuntang school, may babaeng biglang bumangga sa akin. “what the—” ani ni Faye at pinulot ko ang mga nahulog kong mga libro. “huhuhuhu” napatingin kami sa babaeng nakabangga sa akin, bigla na lang umiyak. Napansin ko ang suot niya, naka patient gown. “Miss? Okay ka lang?” tanong ko sa babae na ngayon ay nakaupo sa sahig. Mukha siyang umiiyak. Pagkatapos kong pulutin ang mga gamit ko ay nilapitan ko ang babae. Sinubukan kong tapikin ang balikat niya pero patuloy pa rin ito sa paghikbi. “Miss?” sabi ko. Natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha kaya di ko siya mamukhaan. Nagulat ako ng biglang huminto ito sa pag iyak at bigla tumawa. “hihihihihi” nahalata kong biglang natakot si Faye kaya tumabi ito sa akin. “I think she escaped from mental hospital girl,” aniya Faye. “shh,” pagpapatahimik ko kay Faye. Napaatras kami nang bigla itong tumingin sa amin at dahan dahang lumapit. Bakit parang pamilyar to sa akin? “M-Maxine? Tulungan mo ko hihihi huhuhu,” sabi nito sa akin, bigla na lang itong tatawa at iiyak. Teka, pano niya nalaman ang pangalan ko. “Ahhhhhh!!!” Di ako nakagalaw ng bigla itong tumayo at hinablot ang kwelyo ko. Nakatingin siya sa name tag ko. Doon niya marahil nalaman ang pangalan ko. Habang nakatingin ako sa kaniya, di ko mapigilang mapaisip dahil parang nakota ko na siya. Di ko lang matandaan kung saan. “tulungan mo ko,” sabi nito ulit sa akin. Magulo ang kanyang mahabang itim na buhok, namumugto ang mata at tuyo ang mga labi. May kaunting dumi ang kanyang damit kaya sa palagay ko ay kakatakas lang nito sa hospital. Sinabihan ko si Faye na tumawag ng ambulance para matulungan tong babae. “tulungan mo ko,” sabi niya. Nagulat ako nang bigla may tumulong dugo mula sa ulo nito “oh my gosh,” sabi ni Faye. “Miss, dumudugo ulo mo,” sabi ko. Hinawakan ng babae ang ulo niya at ng makita niyang may dugo sa kamay niya ay bigla itong tumawa ng malakas. Napaatras ako at tumingin kay Faye. Nababaliw na yata siya o talagang baliw na? Maya maya ay dumating na ang ambulance. Sinabi sa amin na tumakas daw ito sa mental hospital at yung dugo sa ulo nito ay marahil sa mga taong nakasalubing nito at napagtripan ang babae lalo na sa kondisyon nito. Naawa ako sa babae. Habang hinihila siya pabalik ay patuloy pa rin ito sa pagsabi na tulungan ko daw siya. Hindi ko alam kung bakit. Ewan pero pakiramdam ko parang may mali. Pagkaalis ng ambulance dumerecho na kami sa school. Isinawalang bahala ko na lang yung iniisip ko. “I think we should take a cab next time baka mamaya may makasalubong na naman tayong baliw, who know,” sabi ni Faye. Di ko alam pero natawa ko sa sinabi niya, hindi na namin kailangang sumakay ng taxi dahil kahit bata kayang lakarin papunta sa school namin sa sobrang lapit. Pero di ko maiwasang isipin ang nangyari kanina, para bang nangyari na yun pero di ko maalala. Pinilit kong isipin pero di ko talaga maalala. “Girl?” aniya Faye. Di ko napansing malayo na pala narating ng isip ko, at naiwanan ako ni Faye sa paglakad. Ngumiti na lang ako at hinabol si Faye. Pakiramdam ko talaga may mali. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD