
Two women. Three dead men. One vacation that turned Mellow’s life upside down…
Gusto lang naman ni Mellow na makatakas sa lahat. Isang tahimik na bakasyon para makaiwas sa burnout. She rented a cabin, her temporary sanctuary. But her sanctuary quickly turned into a slaughterhouse nang pasukin siya ng tatlong lalaki na gustong lumapastangan sa kaniya.
In her darkest moment, someone—or something—intervened.
Paralisado sa takot si Mellow habang pinapanood ang isang misteryosong babae na brutal na pinatay ang mga attackers niya. Akala ni Mellow, iniligtas siya. Akala niya, tapos na ang nightmare. Little did she know, it was just the beginning of something much worse.
Dahil pagbalik ni Mellow sa siyudad, hindi na siya nag-iisa.
May halimaw na sa loob niya—isang gutom na nilalang na dahan-dahang kinakain ang kaniyang pagkatao. Her beauty is rotting, her skin is turning to ash, at unti-unti siyang nilalamon ng isang supernatural na lamig. She is starving for a "warmth" she can't name.
And she will do anything to stop the shivering.

