The back of Mellow’s neck was prickling again. She could sense someone watching her. Mabilis siyang lumingon sa direksiyon kung saan niya nararamdaman ang presensiya ngunit ang mga puno ng mahogany at ligaw na halaman lang ang nakita niya. Ilang sandaling itinuon niya ro’n ang mga mata, tinalasan pa ang paningin at pakiramdam.
Malalaki ang agwat ng mga mahogany, makitid din ang mga katawan kaya hindi ideal na pagtaguan. If there’s someone there, she’ll spot him immediately.
Or it. Maaring ligaw na hayop lang iyon, o isa sa mga ibon na namumugad sa mga puno. Pero may kakayahan ba ang mga hayop na magbigay ng ganoong klaseng pakiramdam? Can birds and squirrels do that? Bigger animals can—maybe. Pero anong klase ng mas malaking hayop? Tigre? Lobo? Bear? May mga ganoon ba sa kagubatan ng Pilipinas? Ang pagkakaalam ni Mellow ay wala.
Nakarinig siya ng kaluskos. Then something dropped on the table. Napatili si Mellow, nahulog sa sahig ang journal at mga ballpen niya.
“Damn it!” naiinis niyang sabi nang madiskubre ang dahilan kaya muntik na siyang atakehin sa puso. It’s just a damn lizard. Dinampot niya ang magazine na binabasa kanina at iyon ang ginamit na pambugaw sa butiki. “Go away! Shoo!” Mabilis naman iyong lumundag pababa ng mesa at nagtago sa siwang sa pagitan ng sahig at dingding.
With her heart still beating fast, Mellow gathered her things, cursing Kyra every now and then. Pinsan at bestfriend niya si Kyra na sana ay kasama niya sa cabin na iyon. It’s Kyra’s property anyway. Ibinigay na iyon ng tatay nito, si Uncle Will, na doktor sa Canada. Pero nag-cancel sa last minute si Kyra, kung kailan nasa airport na siya at ilang sandali na lang ay lilipad na ang eroplano patungong Pangasinan. “Something came up” daw. Hindi niya alam kung ano ang “something” na iyon. Hindi niya rin mahulaan dahil si Kyra ang tipo ng tao na maraming pinagkakaabalahan at pinagkakainteresan. Photographer, dancer, event organizer at web page designer. Ilan lang iyon sa propesyon ng pinsan.
Huling dinampot ni Mellow ang journal niya, inipit iyon sa ilalim ng kili-kili. Nasa ganoong posisyon siya nang maramdaman na naman ang mga tusok-tusok sa batok niya, na sinundan ng lagutukan ng nabaling sanga. From the corner of her eyes, she saw something moved. Lumingon siya ro’n at napasinghap. Pakiramdam din niya ay lumaki ang ulo niya.
Hindi siya praning lang. Someone was really watching her. Bulto ng tao ang nakita niyang mabilis na tumalilis at naglaho sa likod ng halamanan. Nanginginig na pumasok si Mellow sa loob ng cabin at nag-dial sa cellphone niya. Tatawagan niya ang kapitan ng barangay na iyon. Ibinigay sa kaniya ni Kyra ang numero ni Kapitan Miyong noong huling beses silang magkausap.
Habang naghihintay na komonekta ang tawag, sumilip si Mellow sa blinds katabi ng pinto. Ala-una pa lang ng hapon subalit animo’y malapit nang lumubog ang araw. Natatabingan kasi ng mga dahon ng mga puno ang sikat ng araw. She loves the sight of the trees but now that she was alone there surrounded by them, they were giving her the creeps.
Tumutok ang mga mata niya sa lugar kung saan nakita niya ang bulto. Namalik-mata lang ba siya? Babae nga ba ang nakita niya?
And that woman wasn’t wearing anything.
---
MABABAIT ang mga taga-Barangay Lualhati, safe ang lugar, crime-free since 1996. Iyon ang assurance na ibinigay kay Mellow ni Kap Miyong. Para daw mas mapanatag siya, magtatagalaga ito ng mga tanod na magroronda sa paligid ng cabin. Pumayag siya. Besides, hanggang ngayong gabi na lang siya ro’n. Nakapagdesisyon na siya. Uuwi na siya ng Maynila. Naroon siya sa probinsiya para magpahinga, para magbawas ng stress subalit kabaligtaran ang nangyayari.
“Kap, sandali lang ho,” tawag niya sa lalaki bago pa man makalabas ng pinto. Saglit siyang nag-alangan kung itatanong dito ang kanina pa gumugulo sa isip niya. “May residente po ba kayo dito na…na may problema sa pag-iisip?” Iyon lang ang nakikitang ekslpinasyon ni Mellow sa nakita kanina. Dahil sino ba namang may matinong pag-iisip ang magpapagala-gala nang hubad sa ganoong lugar?
Kumunot ang noo ni Kapitan, nag-isip saglit. “Ang alam ko lang na may ganoong sitwasyon dito ay si Tatang Anselmo, iyong dating kartero sa City Hall. Pero dala na ng katandaan ang kay Tatang. Ninety-three years old na si Tatang Anselmo, hindi na rin nakakalakad,” sagot ni Kap. “Bakit mo natanong?”
It wasn’t him. At hindi niya rin sasabihin kay Kap ang nakita. O kung nakita nga ba talaga niya iyon? Maaring namalik-mata lang siya kanina, dala lang ng paranoia at takot niya kaya kung anu-anong imahe na ang pino-produce na imahe ng utak niya.
“Wala ho, Kap. Kailangan ko lang sana sa… sa ginagawa kong nobela,” she lied.
Hindi siya manunulat pero may kinalaman doon ang trabaho niya. Chief editor ng Weaver Media si Mellow. Publisher ang Weaver ng iba’t ibang babasahin, subalit bentahe nila ang most-read online stories na binili nila at ginawang paperbacks. Five years na sa ganoong trabaho si Mellow; libu-libong kuwento na ang dumaan sa kaniyang mga kamay at mata. She loved her job, but she needed some time away from it or she’d end up hating it. “Even lovers need a holiday from each other,” ‘ika nga ng kanta.
Nag-file siya ng dalawang linggong leave. Nagamit na niya ang isang linggo no’n nang magbakasyon sa Nasugbu. Sa Baguio sana niya gugugulin ang mga natitirang araw pero nakumbinsi siya ni Kyra na sa Pangasinan na lang. Pagkatapos ngayon ay si Kyra ang wala. Pangatlong araw na niya roon at wala siyang ibang ginawa kundi matulog, manood ng movies sa laptop at ma-praning.
Nagpasalamat siya kina Kap at sa mga kasamang tanod. Dalawa sa mga iyon ay inutusan nitong mag-ronda sa paligid. Kahit paano ay nakaramdam ng kapanatagan si Mellow.
She went to the room she was using and packed her things. Sumalampak siya sa kama pagkatapos at ipinagpatuloy ang pag-mo-movie marathon.